Chapter 3

374 22 5
                                    

"Annie. May practice pala kami ngayon, so hindi muna tayo sabay." Sabi ni JL habang inaayos ang mga gamit niya.
"Hay nako. Sanay na ako no, magkaroon ba naman ako ng cheer leader na kaibigan." Kunwaring pagtatampo ko naman dito habang nag-aayos ng buhok ko. Ano kaya kung ilugay ko nalang to? Laging nagugulo e.
"Asus asus. Ang matampuhin kong kaibigan, ano ka ba bukas naman sabay na tayo. For sure yun." Ani nito sabay kapit sa braso ko.
"Tigilan mo nga ako Josefina Lorraine. Ganyang-ganyan din sinabi mo sa akin kagahapon no."
"Aba, may pag-buo ng pangalan ganun? And sabi ko naman sayo wag mong binabanggit yan, kinikilabutan ako as in. Porket ang ganda ng pangalan mo e." Saad nito sabay alis ng pagkakapulupot ng kamay niya sa braso ko. Agad naman kaming lumabas ng classroom.

"Ay bahala ka. Mauuna na ako, chat-chat nalang." Sabi ko habang papunta sa kabilang direction ng hallway.
"Opo Ma'am."

Ano ba yan. Mag-isa na naman akong uuwi. Ang hirap magkaroon ng kaibigan na active sa school activities. Aside kasi sa Cheering squad, part din si JL ng editorial team ng school. Ako kasi hindi masyadong mahilig sa mga ganyan, pero baka mag-try ako sa music club. Last year ko pa pinag-iisipan yun pero ngayon sure na ako. Aside kasi sa pagkanta, hilig ko talaga ang music. Last year lang kasi nagkaroon ng ganoong club dahil noon lang nagkaroon ng pondo kaya naman this year ko palang ita-try. At least before akong grumaduate may na-try ako.

Pag-labas ko ng school agad akong dumiretso papunta sa bus station. Tiningnan ko naman ang relo ko, 4: 36 palang saktong-sakto wala pa masyadong pasahero sa oras na to. Tanging ako lang at dalawang tao ang nag-aabang kaya naman naupo muna ako sa waiting shed, hindi ko naman kailangang makipag-unahan sa pag-sakay dahil tiyak na maluluwag pa ang mga bus ngayon.

Habang nag-hihintay saktong napatingin naman ako sa coffee shop sa tapat ng station, sa isang tao to be specific. Naka-upo siya banda sa may bintana at nagla-laptop.

"Joseph."

Yung side profile na yan, kilalang-kilala ko na. 3 years ko ba namang tinititigan mula sa malayo yan e. Kahit ata anong view niya alam ko na e, ni hibla ng buhok niya kilala ko.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko nun pero imbis na maupo lang doon at tanawin siya ay bigla akong tumawid papunta mismo sa coffee shop na yun na dati nama'y never kong ginawa.

Namalayan ko nalang na nasa loob na ako ng coffee shop at umoorder. Nang makapag-bayad na ako ay naghanap na muna ako ng mauupuan habang hinihintay ang kape ko. Dahil nandito na rin ako, lulubos-lubusin ko na ang opportunity ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto ni Joseph, feeling ko nag-islow motion ang lahat habang papalapit ako ng papalapit sa kanya. Ng mismong malapit na ako sa pwesto niya ...

























Dumiretso ako at doon sa bandang likod niya na-upo. Ghaaad! Hindi ko talaga kayaaaa!

Okay na rin to. At least nakikita ko yung likod niya. Kumpleto na ang araw ko.

Napatingin naman ako sa station sa tapat. Ayun na yung bus, shunga ka talaga Annika Mae. Patay ka nanaman sa nanay mo loka ka.

Pero no, bahala na mamaya pag-uwi. Ang importante kasama ko si Joseph, magka-iba nga lang ng table pero keri na yan.

Napapitlag naman ako nung bigla siyang napatawa ng malakas, as in ang lakas. O.O
Napatingin pa nga yung mga customer sa kanya pero parang baliwala lang sa kanya. Nung tiningnan ko naman siya, ay kaya pala. Naka-earphone kasi siya.

Mahilig din kaya siya sa music? Sa buong tatlong taon ko kasi siyang nakikita, kundi libro ay phone naman ang laging hawak niya plus lagi siyang naka-earphone.

Dahil sa na-curious ako sa pinapanood niya, pa-simple kong sinisilip yung laptop niya.

Nung malapit ko ng masilip kung ano yun ang bigla naman siyang lumingon sa pwesto ko. Dahil sa taranta ko ay napa-upo ako at tumingin din sa likod. Gooosh. Sana lord di niya ako nakita. Sanasanasana!

*chuckles*

O.O

Nagulat ako ng marinig ko siyang natawa. Ako ba yung tinatawanan niya? Ako baaa? Bushak nakakahiyaaaa. Lupa lamunin mo na ako. T.T

Pasimple akong tumingin sa gawi niya pero nakatalikod na ulit siya at tumatawa sa kung ano man yung pinapanood niya.

So hindi ako yung tinatawanan niya?
Hayyy, Salamat! Akala ko nahalata niya ako e.

Umayos na ulit ako ng upo at tinitigan nalang ulit siya, ganito nalang ako. Baka mamaya mahuli pa ako e. Wag nalang sana siyang lilingon para everybody happy.
Saktong napatingin ako sa counter at nakitang yung kape ko na yung nandun, tumayo na ako kahit hindi pa tinatawag ng cashier yung name ko.

"Miss Annie."
"Annie?"

Napalingon naman ako sa taong tumawag din sa pangalan ko.

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now