Chapter 27: Accident

4.1K 85 0
                                    

Elle's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na puyat ako kagabi. Naghanda na ako sa pagpasok. Hindi na ako nag-almusal dahil hindi ko ramdam na gutom ako. Lumabas na ako ng apartment at pumunta na sa school.

*Fast Forward*

Andito na ako sa school. May mga estudyante na dito dahil na rin sa nagpre-prepare nga para sa foundation day. Dumeretso na muna ako sa music room para doon na lamang intayin si Haven. Malamig ang simoy ng hangin. Buti na lang at nagdala ako ng jacket. Nang makarating sa music room ay agad kong ibinaba ang gamit ko.

Tiningnan ko ang mga instruments. Hindi ko ba nasabi na marunong akong tumugtog ng instrument? Oo, violin.

Tinuruan ako ni Trexx noong nasa orphanage kami. Gulat pa nga ako dati na marunong pala siya tumugtog ng violin. Tinanong ko siya noon kung kanino niya iyon natutunan pero hindi niya sinabi sakin. Hindi ko na rin naman siya kinulit dahil busy siya sa pagtuturo sakin.

"You're here." sambit ng isang boses. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Haven. Ngumiti ako sa kanya.

"Ang agap mo." pagbati ko

"You are the one who's early." nakangiting sambit niya. Lumapit siya sa akin at ibinaba niya ang gamit niya sa tabi ng gamit ko.

"Kumain ka na ng almusal?" tanong ko

"I don't usually eat breakfast, how about you?" tanong niya

"Hindi ehh, 'di pa naman ako gutom" sambit ko

"Do you want to eat first at the cafeteria?" tanong niya

"Hindi okay lang. 'Di pa naman ako nagugutom." pagtanggi ko

"Okay, just tell me if you're hungry" sambit ni Haven. Ang daldal niya.

"Ganito ka ba talaga kadaldal?" takang tanong ko. Mukha naman siyang nagulat.

"Is it uncomfortable for you?" seryosong sambit niya. Mabilis akong umiling at ngumiti.

"Hindi naman tinatanong ko lang." Sambit ko. Sa totoo lang masaya ako na nakikita ko yung iba't-ibang side ni Haven. Nakita ko naman na nawala na ang seryosong ekspresyon niya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay sinimulan na namin ang practice. Mabilis na lumipas ang oras.

"Let's take a break." sambit ni Haven

"Mabuti pa nga." sambit ko. Pagod na rin kasi yung lalamunan ko ehh.

"I'm going to buy food in the cafeteria. What do you want?" sambit ni Haven

"Kahit ano na lang. Samahan na kita." sambit ko

"It's fine. I can do it" sambit niya at lumabas na ng music room

Umupo muna ako sa sahig at ipinatong ang ulo sa upuan. Ramdam ko ang malamig na hangin galing sa aircon. Inaantok ako.

15 minutes later

Bakit parang ang tagal naman ni Haven. Inaantok na ako dito.

Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Haven na nakaupo sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil nagbabasa ata siya ng libro

"Hala!" nanlalaking matang sambit ko. Napatingin siya sakin.

"Anong oras na?" nagaalalang tanong ko. Tiningnan ni Haven ang relo niya.

"It's already 1:30 pm." kalmadong sambit ni Haven

"Hala! Bakit 'di mo ako ginising?" hindi mapakaling sambit ko.

"You're sleeping soundly so I thought that you sleep late last night and you look tired." sambit ni Haven. Nakakahiya sa kanya.

"Are you hungry?" tanong niya

"Hi-"

Bigla namang tumunog ang tiyan ko. Humalakhak naman si Haven. Grabe nakakahiya.

Tumayo si Haven at inilapag ang librong binabasa sa upuan.

"Let's go" sambit niya. Tumayo ako at nagpagpag ng damit.

"Sorry Haven 'di natin natuloy yung practice." nakokonsensyang sambit ko

"It's fine" sambit niya. Pero 'di pa rin ako mapakali dahil sa nangyari.

"Sorry talaga." sambit ko at dahil sa kanya ako nakatingin ay di ko nakita iyong batong nasa harap ko.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon