Chapter 16

354 19 6
                                    

"Annie! Dalian mo na aba, mali-late ka na oh! Batang to."
"Opo ma, wait lang po." sagot ko rito habang nagmamadaling bumaba ng hagdan
"Magdahan-dahan ka. Naku naku, ito na ang sinasabi ko. Bakit naman kasi inabot ka ng anong oras ng uwi, ayan tuloy late ka na nagising."
"Ma kasi--"
"Nakipag-date yan kagabi kaya anong oras na naka-uwi." pag-sabat naman ni kuya habang nag-lalagay ng kanin sa plato niya.

"Nakipag-date ka diyan, sipain kita e."
"Bakit hindi? Sinong naghatid sayo kagabi sige nga, naka-kotse pa nga."
"Malisyoso mo kamo."
"Oo o hindi lang ang isasagot mo e."
"Hindi nga kasi! Ang kulit-kulit mo."
"O bat ka pikon?"
"Chismoso mo kasi!"
"Ma oh, guilty si Annie. Naninigaw!" Pag-susumbong nito habang dinu-duro ako
"Hindi naman kita sinisigawan ah!"
"Oo kaya!"
"Hindi nga!"
"Hindi ka diyan!"

"PWEDE BA! MAG-MADALI NA KAYONG DALAWA AT PAREHO KAYONG MALI-LATE NA! SIGAWAN KAYO NG SIGAWAN DIYAN NASA HARAPAN KAYO NG PAGKAIN! NATUTULIG NA ANG TENGA KO SA INYONG DALAWA! KANINO BA KAYO NAGMANA?!"

Sabay naman kaming napa-takip ng tenga ni kuya sa lakas ng boses ni mama.

Kanino daw nag-mana. Psh. -______-

-------
"Really? Kawawa naman si Lance."
Napatingin naman ako kay JL ng sabihin niya iyon
"Anong kawawa? Naglakad ba siya pauwi? Hindi naman ah."
"No, I mean kasi hindi ka sumabay sa kanya."
"Dai, anong oras na kasi yun. Paano kung mapahamak siya sa daan kapag hinatid niya pa ako, diba?"
"Uuuuy! Concern ang lola mo. Ayieeee."
Pangaasar nito habang dinu-dutdot ang tagiliran ko.
"Ano ka ba. Tigilan mo nga yan." Tinatapik ko naman ang kamay nito

"Ano dai. Team Lance na ba instead of Team Joseph?"
"Magtigil ka nga. Team team ka diyan. Alam mo naman kung sino talaga yung gusto ko e."
"Asows!"

"Annie!"

Sabay naman kaming napalingon ni JL sa tumawag sa akin.

Si Joseph.

Kumakaway ito habang nagja-jog papunta sa kung saan kami naka-tayo ni JL.

"Speaking of. Mukhang may nabubuo na ah."
"Baliw ka! Mamaya marinig ka niyan."
"Hay nako Annie. Sige pala mauna na ako sayo ah, nakalimutan kong busog pa pala ako."
"Hah? Anong pinag-sasabi mo? Dito ka lang."
"Ba-bye! See you sa next subject. Muaaa!" Sabay flying kiss at alis nito
"JL!"

Hindi ako nilingon nito, sa halip ay kumaway lang siya sa akin habang nakatalikod.

"Anak ka ng--"
"Hi!"

Nagulat naman ako ng biglang nasa harapan ko na si Joseph.

"Oh. Joseph."
"*chuckle* Nagulat ba kita? Sorry ah."
"Ah hindi, kanina kasi nasa malayo ka pa. Nagulat ako nandito ka na."
"Ah ganun ba. Wala e, excited akong makita ka."
"H-hah?"
"Wala, sabi ko kung kumain ka na?"

Sinimangutan ko naman ito.

