Chapter 19

334 21 1
                                    

"Wooooah! Grabe, nag-enjoy ako doon ah! Tara saan tayo next?"
"W-wait lang. Pakiramdam ko masusuka ako."

Biglang sabi nito, ng lingunin ko ito ay nakahawak ito sa barricade at namumutla na animo'y tinakasan ng kaluluwa ang itsura nito. Akala ko ba gusto niya dito?

"Joseph. Okay ka lang?"
"H-hah? Oo naman. A-ano lang, nahilo lang ako doon. Bat kasi doon pa tayo sumakay."
"Hah? Ikaw kaya yung nag-yaya dun. At tiyaka akala ko ba gusto mo dito? Yun palang yung una nating sinakyan e."
"A-ano, Nanibago lang kaya g-ganun."
"Sus. O tara na sa iba, marami-rami pa yung ita-try natin na rides."

Akmang mauuna na akong maglakad dito ng pigilan niya ako sa kamay.

"T-teka Annie. Ano kasi, pwede bang wag muna tayong sumakay sa mga ganyang rides?"
"Eh? Anong sasakyan natin?"
"Ferris wheel kaya?"
"Ferris Wheel? Ng tanghaling tapat? Ano balak mong mag-sun bathing?"
"Ahehe. Ikaw bahala, basta wag muna sa mga rides. Maya-maya nalang ulit."
"Ganun? O sige. Wag sa mga rides. Hmm. Ah! Alam ko na. Tara sa Horror house!"

Nanlaki naman ang mga mata nito ng sabihin ko yun.

"H-hah?"
"Ano? Tara na. Come on bamanos."
"P-pero--"
"Halika naaaa."

Wala na itong nagawa ng hatakin ko siya. Naririnig ko pang may ibinubulong siya pero hindi ko ito naintindihin.

------
"Mama! Ayoko na dito! Kuya! Palabasin mo na kami! Waaaaah! Ayoko na ditooooo!"

Oh, ini-expect niyo kami yun no? Pwes hindi.

Hindi kayo nagkakamali.

Pwes kung ini-expect niyo rin na ako yun, hindi rin kayo nagkakamali.

"Kuyaaaa! Waaaaah! Palabasin niyo na ako! Ayoko na dito pramiiiis!"

Jusko! Kung alam ko lang na ganito ka worst sa loob hindi na ako nag-yaya.

Ang malala pa. May humawak sa pwet ko. T________T

Langhiya siyaaaa. Dahil sa sobrang dilim hindi ko na nakita kung sinong hinyupak yun.

Hindi ko na nga rin alam kung nasaan si Joseph e. Basta pag-lingon ko wala na siya. Kakatakbo ko siguro kaya hindi na niya ako nasundan. Ang dami pa naman namin dito sa loob.

Ng makita kong may liwanag ay agad akong tumakbo papunta doon. For sure ito na yung exit.

Paglabas na paglabas ko ay naupo agad ako sa gilid. Jusko. Ramdam ko na wala na akong boses bukas after nito.

Hinintay ko namang lumabas si Joseph pero naubos na ata yung mga tao pero wala parin siya. Nasaan na ba yun? Wag mong sabihin na naligaw siya? Isang way lang naman ang meron papunta sa exit.

Maya-maya pa ay nakita ko naring lumabas ito. Patakbo ko naman siya nilapitan.

"Bakit ngayon ka lang-- teka, bakit may pasa ka?"

"Bitawan niyo ako. Wala naman akong ginagawa ah."
"Labas nalang tayo sir. Sumama nalang po kayo sa amin."
"At bakit ako sasama sa inyo? May proof ba kayo na ginawa ko talaga yun?"

"Hala, Anong meron?"

Nagulat naman ako ng lumapit sa amin yung isang security at kinausap si Joseph.

"Sir. Sumama nalang din po kayo para makapag-file kayo ng reklamo."
"Okay."

Tumango naman ito sabay tumalikod na, tiyaka ko naman nilingon si Joseph at kinausap.

"Ano yun? Bakit ka magpa-file ng reklamo?"
"Basta. Lets go."
"Pero--"

Hinatak na niya ako at hindi na talaga sinagot ang tanong ko. Dinala naman kami sa office ng mga security kasama na rin yung lalaking nagwawala kanina.

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang