CHARM#24

242 40 0
                                    

_CHARM_

After that confrontation with Cebi, I made myself busy enough to forget him. And I guess, it’s working. Hindi ko na rin siya nakikita pa at natetyempuhan kapag pumupunta ako sa bahay nila para dalawin si Mari. Hindi ko na yun pinoproblema yun ngayon.

“Milly, nacontact mo na ba si Luis?” tanong ko sa secretary ko. It’s been two days since the last time na kinontact ko ito pero parating out of reach siya. Nababahala na ako dahil sa nagkaroon ng conflict sa schedule ko yung date na debut ng kapatid niya.

“Hindi ko pa rin po siya macontact ma’am eh. Pero sabi ng secretary niya ay nasa ibang bansa po si Mr. Anderson ngayon at next pa po makakabalik.” Napabuntong hininga na lamang ako sa sagot ni Milly.

“Kapag nacontact mo ulit ang secretary niya, please tell him that I have to talk to Luis.” Kaagad siyang tumango sakin.

“Thank you, Milly. I’ll go now. Again, thank you.” Paalam ko sa kanya.

“Sige po, ma’am.”

This day is so tiring and I already miss my bed. Kahit 3:00 p.m. pa kang ng hapon ay inaantok na ako. Maybe because of my pregnancy. Huminto muna ako sa isang café na paborito kong daanan para bumili ng shake. I’m salivating for something sweet right now. Hindi ko maiwasang mapasimangot ng makitang puno ang mga table. Ganito talaga siguro kapag may bago sa menu nila.

Nag-order na lamang ako ng strawberry shake with a twist which is its toppings. Ikaw kasi mismo ang pipili ng gusto mong itoppings sa shake na inorder mo kaya mas lalo lamang ako naglaway sa offer nilang yun.

Nang makuha ko na ang inorder ko ay naghanap na lamang ako ng pwede kong mauupuan sa kamalas-malasan ay natanaw ko ang isang bakanteng mesa na may nag-iisang taong nakaupo lang doon.

I cringe before I decided to walk towards her and rudely sit in front of her. Kaagad naman siyang napalingon sakin at mataman akong tinignan kaya tinignan ko siya ng masama. Lalo na ng ngumiti siya sakin na ikinainit ng ulo ko. Inirapan ko na lamang siya.

“Cut the crap. I’m not here para makipagplastikan sayo.” Pagtataray ko kay Eiko dahilan na ako naman ang inirapan niya. Kung hindi lang ako nakapagpigil ay baka naibuhos ko na sa kanya ang shake ko. Pero naisip kong sayang naman pag ginawa ko yun. Gumastos pa ako para lang matikman ng pagmumukha ng babaeng to ang shake ko kaya wag na lang!

“Then, you should not have sit here.” Kumibot ang labi ko sa sinabi niya at sumimangot.

“As if gusto ko no. There is no vacant table atsaka, hindi mo pag-aari ‘tong upuan kaya wag kang madamot!” sagot ko sa kanya at pinagtuunan na lamang ng pansin ang nasa nasa harapan ko. And as I took a sip for the first time, muntik pa akong mapatili sa sarap nito. Damn! The sweetness is just perfect for my buds. Pero napatigil ang moment ko ng bigla na namang umepal si Eiko.

“That’s too much sweets.” She mumbled as she is looking at the toppings of my strawberry shake which is a cookie na may chocolate na palaman at grapes syrup. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Look Charm, I mean no harm. It’s just that, the combination is kinda, you know.” Paliwanag pa niya dahilan na mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ano bang pakiaalam ng babaeng ‘to sa gusto kong kainin? Hindi naman siya ang titikim ah.

Napakurap siya ng bigla kong itinaas ang kamay ko at ibinaba ng diretso habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“I already close the imaginary wall between us so don’t talk to me nor mind my shake.” Mahina pero matigas kong sabi sa kanya na ikinaawang ng labi niya.

Hindi ko na siya pinansin pa at muli na lamang binalikan ang shake ko at nilantakan yun. Pero napatigil ako ng biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa kaya wala sa sariling napatingin ako dun. Bagay na hindi ko sana ginawa. Pero huli na, nakita ko na ang pangalan ng taong tumawag sa kanya.

Chancy Revenge [Completed]Where stories live. Discover now