Chapter 23: Sorry

4.2K 88 0
                                    

Elle's POV

Nasa gitna ako ng pag-isip ng lumapit sakin si Clovee at Clover.

"So Ms. Singer ano problema?" nakangising tanong ni Clovee. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tumawa lang ito.

"Clovee naman ayaw kong kumanta bakit ako pa tinuro mo?" problemadong tanong ko.

"Kasi alam ko na kaya mo iyon." simpleng sagot niya.

"And you have a really good voice, you have to share it to others." seryosong sambit naman ni Clover.

"Pero ayoko talaga" sambit ko pa.

"Diyan ka na muna ha? Kailangan naming mag-meeting sa naka-assign samin." at iniwan na ako nung dalawa.

Umupo na lang ako sa aking upuan. Nakita ko ang mga kaklase kong nagkagrupo na at nagsisimula ng magdiscuss ng kanilang mga gagawin. Nakita ko naman ang paglakad palapit sakin ni Haven. Biglang hindi ako mapakali.

Umupo siya sa harap ko. Walang nagsasalita saming dalawa.

"Sa tingin ko kailangan natin ng at least 4 songs." pagsisimula ko

"I think so too." pagsang-ayon niya

"Any suggestion?" tanong nito

"a-ah eh ano sa totoo lang ayaw ko talagang kumanta." pag-amin ko. Nanginginig ang kamay ko dahil naalala ko na naman ang nangyari noon. Tila napansin ni Haven ang panginginig ng kamay ko.

"Why?" kunot noong tanong ni Haven. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko

"A-ahh w-wala" sambit ko. Parang ilang salita ko pa ay tutulo na ang luhang kanina pa nagbabadya.

"Saglit lang punta lang akong cr." sambit ko. Tumango siya. Tumayo ako at naglakad palabas ng room at dali-daling lumabas. Pagkalabas ko ay doon na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam pero bumabalik sakin yung nangyari noon.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden. Doon ako umupo sa may puno at ipinatong ang ulo sa aking mga tuhod. Tuloy-tuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nandoon.

"What are you doing here, nerd?" itinaas ko ang ulo ko at nakia si Haven sa aking harapan. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

"Wala." malungkot na sambit ko at pinunasan ang mukha pagkatapos ay tumayo at naglakad na paalis pero hinawakan niya ang braso ko

"Are you crying?" may bakas ng pagkaseryoso ang kanyang boses.

"Hindi ako umiiyak, napuwing lang ako." sagot ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"I know you're crying." sambit pa nito ng di nawawala ang pagkaseryoso sa boses

"Alam mo naman pala bakit tinatanong mo pa?" malakas na sambit ko sabay lingon sa kanya. Lumingon siya sa akin at saka nagsalita

"Tell me." sambit niya

"Sabihin ang alin?" nakakunot kong tanong

"Why are you crying?" tanong niya

"Wala." sabay iwas ng tingin sa kanya

"Is it because of what happen?" tanong niyang muli. Hindi ko siya sinagot

"Is it?" malamig niyang tanong

"Ano naman sayo kung oo?" sambit ko

"Then I will tell to them that we want to back out." malamig niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng guilt noong sinabi niya iyon.

"Hindi na kailangan, Ayokong mapahiya si Clovee" sambit ko

"You don't want to do it right? So what's the purpose?" malamig niyang sambit. Biglang parang may nag-click sakin

"Anong purpose?! Para sa mga bata sa orphanage gagawin ko kasi naranasan ko narin na maging isang tulad nila. Mga batang nawalan ng magulang, walang magulang, iniwan ng magulang at higit sa lahat kinalimutan ng magulang." Malakas na sabi ko sabay bagsak ng luha sa aking mukha.

Bigla siyang nataranta ang kaninang malamig na mga mata ay napalitan ng pag-aalala.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa kanila at sa akin na lumaki ng walang kinikilalang magulang. Sobrang hirap na sa tuwing lalabas kami sa orphanage ay nakakakita ako ng isang buong pamilya na sana meron din ako." sambit ko at napaupo na sa sahig. Nakatungo lang ako habang patuloy na lumuluha. Akala ko wala na akong maiiyak pa.

Napansin ko ang paggalaw niya. Nakaluhod ang isa niyang binti habang nakaharap sa akin.

"I'm sorry." sabay abot ng panyo

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon