Chapter 4

343 21 3
                                    

"Ms. Annie."
"Annie?"

Dire-diretso na sana ako papunta sa counter para kunin ang order ko pero napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.

"Lance?" Ang tanging nasabi ko.

"Is that really you? Long time no see! Mas lalo kang gumanda, kamusta ka na?"
Nakangiting saad nito habang papalapit sa akin.
"Ah. Ahm. Okay lang naman ako, ikaw ba? Kailan ka nakabalik?" Uneasy kong tanong sa kanya.

"I'm good. Kakauwi ko lang kagahapon. I didnt expect na makikita kita rito. What a coincidence. Iniisip ko palang kung saan kita makikita pero you're already here, in front of me and looking so beautiful just like before. I've felt like destiny brought us here para magkita ulit." Mas lalo pang lumawak ang ngiti nito na animo'y tuwang-tuwa siya sa sinabi niya.

"Hehe. Ganun ba? Pasensya ka na Lance ah? Pero I need to go na e, sige kunin ko na yung kape ko."
Paalis na dapat ako pero humarang siya sa dadaanan ko.

"Wait. Where are you going after this? Gusto mo sama ka muna sa akin? I mean may imi-meet din kasi akong friend dito, gusto rin sana kitang ipakilala sa kanya if you don't mind?"
"Ahm. Kasi Lance--"

"Ms. Annie?"

Sakto namang tinawag ko ng cashier kaya agad akong nagmadali papunta rito.

"Sige Lance, I have to go. Baka hina-hanap na rin ako sa amin e. Next time nalang, bye!"
"Hah? Pero--" 

Hindi ko na pinansin pa ang sasabihin nito, pagka-kuha ko ng kape ko ay agad narin akong lumabas at pumunta sa bus station ng walang lingon-lingon. Di naman nagtagal ay dumating rin ang bus. Pagka-sakay ko ay tiyaka palang ako nakahinga ng maluwag.

OMG! Hindi ko manlang tuloy nasulyapan si Joseph bago umalis. Panira kasi 'tong si Lance e. Wala pa talaga akong balak na umalis hanggat di pa naalis si Joseph kaso umeksena naman yung lalaking yun.

------

"What? As in si Lance Medrano?"
Gulat na gulat na tanong ni JL. Kinuwento ko kasi sa kanya ang naging ingkuwentro namin ni Lance sa coffee shop kahapon.

Tumango-tango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Jesus! Wala na teee! Lagot ka na naman, may asungot na naman na bubuntot-bunto sayo."
"Hay. Sana naman hindi na no."
"Hah! Ay nako Annie, imposible yun. Magiging violet muna ang uwak bago mangyari yun."
"Violet? Puti nga imposible, violet pa kaya."
"Yun na nga. What I mean is, himala lang kapag tinantanan ka nun. Specially now na nag-kita na naman kayo. And base doon sa kwento mong pinag-sasabi niya sayo kahapon. Ewan ko lang ah."
"Ano ka ba dai. Baka naman may ibang reason yung tao kaya siya bumalik dito. Imposibleng dahil sa akin. Hello, 2nd year high school pa tayo nung tumigil siya sa pangungulit sa akin."
"Excuse me. Hindi kaya, china-chat ka parin kaya niya kahit nasa America na siya. Tumigil lang yun noong 1st year college tayo e."
"Malay mo naman nawala na yung feelings niya sakin kaya siya tumigil diba? Baka naman naka-move on na yung tao."
"Ah basta! Iba ang kutob ko dito."

Sabi pa nito habang tinitirintas ang buhok niya. Hindi ko nalang pinansin pa yung huling sinabi niya, bagkus ay magsimula na akong mag-review para sa quiz namin mamaya.

Ayoko nalang masyadong isipin pa kung ano yung reason ni Lance sa pag-balik niya rito. Basta ang alam ko, labas na ako roon.

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Место, где живут истории. Откройте их для себя