Chapter 26: Opening up

4K 85 0
                                    

Elle's POV

Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Thank you." mahiang sambit ko. Dumating na ang order namin. Itinuon ko na lamang ang pansin sa pagkain. Sinilip ko si Haven at seryoso lang siyang kumakain. Tumingin siya sa'kin ng maramdaman ang pagtitig ko.

"Why?" tanong niya. Umiling ako sa kanya at ngumiti.

"Wala." sambit ko.

"Okay" sambit niya. Sinimulan ko ng kainin ang pagkain at tahimik lang kami. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita si Haven.

"Is the food delicious?" tanong ni Haven. Tumingin ako sa kanya at saka nagsalita.

"Oo naman" sambit ko. Parang may gusto siyang itanong sakin pero parang may pumipigil sa kanya. Umiwas siya ng tingin at itinuon ang atensyon sa kanyang pagkain. Ganun din naman ang ginawa ko.

Natapos kaming kumain. Maglalabas na sana ako ng pera pero nagsalita si Haven.

"I'll pay" sambit niya at hinawakan anv kamay ko upang pigilan ako sa aking gagawin.

"Pero-"

"I'm the one who invited you to eat." sambit niya. Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya. Nagbayad na siya at lumabas na kami ng restaurant. Sumakay na kami sa kotse niya at bumalik na sa school.

Nang makarating ay agad kaming bumaba at dumeretso sa music room.

"Let's start?" tanong ni Haven. Ngumiti ako sa kanya.

"Sige" sambit ko. Buong maghapon ay nagpractice lang kami pero kapag nakaramdam na kami ng pagod ay titigil muna at magkwe-kwentuhan sandali. Hindi ko akalain na makaka-close ko siya. Ewan ko pero sobrang kumportable na ako sa kanya.

Natapos ang practice ng 'di namin namamalayan na madilim na pala sa labas. Masyado ata kaming occupied sa practice.

"Let's continue the practice tomorrow." sambit ni Haven habang pinupunasan ang pawis sa kanyang mukha. Tumango ako at ngumiti naman siya.

"Sige" sambit ko at ngumiti sa kanya. Nagligpit na kami parehas ng gamit. Sabay kaming lumabas ng music room.

"Do you have an idea what is the last song we are going to perform?" tanong ni Haven

"Wala pa." nahihiyang sambit ko. Naisip ko kasi na magcompose ng kanta. Hindi ko pa sinasabi kay Haven kasi binubuo ko pa yung kanta.

"Its fine." sambit ni Haven. Nakarating na kami sa parking lot.

"Alis na ako." paalam ko kay Haven

"I'll take you home." sambit ni Haven

"Wag na kaya ko naman ehh. Tsaka malapit lang naman." Pagtanggi ko

"It's already dark and it's dangerous outside" nagaalalang sambit ni Haven. Tatanggi pa sana ako pero nagsalita siyang muli.

"I insist" sambit pa ni Haven. Wala na akong nagawa.

"Okay" sambit ko. Sumakay na kami at pinaandar na ni Haven ang kotse niya. Hindi naman tahimik ang byahe. Nagusap lang kami ni Haven tungkol sa performance namin. Nang makarating sa apartment ay bumaba na ako agad. Lumabas 'din ng kotse niya si Haven.

"Thank you sa paghatid." nakangiting sambit ko kay Haven

"You're welcome" sambit ni Haven at itinagilid ang ulo. Napangiti naman ako sa simpleng gesture niya. Bakit parang ang cute niyang tingnan sa simpleng gesture niya na iyon?

"Gusto mo bang pumasok muna sandali?" tanong ko. Umiling siya sakin.

"Next time. It's already late." pagtanggi niya.

"Sige. Ingat ka" paalam ko.

"Bye." malumanay na sambit ni Haven at sumakay na sa kanyang kotse. Nag-wave ako sa kanya bago niya pinaandar ang kotse. Pumasok na ako sa loob at nagpalit na ng damit.

Dumapa ako sa kama at nag-isip ng lyrics. Lumipas ang mga oras at 'di ko namalayan na 12:00 na pala ng gabi. Iniligpit ko na ang mga papel at nahiga na.

Masaya ako na unti-unti ng nago-open si Haven sakin.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon