Chapter 2

448 24 3
                                    

Sabay na kaming pumunta ng Cafeteria ni LJ para kumain ng lunch. Pagdating doon agad na akong humanap ng ma-u-upuan namin at pumila naman siya para bumili ng makakain niya. Unlike LJ nag-babaon ako ng sarili kong lunch. Bukod kasi sa mahal yung presyo ng pag-kain dito sa school, hindi pa masarap. Mas gusto ko parin yung luto ng mama ko.

"Oh Annie. Taray nag-babaon ka parin? Kuripot mo talaga."
Sabi ng classmate 'kong walang magawa sa buhay. Inirapan ko nalang ito kesa sagutin pa, baka mamaya humaba pa usapan namin.

"O tapos? Anong pake mo? Sayo ba galing yung kinakain niya?" Pag-tataray ni LJ dito habang bibit ang tray ng pagkain niya.

"Ito namang mga 'to, hindi na mabiro."
"Pwes di nakakatuwa yung joke mo, waley kumbaga. Shooo ka nga, doon ka sa kabilang ibayo. Pang-gulo ka lang dito e." Ng umalis ito ay agad ko namang binalingan si JL.

"Ano ka ba, dapat pinabayaan mo nalang. Wala lang magawa yo'n."
"Wala pala siyang magawa doon siya sa iba manggulo. Papansin masyado."

Yan si JL. She's my bestfriend ever since 1st year high school. Hindi ko rin alam kung paano kami nag-click. Basta ang alam lang namin noong una irita kami sa isat'isa pero nagulat nalang kami na lagi ng kami ang magkasama. Gets niyo? Basta yun na yun. JL is one of the blessing that god has given to me. Super maasahan siya, sa lahat ng oras nandyan siya para sakin at walang hinihinging kapalit kaya naman sinisiguro ko rin na lagi akong nandyan para sa--

"Oo nga pala dai, may assignment ka na sa Calculus?"
"Hmm. Oo, bakit?"
"Yuuun! Pakopya ako ah? Pinakopya kita nung assignment sa ArtMan last week e. Love you!" Sabay flying kiss niya.

Binabawi ko na yung huli kong sinabi.
Matapos mag-lunch nauna na si JL sa room habang dumiretso naman ako sa restroom dahil parang sasabog na yung pantog ko sa dami ng nainom ko.

Saktong pagpasok ko sa bakanteng cubicle narinig ko naman na may pumasok na mga estudyante.

"Nakaka-irita talaga yang Chantal na yan. Akala mo naman kung sino."
"Kaya nga! Lalo tuloy akong nawalan ng chance na malapitan si Joseph."

Agad naman na nag-pantig ang tenga ko sa narinig ko. Kahit hindi nila buohin ang pangalan na yun, alam kong SIYA ang tinutukoy ng mga ito.

Aside kasi sa akin marami ring nagkakagusto kay Joseph. Kaya naman sikat siya dahil sa mga fan girls niya na nagkalat dito sa school at isa na ako doon.

Normal na na kahit saang part ako ng school naririnig ko na pinag-uusapan siya, mapa-babae o lalaki man.

Pagkalabas nila agad naman akong lumabas ng cubicle at nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin. Hay nako, kung pwede lang itago ko si Joseph para di na makita ng iba e. Bakit kasi ang gwapo mo prince charming? Hindi tuloy kita ma-reach. Sa dami ng nag-kakagusto sayo walang-wala ako. Kumbaga sa average, below average ako. Hindi naman kasi ako kagandahan. Yung mukha ko normal lang na makikita mo sa kahit saan, kumbaga kapag nagka-salubong tayo baka di mo ako lingunin or ni tingnan manlang. Kaya siguro di niya ako napapansin kahit na-- pero teka. Ano nga ulit yung sinabi nung mga babae yung yun?

"Nakaka-irita talaga yang Chantal na yan. Akala mo naman kung sino."
"Kaya nga! Lalo tuloy akong nawalan ng chance na malapitan si Joseph."

Sino si Chantal?

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now