Chapter 16: Prince's help

623 27 1
                                    


[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]


"Mag-gagabi na pero wala pa'ring portal na nagbubukas." nanlulumong sabi ko habang nakatulala sa punong pinaggalingan namin. Bumalik ulit kami rito sa pinanggalingan naming gubat pero sa tingin ko ay wala ng mangyayari hangga't mamuti ang mga mata namin. Lahat na ng abra kadabra magic ginawa ko na, wala pa'rin?

"Hey, don't lose hope okay?" pag-aalo sa'kin ni Maligno saka ako tinapik sa balikat.

"Levinia Kingdom is still blocking our way. What the hell is their problem?" inis na tanong ni Suho saka tiningnan ng masama si Gacrux na nakatingin lang sa'min ng tahimik.

"Two years akong nakulong saka pinahirapan ng mga mortal na'to, how would you think I know?" pabalang na sagot ni Gacrux saka sinamaan ng tingin ang bihag naming scientist na agad namang umiwas ng tingin dahil sa takot.

"N-napag-utusan lang ako." nakayukong sabi ng scientist kaya napaukont ang noo ko. Napag-utusan?
Bago pa man ako makapagtanong ay napasugod na si Gacrux sa scientist na napag-alaman naming Maximos ang pangalan. Kinwelyuhan niya ito saka pinanliksikan ng mata. Kahit ako matatakot sa estado ni Gacrux ngayon. Malamang ay galit na galot siya dahil sa hirap ng naranasan niya sa mga kamay ng walang awang mga scientist.

"Sinong nag-utos sa'yo? Tell me so that I could kill that person immediately!" galit na galit na sigaw ni Gacrux sa mukha ni Maximos. Nanginginig pa ang mga kamay niyang nasa kwelyo ni Maximos dahil sa sobrang panggigigil.

"H-hindi ko siya kilala. K-kinakausap niya lang ako through my m-mind." halos hindi na makahinga si Maximos dahil sa higpit ng hawak sakanya ni Gacrux. Panandaliang napatigil ako sa paghinga dahil sa sinagot niya. Through mind?

Hindi ako nagdalawang-isip na lumapit kay Maximos. "What did you just say? Naririnig mo lang aiya sa utak mo?" hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay ng sagot niya.

"O-oo! Kaya wala akong ideya kung sino siya." sagot niya kaya bigla akong nanghina. Iisa lang siya. Iisa lang ang nagpahirap kay Gacrux saka ang taong nasa likod ng nangyayari sa'min ngayon. He's manipulating all of us! Maybe he used Gacrux para mapunta kami rito at hindi na makabalik pa sa Haumea. Pero hindi ko hahayaang magawa niya ang gusto niya. Hinding-hindi.

"Fuck. Fuck!" Gacrux shouted then he let go of Maximos. Sinabunutan niya ang sarili niya saka marahas na napapikit. Kahit siya ay hindi na alam ang gagawin.

"That person is no doubt, a telepath." seryosong saad ni Maligno. So, telepathy huh? What a wise way to fool us.

"Huwag ka ng mangamba prinsesa, magtutulungan tayo." pinapagaan ni Lake ang loob ko pero hindi gumagana. Masyado akong occupied ngayon.

"At ikaw naman? Wala ka pa'rin bang balak umamin kung sino ang nag-utos sa'yo?" nakangising tanong ni Suho sa illusionist na bihag namin pero nanatili pa 'rin itong tahimik. Baka nga kahit patayin namin siya ngayon din ay wala siyang balak magsalita. Para bang handa na siyang mawalan ng buhay anytime from now.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Gacrux nang makitang naglalakad ito palayo sa'min papasok sa masukal na parte ng gubat.

"Maghahanap ng paraan para makabalik sa Haumea!" sigaw niya pabalik kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko pa siya kilala kaya hindi ko alam ang kayang gawin ng isang prinsipe ng mga bampirang gaya niya.

"Prinsesa! Kain ka muna!" masayang lumapit sa'kin si Inferno na may dala-dalang inihaw na isda. Teka, san niya 'to nakuha?

Mukhang nabasa niya ang ekspresiyon ng mukha ko kaya nagsalita siya ulit, "Magic!" masayang pahayag niya kaya napailing nalang ako dahil sa kakulitan niya.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now