Chapter 6: To the Mortal World?

748 33 0
                                    


[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

"Him." She said while pointing at... Maligno.

"Wait, what?" hindi makapaniwalang tanong ko. Don't tell me kahit kakakilala niya lang ngayon sa malignong 'yan ay nabighani na siya kaagad? Wow ha!

"Pffft!" pigil ang tawa ni Jerr kaya sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman siyang natahimik dahil kilala niya ko pag napipikon. At hindi maganda 'to!

"A-ano pong ibig niyong sabihin, Princess Kaira?" hindi makapaniwalang tanong ni Collette sakanya.

"I want him. Leave that wizard to my kingdom and I'll let you get what you want." sagot ni Kaira saka ngumiti sa'min. Hindi naman kaagad nakapag-react si Maligno dahil hindi rin naman niya alam ang irereact niya. Teka nga, paano ba napunta 'yan dito ng ganon kabilis? Pumunta ba siya rito para mang-seduce ng mga babae?! Fine, it's working. At sa prinsesa pa talaga ng kingdom na 'to! Hindi pa siya nakuntento sa'akin! Bakit? Mas malaki lang ang boobs niya, mas maganda ako. Psh.

"Leave him alone. He's off limits." walang ganang sagot ko. Ayokong magalit ngayon dahil baka hindi pa namin makuha ang gusto namin. I need to calm myself down.

"Oh, why? Hahaha." natawa si Kaira sa inasta namin. Mapang-asar talaga 'tong babaeng 'to, ano?

"A-ah Princess... Ano kasi-- hays." hindi maituloy-tuloy ni Suho ang gusto niyang sabihin and he ended up sighing. Why?! Bakit hindi nila masabi? Dahil natatakot sila sa prinsesang nasa harapan nila?! Isa rin akong prinsesa! Bwiset!

"What do you want from me, Princess Kaira?" magalang na tanong ni Sync. Nginitian naman siya ni Kaira. Ulol!

"He's my husband! We already have eight children so if you don't mind, please back off." sabi ko saka ako pasimpleng nang-irap. And with that...

"Pfftt! Hindi ko na kaya! HAHAHAHAHAHA!" natawa na ang siraulong si Jerr. Hindi na rin napigilan nung tatlo yung pagtawa. Pasimple sana akong gagawa ng power dust para puwingin sila kaso naalala kong off limits ang kapangyarihan namin sa kaharian ng Levinia. Nalaglag ang panga ko nang nakisali sa tawanan si Kaira. Seriously?!

"If you're jealous, don't be. I just want him to do something for me." Kaira said which made me confuse.

"Why him? Why not Jerr? Suho? Or Marius?" takang tanong ko pero umiling lamang siya.

"Pagkatapak pa lamang niya sa kaharian namin ay hindi ko na matantya ang kapangyarihang taglay niya. Malakas siya kumpara sa ibang wizard na nakasalamuha ko at sa tingin ko, matutulungan niya ko. Tutal humihingi kayo ng tulong sa'min, why don't we exchange helps to each other?" mahabang litanya niya sa'kin. Bahagya akong napasilip kay maligno at nakita kong nakangisi siya. Malakas pala huh?! Feel na feel mo namang maligno ka! Bwisit!

"What kind of help do you want from him?" tanong ko. Huwag lang kumplikado Kaira, baka mapatay na kita. Naiirita na talaga ko. May hindi na nga kami pagkakaintindihan, dadagdag ka'pa!

"I want him to go to the Mortal World." walang alinlangang sagot niya kaya nagulat ako. Ganon din ang reaksyon ni Sync at ng iba pa. I didn't expect that from her. Matagal na rin simula noong huli kong narinig ang lugar na 'yon. Mortal World.

"We're confused." Raima said with knotted eyebrows.

"Follow me." she gestured us to follow her outside our room. Sumunod silang lahat at ako ang pinakahuling naglakad. Thinking that Maligno will be at Mortal World can make me uncomfortable. But I think, there's no choice that was left for us. Kung hindi pa kami papayag sa lalong madaling panahon ay baka ano nang mangyari kay Ken.

Lumabas na kami at tumungo sa isang kwartong may transparent na pader. Kitang-kita namin ang nangyayari sa labas ngunit alam kong hindi kami nakikita rito sa loob. I know this kind of room design na ginawa para sa kaligtasan na rin ng mga taong nasa loob nito. Maybe this room is sacred. May ganito rin sa Wizardouz Kingdom dahil doon namin ginaganap ang iba't-ibang meeting, at upang masiguradong walang ibang makakarinig ay ginagamit namin ang ganitong kwarto. This is quite cool.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now