CHARM#20

308 48 3
                                    

_CHARM_

"Bumabagyo tapos lalabas ka? Anong trip mo sa buhay?" hindi ko mapigilang tanong kay Chiara na sa ngayon ay ayos na ayos. Ilang ulit na rin itong umakyat-baba na halos ikinahilo ko na.

"Kahit bagyo, walang makakapigil sakin! Rawr!" sigaw pa niya bumungisngis na ikinangiwi ko. Talandot talaga itong babaeng 'to. Mas malala pa sakin. Mabuti na lang at kahit papaano ay nagtino na ako.

"Kasama mo si Lucas?" tanong ko sa kanya na ikinatigil niya. Kumunot ang noo ko ng tumalikod siya sakin.

"Yep! I told you, I'll get him." sagot niya sakin pero halata ang kakaiba sa boses niya. Natahimik lang ako. Umayos ako ng upo sa sofa at nagkumot. Malamig kasi talaga ang temperatura. Ewan ko lang talaga kay Chiara at nakakaya niya pang magshort at magsleeveless sa ganito ka lamig na panahon.

"I'm going." paalam niya sakin.

"Okay. Have fun." pahabol ko sa kanya hanggang sa narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Now, I'm alone again in this house. Napabuntong hininga na lamang ako at hinaplos ang tiyan ko. Medyo may umbok na ito pero hindi pa naman masyadong halata.

Umayos ako ng pagkatihaya sa sofa inilibot ang tingin ko sa loob ng bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniimagine ko ang future ko kasama si baby.

"Don't worry Daddy, pupunuin ko tawa at saya ang bahay na ito kasama ang magiging apo niyo. Please always watch over us there from above. I promise to be the best mom for my baby." marahan akong bumuntong hininga at ipinikit ang aking nga mata habang paulit-ulit na hinahaplos ang tiyan ko.

Dad raised me alone and he never failed to provide everything I need. He made sure that I'll never be lonely kahit na siya lang ang nagpalaki sakin dahil sa iniwan kami ng magaling kong ina. My baby will never be lonely and feel less love. Dahil pupunuin ko yun kasama ang mga taong mahal din siya.

Panandalian akong natigilan ng sumabit sa isipan ko ang mukha ni Cebi. Bigla din ako nakaramdam ng kirot ng maalala ang mga masasakit na salitang binitawan niya sakin. Those words that brutally torturing my heart endlessly. I don't want my child to experience that kind of rejection. Especially when it comes from his own father. Mas okay ng ako lang yung masaktan, wag lang siya.

"Don't worry baby. Mommy's gonna protect you from anyone who tries to harm you." I assured to my baby. I keep on talking to my baby hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Nagising lang ako ng marinig ang sunud-sunod na pagtunog ng doorbell sa gate namin.

Wala sana akong balak na pansinin yun pero hindi ito tumigil kaya napasigaw na lamang ako sa pagkakairita. I even throw my pillow bago padabog na tumayo.

Wala na akong time pang kumuha ng jacket ko sa kwarto dahil sa halatang naiinip na ang taong walanghiyang pinanggigigilan ang doorbell ko.

"Sandali!" naiinis na sigaw ko at sinuot ang aking tsinelas bago binuksan ang pinto. Kaagad kong niyakap ang aking sarili dahil lamig na bunulaga sakin. Shet! This the reason why I hate going out in a bad weather! Hinila ko na lamang ang payong na nakita ko sa tabi at mabilis yung ibinuklat at sinugod ang malakas na ulan patungo sa taong nasa labas ngayon. Nang makarating na ako sa harap ng gate ay marahas ko yung binuksan. Only to have a face to face to a guy that is on my last list to see.

Nanlalaki ang mga mata ko habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He is soaking wet! I can even see his pale lips trembling.

"W-what the hell, Cebi?!" bulalas ko. Mabilis ko siyang hinila papasok at pinasukob sa payong ko which is wala din namang kwenta dahil sa basang-basa na talaga siya.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka nagpaulan? Anong trip mo? Kita mong bumabagyo!" singhal ko sa kanya ng makapasok kami sa bahay. Pero tumigil lang siya sa bandang pinto at hinubad ang suot niyang sapatos. Mabilis naman akong umakyat sa kwarto para kumuha ng towel at bumalik sa kanya.

Chancy Revenge [Completed]Where stories live. Discover now