Chapter 24: Wizard Academy

386 20 0
                                    


Chapter 24: Wizard Academy

"Omg! Ako pipili ng gown mo Xheila!" excited na humanap si Collette ng kung ano sa dressing closet ko. Bilang isang prinsesa, normal nalang sa'kin ang may napakaraming damit. I have multiple of dresses and gowns since iyon ang lagi kong sinusuot tuwing may dadaluhan kami na piging dito sa palasyo. And as a princess, I need to look like a princess everyday kaya kahit na labag sa loob ko ay kahit normal na araw ay napaka-engrande ng suot ko. I don't know, I just want to go back to the times that I am just with my sleeping attire, with no brassiere. That's the best feeling!

"Ang gaganda." Manghang saad ni Raima nang makapasok din siya sa kwarto kung saan punong-puno ng kumikinang na damit.

"My mother prepared them for me." I said. How I miss my mom's presence. Hanggang ngayon kasi ay nasa herbes' crib pa siya dahil medyo nanghihina pa siya. I was worried that my mom would not make it to the palace again...

"How about the silver one?" Turo ni Raima sa isang ball gown na kulay silver sa may dulo. Maagaw talaga nito ang pansin ng kahit na sino sapagkat maliban sa nakalagay pa ito sa isang glass box ay talaga namang kumikinang ito. Good choice Raima.

"Wooooow! That was pretty!" Nagtatalon pa di Collette tsaka nilapitan ang gown. Tube ang style nito at may malaking diamond necklace na kasama. It was really expensive, kung sa mortal world iyan ibebenta. Gawa yan ng isa sa pinakamagaling na wizard stylist dito sa palasyo. She was the personal stylist of my mother and happened to be my personal stylist too. She can make a dress or gown with just flipping with her wand, she is Vani. She was just with the same age with us.

"Make sure to wear that on the Royale Night Xheila." Nakangiting saad ni Raima at dahil nagustuhan ko naman ay tumango ako. What can I do without them?

"I'll wear that. So let's go?" Pag-aaya ko sa labas.

"Xheila! Let me borrow some dress for you sa Royale Ball ng Wizardouz Kingdom okay?" Masayang saad ni Collette.

"Matagal pa 'yon! But anyway, ofcourse. Pumili ka lang." sagot ko sakanya. Every year din ay may Royale Ball na ginaganap ang palasyo and I can say that it was extravagant and amazing. Hindi ko lang alam kung ngayong taon ay magiging pareho pa 'rin dahil may mga nasirang establisimiyento pero unti-unti naman nang naayos. The invader's impact wasn't that simple.

"Yehey!" Collette hugged me kaya niyakap ko rin siya. Ang warm talaga ng personality ni Collette, no wonder pinag-aagawan siya nina Jerr at Kennedy.

"Tama na 'yan! Tara na." Pag-aaya ni Raima kaya lumabas na kami ng kwartong iyon.

"Kamusta na pala ang relationship niyo ni Suho, Raima? Didn't you missed him nung nasa mortal world kami?" I asked Raima while walking down to the hall of the palace.

"Ofcourse I miss him. Pero wala naman akong magagawa because it's his duty. Takot na takot ako nung naiwan niyo kami rito. Pag-uwi namin dala ang gamot ni Ken ay nadatnan ko na silang nasa ganung kalagayan. Wala rin akong nagawa kundi maging bihag dahil hindi ako ganoon kalakas upang malabanan sila. They hurt everyone they can hurt Xheila. Wala silang awa." Sagot ni Raima kaya nakaramdam ako ng lungkot. Wala man lang ako sa tabi nila nung mga panahong kailangan nila kami.

"The day we arrived here ay may napapansin na akong nagmamanman sa labas ng palasyo Xheila. Then after three days ay umatake na sila sa loob. They started breaking the walls of the palace at kahit na nagtayo kami ng glass shield ay nabasag din nila. Unconscious pa si Ken 'non kaya talagang nahirapan din ang ibang wizards dahil isa si Ken sa mga magaling mag-lead sa palasyo. It was really sad Xheila dahil maraming kawal ang namatay upang lumaban." Dugtong naman ni Collette. I just held their hands and smiled warmly to them.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon