Chapter 1: Birthday

13.4K 218 4
                                    

Her POV

"Elle dali na sama ka na samin." sambit sakin ni Clovee.

"Ayoko nga kasi Clovee kayo na lang ni Clover" sambit ko sa kanya at itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

"Dali na kasi girl sumama ka na samin mag bo-boy hunting tayo dun atsaka pwede ba Chloe not Clover like eww." ani nya ng nandidiri.

"Hoy kambal kong baklita tumigil ka dyan sa kalandian mo dinaig mo pa kami ni Elle ehh." naiinis na sambit ni Clovee sa kakambal nya.

Bahala nga kayo dyan mag-away btw papakilala muna ako sa inyo I'm Azhelle Luck 18 y/o chubby, maputi, may mahabang buhok na kulay itim at blue eyes.

Working student ako at first year college na ako yun lang muna at btw sila nga pala ang kambal kong bestfriend, si Clovee Fukuhara 19 y/o half-japanese half-Pilipino maputi, mahaba din ang buhok, pointed nose, green eyes at fashionista at ang kakambal nya na si Clover Fukuhara katulad ni Clovee 19 y/o din sya at half-japanese half-pilipino gwapo, gay, childish sa malapit sa kanya pero tough sa mga umaaway sa mga mahal niya sa buhay, Clovee's twin brother and green eyed din siya tulad ni Clovee so back to story na tayo.

Tumayo na ako at pumunta sa librarian para hiramin ang libro na binabasa ko at lumabas na at iniwan yung kambal na nag-aaway.

"Hoy Elle bumalik ka dito." rinig kong sigaw ni Clovee sakin pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

**FAST FORWARD**

"Ok class dismiss, see you tomorrow." sambit ng prof at lumabas na ng classroom.

"Elle tara na" rinig kong sambit ni Clover or should I say "Chloe".

"Clover and Clovee ,ayaw ko nga may trabaho pa ako kayo na lang." sambit ko at isinukbit na ang aking bag at lumabas na ng classroom.

"Elle naman ehh sabit CHLOE hindi CLOVER, at tsaka cge na sumama ka na kahit ngayon lang naman, It's your 18th birthday today, we shall celebrate." sambit ni Clover.

"Please Elle, kahit ngayon lang." pagmamakaawa naman sakin ni Clovee sakin.

"Ok fine, basta ngayon lang wala ng next time." pagsuko ko sa kanila.

"YES!" sabay nilang sambit habang nagtatatalon.

"Sige kita na lang tayo, sunduin niyo nalang ako ng 7:30." sambit ko sa kanila.

"Sure sure." masayang sambit ni Clovee.

"Sige, bye kita na lang tayo mamaya." sambit ko.

"See you later, Elle. Bye" sabay ulit na sambit ng dalawa.

Saka ako humiwalay sa kanila at pumunta sa sakayan ng bus. Maya-maya'y dumating na ang bus at sumakay na ako. Pag-uwi ko ay nagpahinga ako saglit at saka nagluto at kumain.

Nagpahinga ulit ako ng konti at naligo na saka nagbihis. Saktong pagkatapos ko magbihis ay saka ko narinig ang busina ng kambal. Lumabas na ako.

"OMG! Ano yang suot mo?" Nanlalaking matang tanong ni Clovee. Napatagilid naman ang ulo ko ng marinig ang diretso niyang boses.

"Bakit? Anong masama sa suot ko?" Tanong ko sabay tingin sa kanila ng may pagtataka.

"Oh diba sis, sabi ko sayo ehh kaya ako nagdala ng damit." nakangiting sambit ni Clover at pinanlakihan ng mata si Clover.

Weird.

"Oo nga, tara na at bigyan na natin siya ng make over." sambit ni Clovee at bumaba ng sasakyan nila sabay hila sakin papasok sa loob ng apartment ko.

"H-hoy anong gagawin niyo sakin?" Nauutal na sambit ko.

Hindi nila ako pinansin at patuloy na hinila papasok ng apartment ko.

**After 1 hour**

"O M G, ang ganda mo girl pero mas maganda pa rin ako sayo" sambit ni Clover. Siguro nga guni-guni ko lang yung kanina.

*Pakkkkkkk*

Kaya bigla siyang binatukan ni Clovee.

"Aray sis ha." reklamo ni Clover hawak hawak ang batok niya.

"Tumigil ka nga dyan bakla." pangsasaway ni Clovee sa kambal niya.

"Tigilan niyo na nga yan. Sige na tara na baka magbago pa isip ko." aya ko sa kanila.

"Let's go" ngiting-ngiting sambit ng dalawa.








                                                       

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon