Chapter 14

306 25 6
                                    

"Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan, ikaw naman yung manglilibre."
"Yeah but what if hindi mo magustuhan yung mapili kong lugar diba? At least kapag may gusto kang kainan pwede akong mag-adjust."

Kahit saan mo pa ako dalhin basta ikaw ang kasama ko magugustuhan ko.

"So what do you think? May naisip ka na ba?"
"Ay ikaw na nga ang bahala buang. Di mo kailangan mag-adjust no."
"Itong tinatawag mong buang kailangang mag-adjust kasi siya ang lalaki."
"Pero--"
"No buts, pick wherever you like."
"Di ka talaga papatalo no?"
"Nope." umiiling habang naka-ngiting turan nito.

Dahil wala narin naman akong choice kundi mag-decide if saan kami kakain, tumingin-tingin nalang ako sa pwede naming kainan.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lance na nakatayo sa gilid ng isang stall ng ice cream at animoy may hina-hanap.

Shox. Nandito parin siya? Ako parin kaya ang hinahanap nito? Napakatatag niya kung ganun.

"So ano may nahanap ka na?"
"Ah. Ah kasi Joseph, wala e."
"Wala? As in? Or tara hanap pa tayo sa iba?"
"O-o sige. Mabuti pa nga. Doon tayo banda sa may ano, doon oh sa kabila. Tara." ani ko habang hinihila na siya.
"Sige. Easy." Naririnig ko pang tumatawa ito.

Juice ko lord. Sana hindi niya ako makita, buhay ko ang nakataya dito. Hindi na naman ako tatan-tanan ng taong yun.

Akmang paliko na kami sa may bandang kanan ng mall ng may tumawag kay Joseph.

"Joseph! Yo bro!"

Sabay pa kaming napalingon sa taong tumawag sa kanya.

Hindi dahil sa curious ako kaya pati ako ay lumingon, sadyang kilala ko lang ang boses ng taong iyon.

"What are you doing here? And sino yang kasama m-- Annie?"
"Lance."
"Thank god nahanap din kita. Alam mo bang kanina ko pa nililibot itong mall na to? Pero, bakit kasama mo si Joseph?"

Kilala niya si Joseph? Seryoso ba to?

"Mag-kakilala kayo?" halos sabay naming tanong ni Joseph.

"Oo." Sabay rin naming sagot.

"Okay? So anong meron? Bat nga kayo magkasama?" nalilitong tanong naman ni Lance.

Jusko. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Kanina lang magkakasama kaming nag-simba nila mama tapos nakita namin si Lance hanggang sa takasan ko ito at pagtaguan pero nakita niya parin ako and last but not the least, magkakilala sila ni Joseph? Ayoko na bai. Nananakit na yung ulo ko. T_____T

-----
"Remember yung girl na sinasabi ko sayo na gusto ko ever since high school? Siya yun bro. And that one time na pinuntahan ko sa school niyo? Siya yung hinahanap ko nun."
"Really? I didn't know." sinasabi ni Joseph yun habang nakatingin sa akin.

"Nagulat talaga ako na makita kayong magkasama, ang liit ng mundo grabe. As if itinadhana na mag-kita talaga kayo..."

Napa-ngiti naman ako sa sinabi ni Lance.

"Para hindi na ako mahirapan pa na ipakilala pa siya sayo, right Annie?"

Nginitian ko lang ito ng pilit bilang sagot.

Natuwa na sana ako e, kaso dinugtungan pa.

"Oh and by the way, bakit nga ba mag-kasama kayo?"

Nagka-tinginan naman kami ni Joseph

"I invited her to eat with me. Sinamahan niya kasi akong bumili ng libro para kay-- oh wait, I have to answer this excuse me." biglang naputol ang sasabihin niya ng biglang may tumawag sa kanya.

Pumwesto siya bandang di naman kalayuan sa amin, sapat lang para di ko marinig yung pinag-uusapan nila ng kausap niya sa phone.

"So Annie. Saan ba kayo kakain? Sama ako."
"Hah? Bat sa akin ka nag-papaalam, si Joseph ang manlilibre."
"Ganun? Baka naman ayaw mo lang na sumama ako, nakakapang-selos na kayo ah."
"Selos ka diyan."
"Kasi sa kanya okay lang na sumama ka, tapos pag ako nag-aaya halos pagtaguan mo ako."
"Hah? Pinag-tataguan ba kita? Hindi kaya."
"Anong hindi, kapag duma-daan ako sa bahay niyo lagi kang wala. Tapos di manlang kita ma-tiyempuhan na online, or kung online ka man di mo naman pinapansin yung chat ko. Hindi pa pag-tatago ang tawag dun?"

Naka-nguso pa siya habang sinasabi yun.

"Hindi ah. Nagkataon lang siguro ikaw naman."
"Annie--"
"So ano pre, sama ka sa amin?"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Joseph.

"Sure, why not?"
"Okay then lets go? Saan tayo Annie?"
"Huh? Ako parin magde-decide?"
"Of course." nakangiting sagot niya
"*sigh* Sige na nga. Tara may naisip na akong kainan."

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now