CHARM#13

308 50 15
                                    

Flashback

_CHARM_

"You are all still second years kaya heto and tatandaan niyo. Wala munang boyfriend-girlfriend. Masyado pa kayong bata para makipagrelasyon. Kapag may nabalitaan akong isa sa inyo'y may mga boyfriend o girlfriend sa higher section, malalagot kayo sakin." pangangaral samin ng matandang dalaga naming teacher sa ESP.

Pasimple kaming nagkatinginan ni Mari. Nakaawang ang labi nito at may takot sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang ngumisi sa kanya.

Tingnan mo 'tong isang 'to. Kung makapagreact akala mo siya yung pinaparinggan ng bitter naming teacher.

"Remember students, I am watching you. Hindi ako magreretire hangga't hindi kayo nakakagraduate ng highschool." pahabol pa niya with matching taas ng kilay niyang ginuhit lang gamit ang eyebrow liner.

"Narinig mo ba ako, Miss Devidino?" istriktong bigkas niya sa apelyedo ko dahilan na napaayos ako ng upo. Napalunok pa ako nang sabay-sabay na nagsilingunan ang mga kaklase ko sakin. Yung iba ay para pang nagpipigil ng mga ngisi nila at yung iba ay tila naaawa pa sakin. Tch. As if naman ako lang yung gumagawa ng ipinagbabawal niya samin. Sumagot na lamang ako para matapos na at makaalis na sa classroom namin si Ma'am Villar.

"Opo ma'am." muli niya akong tinaasan ng kilay at tinignan na para bang hindi pa naniniwala sa sinagot ko.

"Well, that's all for today. See you tomorrow." sabay-sabay kaming nagpaalam sa kanya at hinintay na mawala ang tunog ng mga heels niya na naririnig namin mula sa corridor. Nang masigurong nakalayo na ito ay kaagad na nagsitayuan at nag-ingayan na naman ang mga kaklase ko na para bang nasa tindahan sila.

"Geez! Ang heavy talaga ng atmosphere kapag si Ma'am Villar na ang nasa harap!" reklamo ng kaklase kong si Shaina habang nakahawak ngayon sa dibdib niya.

"Oo nga eh. Humihinga pa ba kayo kanina?" segunda naman ng baklang si Macario na kilala sa nickname na Macy.

"Mukhang nakakaamoy na yata si Ma'am Villar na nililigawan ka ni Reilan, Charm." nababahalang saad sakin ni Mari kaya napalingon ako sa kanya.

"Geez, Mari. Kahit kailan naman, always nakakaamoy ng umuusbong na relasyon yung matandang dalaga na yun eh." sagot ko na lamang sa kanya. Totoo naman kasi. Dinaig pa kasi nito ang Principal kung makialam sa school rules and regulations ng paaralan. Ni ang principal nga ay walang pakialam sa pakikipagrelasyon ng mga estudyante pero si Ma'am Villar talaga etong hands-on sa topic na yun. Kaloka siya!

"And take note, ikaw na naman ang nakita niya." kaagad na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang boses ni Jinny na sa ngayon ay nasa tabi ko na pala. Tingnan mo 'tong isang 'to. Sumusulpot na lang bigla.

"Hoy, babae! Wala ka bang klase at nandito ka na naman sa classroom namin?" sita ko sa kanya. Ngumuso lang siya at lumuhod sa sahig. Ipinatong niya ang mga braso sa ibabaw ng mesa ko at inihilig ang ulo niya dun na para bang nagpapacute sakin.

Chancy Revenge [Completed]Where stories live. Discover now