Chapter 8: Listener

6.1K 139 1
                                    

Elle's POV

Kinabukasan

Hindi ko alam pero di mawala wala sa isip yung panaginip ko. Naguguluhan ako. Naglalakad ako ngayon papuntang school pero lutang parin ang utak ko.

"Hey, Elle." tawag ng isang boses. Pero hindi ko yun pinansin dahil sa iniisip ko parin ang panaginip ko.

Hindi ko namalayan na nakabunggo na ako ng tao.

"Aray." reklamo ko.

"Watch where you're going." sabi ng isang boses. Nilingon ko ang nagsalita at nakita sa harap ko si Haven at ang barkada niya. Tumayo ako sa pagkakaupo at humarap sa kanila. Nasa akin ang atensyon nila.

"Sorry." nasabi ko na lang. Naglakad na akong muli pagkatapos kong humingi ng tawad sa kanila dahil nga sa iniisip ko parin ang tungkol sa panaginip ko. Nang makarating sa room ay lumapit sa akin ang dalawa.

"What happen to you?" Tanong sakin ni Clover.

"Yeah, we called your name and you didn't even look at us." sabi naman ni Clovee.

"Is something bothering you?" Tanong muli ni Clover.

"Wala, pagod lang ako sa trabaho." sambit ko sa kanila. Ayaw kong sabihin sa kanila ang tungkol sa panaginip ko. Ayaw kong magalala sila sakin.

"Ok, but if something is bothering you, tell us." sabi ni Clovee.

Nginitian ko siya at umupo na. Lumipas ang mga oras at breaktime na. Hindi ko namalayang lumipas ng ganun kabilis ang oras. Wala man lamang akong naintindihan sa sinabi ng mga professor namin.

Nagpaalam muna ako kila Clover at Clovee na pupunta muna ako sa rooftop para magpahangin. Gusto pa nila akong samahan pero nais kong mapag~isa kaya naman tinanggihan ko ang alok nila.

Nakarating akong rooftop at ramdam ko ang haplos ng hangin sa aking balat. Umupo ako sa sulok at sumandal sa pader. Inilapat ko ang aking ulo sa aking mga tuhod. Muling pumasok sa isip ko ang aking panaginip. Parang totoo pero hindi ko alam kung sino ang laman ng mga ito.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha sa mga mata ko. May kirot akong nadarama na hindi ko maintindihan kung bakit at kung ano ang dahilan.

"What are you doing here?" tanong ng isang boses.

Iniangat ko ang aking ulo ng hindi pinupunasan ang luha sa aking mga mata. Nakita ko ang mukha ng isang lalaking 'di ko inaasahang makikita rito.

"Zaveri." nasambit ko na lang. Tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"Pwedeng iwan mo na lang ako dito mag-isa?" Pakiusap ko sa kanya.

Tiningnan niya lang akong muli at lumakad papalapit sa pwesto ko. Umupo siya malapit sa pwesto ko at tiningnan ako.

"Talk." sambit niya ng may paguutos.

Apat na letra na naging dahilan ng muling pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam pero isang salita lang iyon na naging dahilan upang maramdaman ko ang sakit.

"Ang sakit, hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit sa dibdib. Mga bagay na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Yung parang hindi ko na kilala kung sino ba talaga ako. Simula ng mapunta ako ng ampunan lagi kung napapanaginipan ng paulit-ulit yung pangyayaring 'di ko naman alam kung sakin ba talaga nangyari yun." Sambit ko ng tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Hindi siya umimik, niintay niyang magsalita akong muli.

"Sobrang hirap na parang 'di ko na kilala sarili ko." Sambit kong muli.

Hindi parin siya umiimik.

"Haha pasensya ka na ikaw pa itong pinaglabasan ko ng problema ko. Drama ko ayy." pag~ngiti ko ng pilit habang pinupunasan ang luha sa aking mukha.'Di parin siya umimik. Nilingon ko siya. Nakatayo na siya sa inuupuan niya.

Lumakad siya papuntang pinto. Wala siyang isang salitang binitawan hanggang makarating ng pinto.

"Salamat!" sigaw ko. Hindi siya umimik at tuloy ang paglabas.

Hindi ko inaasahan na kung sino pa yung taong 'di ko inaakala na makikita ko ay siya pa yung taong naging listener ko. Nakakagaan kapag nailabas mo yung nasa loob mo. Tinanaw ko ang pintong kanyang nilabasan at napangiti.

Salamat Zaveri Scorsone.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon