Chapter 20: Matter of Life and Death

432 16 1
                                    


[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

Hindi ko alam kung anong una kong iisipin ngayon. It is obviously me or death among the knights. And who the fuck will let them be killed? They can't!

"Don't you know who I am? I am the Highest Princess of Wizardouz Kingdom! You can't order us around!" Galit na galit na sigaw ko kahit na alam kong isang pitik lamang ay maari akong malusaw ng lava sa ibaba.

"Hindi sakop ng kapangyarihan mo ang mga Dark Forces, hindi ba?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng divine creature rito sa gubat. Paano? Akala ko ba napuksa na namin ang lahat ng Darks noon? We destroyed everything four years ago. Paanong...

"We killed your Queen! I killed Kate!" Sigaw ko na para bang gusto ko ng umiyak. Sobrang naffrustrate ako sa mga nangyayari. Tandang-tanda ko pa kung paano nalusaw ang Dirello Kingdom kasama ng Reyna nilang si Kate, kasama ni Kean, Zhairo at Liana. I can still visualize their death... together with Zhiya. Nagsakripisyo na ako ng sobra para sa katahimikan ng Kingdom, hindi maari.

"Queen Kate? Wala akong matandaang nakatataas sa akin na may ganyang pangalan, prinsesa." Sagot niya kaya mas lalong nagulo ang utak ko. Ano bang pinagsasabi niya? Nakatayo ang lahat ng mga Dark Forest dito sa Haumea dahil sa Queen Kate na iyon! How couldn't he recognized his creator?

"Princess huwag kang magpapalinlang sakanya. He's surely a good manipulator. He can deceive you!" Sigaw ni Cold sa ibaba. Tiningnan ko ang mga posisyon nilang apat ngayon. I know they are trying their best to save me from being grilled. I can clearly see how they use strong forces sa mga lubid na nakakonekta sakanila para maingatan akong hindi malaglag.

"Masyado niyo nang inaabuso ang pasensya ko. Simulan na natin ito." Nag-echo ang boses niya sa buong paligid. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan niya ay Cernunnos. Minsan na siyang naikwento sa'kin ni Sync. Isa siya sa mga taga-pangalaga ng mga kagubatan sa mundo namin. And eventually, he is a Dark Divine Creature from the Dark Forces.

"A-anong plano mo?" Kinakabahang tanong ko. I felt my hands shaking. Hindi na kami muling nakarinig ng sagot mula kay Cernunnos. Binalot ng katahimikan ang paligid which made me more nervous. Sobrang lamig, nanginginig ang buong katawan ko sa lamig at kaba. Nakadagdag pa takot ko ang iba't ibang huni ng ibon na naririnig ko sa buong kakahuyan. This place is really frightening the hell out of me!

"What is that?" Bakas ang kaba sa boses ni Inferno kaya sinilip ko sila sa baba. I froze when I saw a black smoke coming from everywhere. The smoke started to cover the knights kaya napasigaw ako.

"Knights! No!" A tear escaped from my eyes as I watched them being eaten by the black smoke. Alam ko, alam kong may mangyayaring hindi maganda once their bodies fully adapted the smokes.

"Ugh!" Napaluhod sila ng sabay-sabay. Inubo sila ng inubo hanggang sa tuluyan na silang napahiga sa lupa habang hawak nila ang kanilang mga dibdib. I bet they can't breath because of the smoke.

"Anong nangyayari Cernunnos? Tell me! Anong ginagawa mo!" I cried but no one answered me. I brushed my own hair out of frustration. Wala akong magawa para sakanila. Kasalanan ko lahat ng 'to! They are always here and they will eventually cover me from any harm.

Nakaramdam ako ng awa sakanila. Hanggang ngayon hindi pa 'rin malinaw sa'kin kung saan sila nanggaling. Hanggang ngayon malaking palaisipan pa 'rin sa'kin bakit bigla nalang silang lumitaw sa harapan ko para protektahan ako. They are too good. They can't be hurt just because of me.

Ilang minuto pa at sabay-sabay na silang tumayo. I hold my breath to watch what will happen next. At halos takasan ako ng kaluluwa ko nang makitang kulay itim na ang lahat ng parte ng mga mata nila. Nababalutan din ng itim na ugat ang lahat ng parte ng mukha nila at nakatingala sila ngayon sa akin. Nanindig ang balahibo ko sa takot.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now