Chapter 21

378 26 1
                                    

Bakit may picture silang dalawa ni Lance sa locker niya?

Hindi naman big deal kung may picture silang dalawa, pero bakit meron siya sa locker niya?

"Ah Joseph."

Napahinto naman ako sa paglalakad ng tawagin ako nito.

"Bakit?" Sabi ko ng lingunin ko siya.

"Kayo ba ni..."

Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya pero halatang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba.

"Annie?"
"Ah. Ah wala pala, sige na. Mauna ka na, ingat ka."

Yun lang at dali-dali na siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Anong nangyari dun?
Ano kaya yung sasabihin niya?

Wait. Don't tell me, sasabihin niya ng nangliligaw na sa kanya si Lance?

Hindi kaya?

Hayys. Ano bang nangyayari sakin.

"Aiist!"

Ewan.

-------
"Papasok ka?"
"Oo, medyo okay na naman yung pakiramdam ko."
"Oh sige. Papunta na ako diyan."
"Wag na Joseph. Sa shop nalang tayo magkita."
"Hah? Sure ka?"
"Oo, sige mag-aasikaso na ako."
"Pero--"
"Bye."

*toot* *toot*

Hayys. Ang tigas ng ulo ng babaeng yun, okay naman na kahit hindi siya pumasok. Baka mamaya masyado na niyang napi-pwersa yung katawan niya e.

Ayaw mo nun hindi mo siya mami-miss?

Hah! Mami-miss ka diyan?! Bakit ako ba mami-miss niya? Baka si Lance oo.

Ay nako, maka-kain na nga. Gutom lang siguro ako kaya pati sarili ko ina-away ko.

-------
"Okay ka na ba talaga?"
"Oo nga, ano bang ginagawa mo dito?"

"Oo nga, aga-aga mong istorbo dito."

Pagsabat ko naman sa usapan nila habang nagma-mop.

"Nabalitaan ko kasi na masama ang pakiramdam mo kahapon."
"Hah? Paano mo nalaman?"

Sabi ni Annie sabay tingin sa akin.

"Oh? Wala akong sinabi ah."
"Galing kasi ako rito kahapon, tapos nadatnan ko lang yung manager niyo. Sinabi niya na maaga kayong nag-out ni Joseph dahil masama ang pakiramdam mo kaya nalaman ko."

Tss. Chismoso talaga.

Naglilinis palang kami dahil maya-maya ay mag-bubukas na pero agad na nandito ang loko na to. Hindi niya ba alam na nakaka-istorbo siya?

Saan? Sa moment niyo ni Annie?

Oo-- ay este hindi no! Sa pag-lilinis namin ang ibig kong sabihin.

"Oy pre, okay ka lang?"
"H-hah?"
"Kanina ka pag nagma-mop diyan, sobrang kintab na ng sahig."
"Ah! Oo. Ikaw wala ka bang gagawin sa inyo?"
"Wala naman."

Wala ka naman talagang ginagawa.

"Ganun?"

Agad ko namang kinuha yung spray at pamunas para sa glass wall at iniabot sa kanya.

"Bro, anong gagawin ko dito?"
"Wala kang ginagawa diba? Magpunas ka."
"Pero--"

Aangal pa sana siya kaso biglang lumabas si Annie galing sa staff room para magpunas ng mga display.

"Nako, tamang-tama to. Gustong-gusto ko talagang naglinis sa mga ganito, try ko kayang mag-apply dito? May bakante ba?"
"Wala, puno na. Dalawang employee lang pwede dito, hindi na namin kailangan ng kasama."
"Ganun? Sayang naman."

Tumatawa lang si Annie habang nag-pupunas.

Agad ko namang nilapitan ito.

"Annie."
"Mm?"
"Doon ka na sa counter, yun nalang ang ayusin mo. Ako na ang magtutuloy niyan."
"Ah, sige."

Ibinigay naman niya sakin yung pamunas at agad na nag-ayos sa counter.

"Pero bro, bakit ka ba nag-apply dito? Ano trip mo lang kumita ng pera? Mayaman na kayo ah, wag mong sabihin na nag-papayaman ka pa."
"Wala lang, magpunas ka lang diyan."
"Ayos ah, pinanindigan mo talaga yung pag-uutos sa akin. Boss ka boss?"

Mahina ko naman itong sinuntok sa braso.

"Ahh! Ang sakit ah! Annie oh ina-away ako!"

Katulad kanina ay tinawanan lamg kami nito.

Wala sa sinabi ni Lance ang rason kung bakit ako nandito, kundi isa yan.

Yang tawang yan.

Yang ngiting yan.

Ngiting kahit kailan ay hindi mapapantayan ninuman.

Para sa akin ay special ang ngiting yan.

"Oy bro, para kang baliw na naka-ngiti diyan. High ka ba?"

Tiningnan ko naman siya ng masama at agad na sinakal gamit ang braso ko.

"High ka diyan!"
"Ah! Ah! Aray ko! Tama na bro! Joke lang!"
"Tumigil na kayong dalawa diyan, magbubukas na tayo."

"Yes Ma'am!"

Sabay pa naming sagot ni Lance kaya naman agad kaming nagtawanan.

-------
"Talaga Miss? May vacant pa?"
"Oo, dalawa pa nga e."
"Yun! Maga-apply po ako, okay lang po sa akin mag-start anytime."
"Really? Then you're hired."

Nakangiting sabi ni Ms. Jane kay Lance.

"Yes! Yes! Yes!"

At ang loko halos nagtata-talon ng matanggap siya.

"Sabi sayo bro pwede ako rito e."

Tinanguan lang siya ni Joseph, na nag-liligpit ng pinag-kainan ng last customer namin.

"Thank you po."
"You're welcome. Actually last week pa kasi ako talaga naghahanap ng magiging kapalit ng dalawang to e."

Doon naman siya natigilan at nilingon si Ms. Jane.

"Kapalit?"
"Yes? Next week na kasi ang pasukan nila right Annie?"
"Yes po."
"Kaya naman need ko ng bagong makakasama rito, so thank you rin sayo ay isa nalang ang kakailanganin ko. You can start tomorrow para ma-train ka ni Annie at Joseph sa mga gagawin mo, is that good?"

Lutang na tumango lang si Lance. Hanggang maka-alis si Ms. Jane sa harap niya ay tulala parin siya.

"Congrats bro!"

Niyakap naman siya ni Joseph at tinapik-tapik sa likod habang tumatawa.

Tiningnan naman niya kaming dalawa sabay sabing...

"Ang sasa-ma niyoooo!"

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now