Chapter 18: Invaded

459 17 1
                                    




[KENNEDY HILUM]

"Matagal pa kaya bago sila makabalik?" hindi ko maiwasang mangamba. Iniwan kami ng Royal Wizard at ng Prinsesa kung kelan kailangang-kailangan namin ng tulong nila. I think we can't last any longer.

"Babalik sila. Hindi nila tayo bibiguin." may pumatak na luha sa mga mata ni Collette habang sinasabi niya iyon.

Gusto ko man iyong punasan ngunit hindi ko magawa dahil nakagapos ang dalawang kamay ko pati na 'rin ang mga paa ko. Nakatali ang halos lahat ng wizards sa Wizardouz Palace sa isang kwartong ito. Ilang araw na kami rito at hindi namin alam ang gagawin para makatakas. They tooked all our wands and I don't know what they did to block our powers. At higit sa lahat, hindi ko alam kung paano nila kami natalo ng ganun kadali. Hindi namin sila kilala, basta ang alam namin ay marami sila.

"Buhay pa kaya tayo 'pag bumalik sila? Shit lang! Di pa'ko pwedeng mamatay!" pagmamaktol ni Jerr kaya napatawa ako ng mahina. Kahit kelan talaga 'tong tukmol na 'to hindi na nagbago.

Naalarma kami nang may maramdamang mga paa na paparating sa kinalalagyan namin ngayon.

"N-natatakot ako." nagsimula nang manginig si Collette. I closed my eyes out of frustration. I hate seeing her like this.

"Hey, don't be scared." Nagulat ako sa inakto ni Jerr. He seems worried about Collette, and it bothers me. Is he serious with her?

Dahan-dahang bumukas ang pintuan kung saan kami nakakulong ngayon. Napakarami namin dito ngunit alam kong marami pa ang hindi namin kasama rito sa loob. I'm so freaking frustrated dahil ni hindi ko alam kung nasaan ang Queen Imelda ngayon! I hope she's alright. Wala rin si Raima sa kwartong ito. Sana wala silang ginawang masama sa reyna at sa iba pa kundi, hindi ko na alam ang kaya pang gawin ni Xheila. Queen Imelda is the only family that Xheila have.

"Still breathing, wizards?" Mapang-insultong tanong sa'min ng isang babaeng naka-itim at pulang kapa. She has her fangs and blood is running down all over her mouth. Don't tell me she hurt one of us?!

"Who are you? What did you do to the other wizards, you disgusting vampire!" Hindi ko maiwasang manginig habang sinisigaw ko ang mga katagang iyon sa babaeng nasa harapan namin. Ilang araw na kami rito sa madilim na kwartong 'to and I'm so disappointed with the fact that I can't even do anything about it!

Nginisian lamang niya ako saka siya dahan-dahang lumapit sa akin. Dahil nakasalampak ako sa sahig ay lumuhod siya upang pantayan ako. Sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad namin sakanya. But who knows? Maybe she just lived in Haumea for almost 100 years now! She's a vampire afterall. She can look young whenever she wants to.

"Ayoko ang tabas ng dila mo, wizard. Baka gusto mong unahin na kita dahil diyan sa makating dila mo?" She warned but it's not effective. I don't care if she will take my life right now! Huwag lang niyang gagalawin ang nasasakupan ni Princess Xheila.

"D-don't you dare!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Collette. Nabaling sakanya ang atensyon ng babaeng nasa harapan ko kaya di 'ko maiwasang mapamura.

"Shit! No, not her!" I scolded.

Mas lalong lumaki ang ngisi ng bampira, "What a dramatic scene we have here. Pinapainit nyo lalo ang ulo ko. Fucking useless wizards!" Naalerto ako nang lapitan niya si Collette at sinakmal ang leeg nito gamit ang kanyang matatalim na kamay.

"Shit! Don't you dare lay your hands on her bitch!" Galit na galit na bulalas ni Jerr atsaka siya nagpumiglas sa pagkakagapos sakanya ngunit sadyang mahigpit ang mga kadenang nasa katawan namin. Wala kaming hawak na wands. Ni hindi gumagana ang mga magic spells na sinasabi namin. We are hopeless. Inatake nila kami nang walang kalaban-laban.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now