Chapter 10

336 24 8
                                    

"Anong order mo?"
"Kahit ano, kung ano nalang yung sayo."
"Sige, order lang muna ako."

Akala ko ay sa cafeteria kami kakain. Nagulat nalang ako ng niyaya ako nito sa fastfood chain, nananawa na raw kasi siya sa pagkain sa school. Tutal naman raw ay hindi naman na namin need bumalik sa school, sa labas nalang kami kumain para mas mailibre niya ako ng maayos.

Sana may fries at sundae.

Ani ko. Nakakahiya kasing mag-sabi dito, baka mamaya sabihin niya ang takaw-takaw ko.

Talaga naman.

Hoy hindi naman talaga.

Busy ako sa pakikipag-talo sa isip ko ng may makita akong pumasok na lalaki at tumitingin-tingin sa paligid na animoy nag-hahanap ng mauupuan.

Kuya!

OMG.

Agad akong yumuko para hindi niya ako makita, napaka-oa pa naman nun. Ang ipinaalam ko pa naman ay sa school ako pupunta, tiyak na dadakdakan ako nun kapag nakita niya ako dito.

"Annie. What's the matter?"
Nagtatakang tanong ni Joseph ng maibaba nito ang pagkain.

"Ah, wala wala. Okay lang ako ano ka ba?"
"You sure?"
"Mm mm. Okay lang." Tumatango-tangong sagot ko pa with matching pa-okay sign dito.

"Okay, if you say so. Tara kain na."

Inumpisahan na namin ang pagkain pero natingin parin ako sa paligid ko, hindi ko na makita si Kuya. Nasaan kaya yun? Umalis na kaya siya?

"Sino ba yung tinatanaw mo?"
"Ah-hah? Wala wala, parang may nakita lang kasi akong kakilala."
"Ahhh. Akala ko kung may hinahanap ka, kasama mo ako pero iba parin yung hinahanap mo."
Halos masamid naman ako sa sinabi nito.

"Hah?"
"Hah?" Pag-uulit nito.

*kru kru kru*

Sabay naman kaming nag-iwasan ng tingin at kumain.

*awkward silence*

Nung kumuha naman ako ng fries ay kumuha rin siya, nagka-banggaan tuloy ang mga kamay namin.

*kru kru kru*

"Masarap yan pag-sinawsaw sa sundae." putol ko sa awkwardness na bumabalot sa amin.
"Alam mo rin yun? Favorite kong gawin yan, kaya nga every time na oorder ako rito laging may fries at sundae."
"Ako rin. Yun yung kumukumpleto sa pagkain ko dito."

"Kumukumpleto sa pagkain mo pala ah."

Bigla akong napatigil ng marinig ko ang boses na yun.

"Sabi na ikaw yan e. Aha, school pala ah."

Agad naman akong humarap at ngumiti ng pilit dito.

"Hehe. Kuya, ikaw pala yan. Anong ginagawa mo rito?"
"Ikaw, anong ginagawa mo rito? At may kasama ka pang lalaki. Ang paalam mo kay mama sa school ka pupunta. Sino tong kasama mo? Boyfriend mo ba to?"

Agad naman akong namula sa sinabi niya.

Enebe kuya, wag ka nga.

"Ano ka ba, schoolmate ko siya. Si Joseph nga pala, joseph kuya ko." Pag-papakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you po." Agad tumayo si Joseph para kamayan ang kuya ko.

"Joseph? Joseph Alcantara?"

Halos manlaki ang mata ko, shox! Alam nga pala ni kuya ang pangalan ng crush ko.

"Yes po, pero paano niyo nalaman?"
"Ahh. So you're the guy, yung cru--"
"Hep-hep. Kuya pauwi ka na dibaaa? Busy ka diba?" sabi ko ng matakpan ko ang bibig nito at kinurot ito.

"Aray! Kahit kailan napaka-sadista mo."
"Oy, di kaya. Ang bait-bait ko e. Uwi ka na."
"Talagang uuwi ako, isusumbong kita kay mama."
"Edi mag-sumbong ka."
"Talaga." Umirap pa ito bago ako talikuran.

"Parang baliw talaga yun."
"Kuya mo pala yun?"
"Oo, masakit mang isipin. Bakit, kilala mo ba siya?"
"Nope. Kanina pa kasi siya patingin-tingin sa atin, akala ko naman baka manliligaw mo or what."
"H-hah? Bat di ko sinabi agad. Tiyaka wala akong manliligaw no."
"Really?" parang naliwanagang tanong nito.
"Oo, sino ba namang manliligaw sa akin. Ikaw talaga."
"Bakit? What's wrong with you?"
"Tinatanong mo pa talaga? Hello, di kaya ako maganda. Walang-wala ako compare sa ibang babae diyan."
"And who even said that? You're beautiful in your own way."

Bigla naman akong napatingin dito. Hindi ko ini-expect na makakatanggap ng compliment mula rito. And to think na sa lalaking matagal ko ng gusto mang-gagaling ito.

"Oh bakit?"
"Talaga? Maganda ako? Nagagandahan ka sa akin?"
"Oo." seryoso akong tiningnan nito na animoy pinababasa niya sa mata niya na nag-sasabi siya ng totoo.

"Ikaw talaga, hehe. Joker ka rin pala."
biglang bawi ko ng tingin dito.

"Yah, seryoso kaya ako. And by the way, bat pala kilala ako ng kuya mo?"

Patay na. Ito na yung sinasabi ko e, hindi ko parin pala nailigaw ang topic na yun.

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now