Chapter 5: Tutoring the Transferees

6.6K 145 2
                                    

Elle's POV

"Nerd, let's go." tawag sa akin ni Haven.

"May pangalan ako." Sambit ko at sumunod sa kanya. Hindi niya ako pinansin at diretso siya sa paglalakad. Nakarating na kami ng sala. Umupo na silang lahat ako na lang ang hindi.

"Dito ka sa tabi ko, Elle." pagtawag ng pansin sakin ni Starrvy.

"'Wag na dito na lang sakin." sambit naman ni Cloud.

"Ahh ok lang." sagot ko at umupo sa sahig malapit sa table. Kanina ko pa napapansin ang kakulitan nila.

"Ano nga pala unang sisimulan natin?" Tanong ko sa kanila.

"Yung Physics muna." sagot ni Rox.

"Ok sige, sino muna tuturuan ko?" Tanong ko ulit.

"Ako muna Elle " pagprisinta ni Rox. Wala namang umangal kaya lumapit na siya sa akin.

"Sige" sagot ko at nagsimula na siyang turuan.

**Fast Forward**

Natapos ko ng turuan sila maliban kay Haven at Zaveri.

"Zaveri, ikaw na." tawag ko sa kanya. Itinigil niya ang pagbabasa. Hindi niya ako sinagot at lumapit lang sa akin.

Sinimulan ko na siyang turuan. Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya o hindi kasi hindi siya nagtatanong o nagsasalita man lang. Nang matapos kong ipaliwanag sa kanya ay saka lang ako nagtanong.

"Naintindihan mo ba?" Tanong ko. Tango lang ang sinagot niya sa akin at tumayo na't umalis. Ganun ba talaga siya katahimik? Hindi ko na lang siya pinansin at tinawag na si Haven.

"Haven, ikaw na." tawag ko. Tumango siya at lumapit sakin.

Turo...turo....turo

"Naintindihan mo ba?" Tanong ko ng matapos ang lessons.

"Yeah." sagot niya. Napansin ko lang, bakit nagpapaturo pa sila kung matatalino naman ang mga ito? Napansin kong madali silang makaintindi ng lesson habang tinuturuan ko sila.

Something's weird.

Ahh oo nga pala may itatanong nga pala ako.

"Ano ng pala ang S7N?" Tanong ko kay Haven. Napatingin naman silang lahat sa akin.

May mali ba akong nasabi?

"There's no need for you to know." seryosong sagot ni Haven.

"A-ahhh ano...Elle pangalan lang iyon ng group namin." nauutal na sagot ni Cloud.

"Ahhh." sagot ko. Grabe naman sila manggawa ng group name.

"You have to go now, it's already late." sambit ni Haven. Napatingin naman ako sa relo ko. 9:00 pm na patay hindi ako nakapasok sa part time job ko.

"Ayy oo nga sige mauna na ako." paalam ko sa kanila at kinuha ang bag ko.

"Ok sige. Salamat" sagot nila maliban kay Haven at Zaveri.

"I'll take you home." sambit ni Haven. Nilingon ko siya.

"Ok lang kaya ko naman." sagot ko.

"You are our responsibility. If something bad happens to you, it's our fault." sambit niya.

"Sige na, suko na ako." sambit ko at lumabas na kami. Sumakay na ako sa kotse niya at mabilis niya iyong pinaandar.

I'm curios about their life and personalities.

Napatingin ako kay Haven na tahimik na nagmamaneho.

"Why?" Biglang tanong niya.

"Ha?" balik na tanong ko sa kanya.

"Why are you staring at me like that?" Tanong niya.

"Paanong tingin?" Tanong ko.

"As if you want to ask some questions." seryosong sabi niya.

"Wala naman, masyado lang siguro akong curious." sagot ko. Hindi na siya umimik ng sabihin ko iyon.

"Oo nga pala alam mo ba kung saan ang apart-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumigil ang sasakyan at nagsalita siya.

"We're here." sambit niya. Curious na curious man akong tanungin siya kung pano niya nalaman ang apartment ko ay hindi na ako nagtanong pa.

"Salamat" sambit ko sa kanya at bumaba na. Tango lang ang isinagot niya sakin at pinaharurot ang sasakyan. Pumasok na ako sa loob at nagbihis na.

Hindi ako nakapasok sa part time job ko. Hihingi na lang ako ng sorry.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon