Chapter 12

333 21 3
                                    

Sunday ngayon at kakatapos lang ng misa kaya naman didiretso na kami sa paborito naming restaurant kung saan lagi kaming kumakain every sunday. Nakau-galian na iyon bago pa mawala si papa, mahalaga kasi para sa kanya na magkaroon ng kami family time kahit isang beses sa isang linggo lang. Special din ang lugar na iyon dahil doon sila nagka-kilala ni mama and at the same time nag-propose rito, ang lugar na iyon ang naging saksi ng love story nila. Grade four palang ako ng mamatay si papa sa car accident, nagta-trababaho kasi siya sa isang isurance company at nagkataon na kailangan niyang puntahan ang isang client niya. Pauwi na si papa ng may makasalubong siyang truck, huli na bago niya mai-iwas ang kotseng mina-maneho niya kaya nag-salpukan sila nito. Pareho sila ng driver ng truck na dead on the spot ng mai-rescue. Naaalala ko pa kung paano halos mag-wala si mama noon when we heard the news, lahat kami hindi makapaniwala. Simula noon nag-rebelde na si kuya sa pag-aaral niya, ako naman halos hindi na makapag-focus sa pag-aaral ko. Sobrang apektado kami dahil pareho kaming mas close kay papa. Pero kung anong sakit ang nararamdaman namin, mas triple ang kay mama. Gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak. Kapag alam niyang tulog na kami ni kuya tiyaka siya mag-iiiyak sa kwarto niya pagkatapos ay gigising na mugto ang mata kinabukasan pero parang wala lang. Hindi ko alam kung paanong nangyari na gumising na lang ako na para bang okay na ang lahat, lahat kami naka-move on na at bumalik na sa dati ang sigla ng bahay. Siguro kasi kahit wala na si papa, alam namin na lagi lang siyang nakagabay kahit nasa itaas na siya.

"Hay. Nakakatamad pumasok bukas." Tiningnan ko naman si kuya.

Nakamove-on na siya, di lang halata. Katamaran na tawag doon, hindi na pag-rerebelde.

"Oh bakit? Tinitingin-tingin mo diyan?"
"Kailan ka ba sinipag pumasok?"
"Tss."

-----
Pagkarating na pagkarating namin ay agad naman umorder si mama, nagutom siguro sa haba ng misa.

"Ma. Ikaw na ang umorder sa akin, magsi-cr lang ako."
"Osige, kahit ano?"
"Opo."

Saglit lang ako sa cr at bumalik naman agad ako sa table namin.

"Naku ganoon ba hijo? Baka di ka lang talaga type ng anak ko noon."
"Awts naman yun tita."
"Naku naku. Hayaan mo at baka malay mo ngayon may pag-asa na diba?"
"Sana nga po. Ako na ang pinaka-masayang lalaki sa mundo kapag nangyari yun."
"OA mo pre."
"Oy, oa ka diyan. Di mo pa kasi naranasan ang mag-mahal ng tunay tulad ko kay-- Oh Annie! Hi!"

Biglang tayo naman nito at lapit sa akin ng ngiting-ngiti.

"Lance? Anong ginagawa mo dito?"
"Actually my family and I had lunch here. Noong palabas na kami nakita ko sila Lorenz at tita kaya lumapit ako hoping that you're here also and sinabi nga nila na nandito ka, so kamusta? Tagal nating di nag-kita. I mean, ang tagal mong hindi nag-pakita."
"Ah. I'm okay, ikaw?"
"I'm fine too, super fine. Nandito ka na e, nakita na kita so okay na okay na ako."
Awkward lang akong ngumiti rito at agad na na-upo sa pwesto ko.

"Come on Lance, join us." halos panlakihan ko naman ng mata si mama, di niya ba napi-feel na naa-awkwardan ako?
"Naku Tita, as long as i want to kaso nabusog na po ako sa kinain namin e. Sasamahan ko nalang po kayo dito tutal naman--"
"Hindi ka ba hahanapin ng pamilya mo? Diba sabi mo kasabay mo sila? Baka ma-iwan ka ng mga yun." pag-putol ko sa sasabihin nito. Sana makaramdam ka na ayokong nandito ka please.

"Nope, sinabi ko na ma-una na sila dahil may pupuntahan pa ako. Thanks for the concern Annie."
"Ah. Ganoon ba?"
"Why? Don't you want me here?"
"Ye--"
"Bro saan laro niyo bukas? Sama naman ako." pag-putol ni kuya sa sasabihin ko na halos ikatirik ng mga mata ko.

"Ano Lorenzo? May pasok ka diba? Wag mong sabihin na a-absent ka na naman?"
"Ma. Isa lang naman yung subject ko bukas kaya kahit di na ako papasok, sayang lang sa pamasahe at oras."
"Mag-tigil ka Lorenzo. Alam mo ikaw kahit kailan ka, kailan ka ba titigil sa katamaran mong mag-aral. Abat mauunahan ka pa nitong si Annie na gru-maduate."

Nagpa-tuloy nalang ako sa pagkain. Ito na naman sila, nag-umpisa na naman.

-----
"Salamat hijo ah? Nag-abala ka pang ihatid kami."
"Naku tita okay lang po, basta kayo. Malakas kayo sakin e, lalo na si Annie."
Sabay tingin at kindat nito sa akin sa rearview mirror na inirapan ko lang.

Grabe ang tatag ng lalaking to, halos itaboy ko na siya pero ito parin. Nagprisinta pa na ihatid kami.

"Nga pala, pakibaba nalang ako diyan sa madadaanan nating mall." Sabi ko nalang dito at binalingan ko si mama.
"Ma. Mauna na kayo pauwi, may bibilhin lang ako sa bookstore."

"Hah? Do you want me to go with you?"
"Nope. Okay lang ako mag-isa. Ihahatid mo pa sila mama sa bahay right? Malakas ang mama ko sayo e."
"But--"
"Oh diyan nalang ako. Thank you sa ride. Ingat kayo ma ah? Mag-cha chat nalang ako kapag pa-uwi na ako."
"Sure ka? Gusto mo daanan ka nalang ulit ni Lance dito? Mukhang okay na okay naman sa kanya."
"No ma, sure po ako. Saglit lang naman ako, baka di na niya ako maabutan."
"Sure ka Annie? Okay lang naman sa akin."
"Sure nga ako, sure na sure na sure. Sige na, una na kayo. Ingat sa biyahe. Ba-bye!"

Agad na akong bumaba at kumaway sa kanila bago tumalikod.

*smirk*

Akala ng Lance na yan ah. Natatawa nalang ako pag na-iisip ko na wala siyang nagawa.

Parang gusto ko tuloy kumanta ng...

Ako ang nag-wagi

So saan kaya ako mag-uumpisang mag-libot?

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now