Chapter 29: Traitor Wizard

594 15 0
                                    

Chapter 29: Traitor Wizard

"Princess Xheila! Princess Xheila!" Sunod sunod na katok ang narinig ko sa labas ng kwarto ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at napangiti ako nang makitang peaceful na natutulog si maligno sa tabi ko.

"Princess Xheila! Emergency po!" Napakunot ang noo ko sa narinig ko.

"Wait up!"

Dali-dali akong nagbihis. Nagising na rin si Sync dahil sa ingay.

"What's with the noise?" Tanong niya.

"I don't know. Hurry and dress up." Utos ko sakanya. May sumasakit sa ibaba ko dahil sa laki ba naman ni maligno pero hindi ko na ininda dahil may nagiingay sa labas!

"Ano yon?" Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang isa sa tagapaglingkod ng palasyo.

"Mahal na prinsesa! Ang Wizard Academy!" Naalarma ako sa sinabi niya dahil bakas sa mukha niya ang takot.

"What's happening?" Tanong ni maligno. Halatang nagulat ang tagalingkod nang makita si Sync sa loob ng kwarto ko. At wala pang shirt!

"Maligno naman! Sabi ko magbihis ka eh!" Pagmamaktol ko pero hindi niya ko pinansin.

"Anong meron sa Wizard Academy? Nanggulo na naman ba ang mga students?" Tanong niya ulit sa tagalingkod.

"Ma-may mga dark forces po ang nakapasok!" Takot na takot na saad niya kaya bigla akong nanghina. Muntik na'kong tumumba kung hindi lamang ako nasalo ni Sync.

Nagkatinginan kaming dalawa at pareho kaming gulat na gulat.

"How did... how did that happened?" I worriedly asked him. Imposibleng mapasok nila ang academy! Napaka-imposible! It was only exclusive for the wizards!

"Let's go." Pag-aaya sa'kin ni maligno at wala pang limang minuto ay nasa academy na kami.

Hindi pa man kami nagtatagal ng isang minuto na nakatayo ay may dumamba na sa'ming mga ghouls kaya naging alerto kami.

"Teka... ghouls?" Hindi makapaniwalang usal ko. Paano sila nakapasok dito?

"Princess Xheila! Mabuti at dumating na kayo!" Biglang pagsulpot ng Head Council na wala ring tigil sa pakikipaglaban.

Agad ko silang ginamitan ng iba't ibang elemento ko upang mapuksa.

Nagkakagulo ang mga estudyante rito sa loob at nasisira na ang mga infrastructure ng academy.

Nagngingitngit ako sa galit dahil sinisira nila ang academy namin!

"Xheila! Sa likod mo!" Sigaw ni Sync kaya agad akong napatalikod. Agad akong nagpakawala ng makapal na baging kaya tumalsik ito sa malayo.

Patuloy ang paggamit ng Sync sa iba't ibang spells niya ngunit napakaraming ghouls sa paligid.

Ang ibang nasa elite at highest section ay tinutulungan kami sa pakikipaglaban.

"Xheila! Sync!" Nakita kong paparating sina Suho.

"Nasan ang mga beginners?!" Tanong ko kaagad sakanila.

"Nasa black floor na. Pinapabalik ko na kaagad sa palasyo!" Sagot ni Raima kaya nakahinga ako ng maluwag.

Tinulungan nila kami sa pakikipaglaban ngunit napakarami nila. Hindi namin sila mauubos ng ganun nalang! Maaari nilang masira ng tuluyan ang academy!

"Paano sila nakapasok dito?!" Hindi ko maiwasang magtanong habang hingal na hingal kaming makipaglaban.

"Hindi ko rin alam! Ah!" Sagot ni Collette at napasigaw nang matamaan siya ng isang ghoul. Nagtamo siya ng sugat sa kaliwang braso kaya agad ko siyang nilapitan.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon