"Uhm hi" Ang nipis ng boses niya. Katulad nung napanood kong cartoon character na bruha kagabi.

Medyo maikli ang buhok. Maputi. Maganda. Sexy.

Saan to galing? Anong department?

Pagbaling ko kay Za, kita ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mata niyang agad niyang tinago. She smiled. "Diane" Bati niya sa babae.

I frowned. Diane who?

May nahihiyang ngiti sa labi ni Diane. "Sorry pero puwede bang dito ako maki-upo? Wala kasi akong kakilalang iba bukod kay Zarena" anito sa malambing na boses.

Natahimik kami ni Patricia. Hinintay namin na si Za ang sumagot.

I saw Zarena eye us first. Ang mga mata niya nagtatanong kung puwede nga ba.

Sinimangutan ko siya. Habang si Patricia ay patagong tumango. Tss.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Za na hawak ang tinidor. The way her hand is wrapped around it, mahigpit. "Sure, Diane. Sige dito ka na" there was no sweetness on her voice anymore.

Kita kong ngumiti si Diane.

Nakatitig pa rin ako kay Za na nakababa ang tingin niya. When she looked at me, she smiled. Yung ngiting hindi ako sigurado kung masaya ba siya o hinde. "Nga pala guys, siya si Diane. Diane, meet Catalya and Patricia"


Patricia

I feel different while looking at Za. Pinapakilala niya sa amin yung babae.

Tumikhim ako dahil hindi nagsalita si Cat nang batiin kami ng babae. "Aling department ka?" Tanong ko.

"Wala. I'm new here. Pansamantala muna ako dito kasi..." Naiwang hindi natapos ang sinasabi niya dahil tumingin siya kay Za na tahimik lang kinakain ang mango cake na order niya.

Diane cleared her throat. "I'm here to see my how my fiancé is doing. Na-miss ko kasi siya. It's been four years na hindi kami nagkakasama. At gusto kong bumawi" Ang saya ng boses niya. Pero kung gaano kasaya ang boses niya, ganun naman sumasalungat ang ekspresyon ni Za.

Okay I don't understand this shit. But looking at my friend, she looks hurt.

What the hell is going on?

Tinitigan kong mabuti si Diane. She's eating her tart. Mukhang mabait. Pero parang may something sa kanya. "So who's the guy?" Simpleng tanong ko.

Kumagat ako sa brownie na hawak ko.

Sa gilid, kita ko si Zarena na napapikit.

Diane smiled so widely. Halos umabot na ata sa tenga niya. And there was spark in her eyes. "Luke Carson"

Nabulunan ako. Shit what?

I heard Catalya gasp.

Pagtingin ko kay Za, tahimik lang siya. She's still eating. Kalmado rin ang mukha niya, hindi tulad naming gulat na gulat.

Umawang ang labi ko. Pero hindi nagtagal ay nakabawi ako. "Luke Carson?" Rinig ko ang matigas na boses ni Catalya. It's like she needs confirmation that what she heard is right.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now