Chapter 11: Irritating Vampire Prince

725 29 5
                                    

Witwew, gwapo naman ni Gacrux sa multimedia.
Sync: Tss.




[SYNC TRISTAN WEISLEY]

Tinititigan ko lang si Gacrux sa ginagawa niya kay Xheila habang nakayukom ang mga kamao ko. I looked at Xheila and she looked uncomfortable. They are too close, damn it.

"You know what?" sabi ni Gacrux. One wrong move Vampire Prince and you're dead.

"What?" mataray na sagot ni Xheila. Kahit kelan talaga. Xheila will always be her old self that's why I'm loving her more.

"You're annoyingly pretty." sagot ni Gacrux saka na lumabas ng kusina. I'm not visible in their eyes that's why they couldn't see me. At kita mo nga naman, Gacrux looks interested with my girl and I wouldn't let that pass.

Sinundan ko si Gacrux sa kung saan man siya nagpunta. Papunta siya sa kwarto niya. Pumasok na siya sa pinto kaya akmang papasok na'ko ngunit mabilis niya itong isinara dahilan para maipit ang isa kong paa.

"Aaah! What the fuck! What the fuck!" nagsisigaw ako. Napahawak ako sa paa kong naipit, seriously!

"Bakit mo'ko sinusundan? Are you a fucking gay?" binuksan niya ang pinto saka ako hinarap kahit na alam kong hindi pa'ko visible sa mata niya.

"Dispell," I murmured before answering him, "If you're interested with Xheila, ngayon palang sinasabi ko na sa'yo. Fuck off man. Fuck off."

I closed my fist hard when I saw him smirked, "Hindi ganoon kababa ang standard ko para patulan siya. Masyado akong mataas para sakanya." sagot niya kaya di'ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok siya. Hindi naman siya agad nakapalag dahil alam kong nanghihina pa siya. Dehado siya? Wala akong pakielam! He just gave me reasons to kill him right now.

Pinunasan niya ang gilid ng labi niya na nagdugo dulot ng suntok ko saka niya 'ko tinitigan ng masama.

"You like that girl, huh? Don't you know that I can make her mine anytime I want?" nakangisi pa'rin siya sa'kin.

"You know what? I could kill you right away." gigil na sabi ko sakanya. Hindi niya alam ang sinasabi niya, wala siyang alam.

"Then why don't you do it?" paghahamon niya sa'kin. Gumawa ako ng bolang apoy sa kamay ko saka ko iyon inihagis sakanya, naiwasan niya iyon ngunit bumalik muli ito sa direksyon niya kaya nadaplisan ang kanang pisngi niya. Napangiwi siya.

"Nangako kami kay Kaira na ibabalik ka ng buhay sa kaharian niyo. Hmm? Pero mabubuhay ka pa'rin naman kahit sunog na ang mukha mo hindi ba?" pang-aasar ko sakanya. Mukhang napikon naman siya sa sinabi ko.

"Kay Kaira? Patayin mo nalang ako kesa ibalik ako sakanya! Hinding-hindi ako babalik sa babaeng 'yon!" sigaw niya na tila ba galit na galit na lubos na ipinagtaka ko. What's with him? Tinutulungan siya ng kapatid niya tapos ganito lang ang iaakto niya? Masyado siyang maarte.

"Wala akong pakielam sa alitan niyong dalawa. Basta ang misyon ay misyon. Go kill yourself once we brought you back to Levinia Kingdom." I said then stepped out of his room. Gagong 'yon.

Dumiretso ako sa kusina at nakitang nagluluto si Xheila habang nakakunot ang noo. Ang lakas ng loob niyang magpresinta, hindi naman siya marunong magluto.

Lumapit ako sakanya saka ko siya niyakap mula sa likod.

"Ay malignong hilaw!" napatawa ako sa expression niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy siya. I love her scent so much.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now