"Bakit ba sa tuwing mag-kikita tayo pagkain lagi ang tinatanong mo?"
"Hahahaha. Ayaw mo nun, mag-kakalaman ka."
"Ano ka. Tumaba na nga ako e."
"Tumataba? Saan diyan?"
Inikutan pa ako nito habang hinahanap kung saan parteng tumaba ako

"Yung mukha ko."
"Hindi kaya. Ganun pa nga rin ang itsura mo."
"Huh? Anong ganun parin ang itsura ko?"
"Ganun parin tulad noong-- ah basta. Ano tara kain tayo? Vacant mo rin diba? Gutom na ako, sabay na tayo."
"Sige na nga, pero sarili kong bayad."
"Hah? Wag na--"
"Basta. Di ko na nagagalaw pera ko kaka-libre mo."
"Ayaw mo nun nakaka-ipon ka?"
"Heh!"
"Hahahaha. Sige na nga."

------
"Gusto kong kumain tuloy ulit ng ihaw-ihaw."
"Hahaha. Baliw ka, wala naman nun dito."
"Kaya nga e. Sayang. Dapat may ganun rin sila no?"
"Pwede. Kaso mas masarap yung kapag fresh from the ihawan pa talaga."
"Sabagay."
"Tiyaka baka iilan lang ang umorder nun dito o baka nga wala pa e."
"Bakit naman?"
"Malay mo yung iba hindi alam yun or hindi nila gusto yung mga ganung klase ng pagkain."
"Ganun? E di ako ang uubos."
"Grabe ka. Takaw mo naman."
"Syempre, paborito ko kaya yun. Sayang nga at bihira nalang ako makakain ng ganun."

"There you are. I've been looking for you, nandito ka lang pala. Hindi mo manlang ako hinintay."
"Ano ka ba. Mukha bang sabay tayo ng vacant para hintayin kita."
"Bakit 30 minutes lang naman yung advance mo."
"Wow. Nahiya ako sa 30 minutes mo ah."
"Bakit ikaw nga-- opps, sorry may kasama ka pala. Hi there!"

Biglang napatigil ito ng makita ako.

-_______-

Akala ko hindi na niya mapapansing nandito ako e.

"H-hi?"
"I'm sorry hindi kita napansin agad, ito kasi e."
"Anong ako?"
"Hmp! By the way, I'm Chantal and you are?"
"Ah. Annie. My name is Annie."
"Annie?" Biglang nanlaki ang mga mata nito "You're Annie?"
"Huh? O-oo, bakit?"

Nagulat naman ako ng napatakip ito sa bibig niya na animoy gulat na gulat siya na malamang ako si Annie.

"OMG! Omayghad!"
"Huh?"

Masyado ba siyang nagulat sa pangalan ko para maging ganyan ang reaction niya?

"For real? I mean Annie talaga ang name mo?"

Tumango-tango naman ako dito na may halong pagtataka.

Base sa naging reaction niya sa name ko siguro dapat na akong maniwala sa sinabi ng nanay ko,

na maganda ang name ko.

"Ghaaad! Totoo nga, hindi ako namali lang ng dinig. You're really Annie. I can't believe it."
"H-hoy! Kakain ka ba? Sa iba ka nalang sumabay o kaya doon ka sa malayong table kumain. Ayaw kitang kasabay."
Pag-tataboy naman rito ni Joseph

"Why? Ow. Okay, gets kita. Dito na muna ako. See yaah! Bye Annie, till next time." Sabi nito sabay kindat sa akin
"A-ah sige. Bye."
"Oh and by the way, you're super pretty."
"H-huh? T-thank you. He.he."

Awkward naman akong napa-tingin kay Joseph.

"Ahm. Ano. Kasi." Pautal-utal na salita nito.
"Kasi?"
"Ah wala wala. Tara kain na tayo."
"Hmm."

Kinunutan ko lang ng noo ito. Ano kaya yun? Bakit ang weird nila pareho nung Chantal? Parang may dapat akong malaman.

Pero teka.

"Hmm. Joseph."
"Mm?"
"Bakit..."
"Bakit? Ano yun?" Nag-angat naman ito ng tingin sa akin

























"Bakit namumula ka?"

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now