Chapter 3:Trap

1.1K 39 10
                                    


[COLLETTE DELFRIN]

I saw it. Nakita ko sa dalawang mata ko kung paano matusok ng buntot ng isang Dark Dragon ang likod ni Ken habang lumilipad ito sa itaas. Baliw ka Ken! Bakit ka lumipad eh nandyan nga ang mga Dragons! Idiot! Mabilis na pumatak amg luha ko nang makitang lumabas ang kulay pulang likido mula sa bibig niya at unti-unti siyamg babagsak. Ang mga tulad namin na hindi Royal Bloods ay may pulang dugo hindi kagaya nina Royal Wizard at Princess Xheila-- ay wait nga! Bakit ba'ko nagkwekwento! Nasa panganib si Ken!

"Tulong! Si Ken!" Nanginginig ang boses ko habang sinisigaw 'yan ngunit walang nakarinig sa'kin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon ng pinagbagsakan ni Ken at walang siyang malay.

"Ken! K-Ken gising!" Nanginginig ang kamay ko habang tinatapik-tapik ang mukha niya ngunit wala talaga siyang malay kaya naiyak na'ko ng naiyak. I'm such a crybaby.

Pinagmasdan ko ang paligid at wala akong nakita kundi ang mga sugatan at walang malay na tao sa palasyo. Natatakot na'ko sa pwedeng mangyari. Masyado ng maraming namamatay. Baka masira ng tuluyan ang kingdom namin kapag hindi pa napaalis ang mga Dragons na ito! Saan ba kasi sila nanggaling? Ayon sa napag-aralan namin sa Wizard Academy, extinct na ang mga katulad nila! How come...

Nagulat ako ng mabilis na nagtatakbo si Jerr papunta sa direksyon ko. Nagtataka ako habang pinagmamasdan siyang tumakbo ng mabilis. Anong problema niya?

Bigla niya kong niyakap at inihiga sa lupa dahilan upang magulat ako ng husto. Nakapatong siyang ngayon sa'ken at kino-coveran ang katawan ko.

"Fuck shit! Are you okay Collette? Muntikan ka ng mahagip ng isang Dragon!" Sigaw niya ng puno ng pag-aalala sa mukha. What?! Bakit di ko napansin 'yun? Ay tanga!

"Wait lang, wait lang! Si Ken tulungan natin!" Sigaw ko saka ko siya tinulak upang makaalis na siya sa ibabaw ko. Agad kong nilapitan si Ken saka niyakap. Wala pa'rin talaga siyang malay! Nag-aalala na'ko ng sobra!

Tiningnan ko si Jerr na ngayon ay nakatingin lang sa'kin. What the? Sabi ko tulungan namin si Ken hindi titigan niya 'ko! Ano bang problema niya? Nasa panganib kaya ang kaibigan niya! Duuuhh.

"Selos ang makakapatay sa'kin Collette at hindi 'yang mga dragon na 'yan." Puno ng hinanakit ang boses niya. Imbis na naawa ako sakanya ay sinamaan ko siya ng tingin. Ngayong oras pa'ba na ito siya magdadrama ng ganyan?!

"Ano ba Jerr?! We don't have time for that drama! Si Ken tulungan natin!" Sigaw ko. Yung kabog ng dibdib ko sobrang lakas. Yung buong katawan ko nanginginig. Sobrang natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Ken. He's so special to me. I can't lose him. No. Not ever.

"Okay." Walang ganang sagot niya saka inakay patayo si Ken. Inakay ko rin siya. Mabilis kaming pumasok sa loob ng palasyo. Pumunta kami sa kwarto kung saan naroon ang mga herbes, ang mga healers sa kaharian. Pagbukas namin ng pinto ay naroon ang mga babaeng herbes at halatang takot na takot.

"Heal him!" I shouted to them. Nakakairita! Ang aarte ng mga 'to! Natatakot eh nasa loob nga lang sila ng kwartomg ito at nagtatago! Nakakaasar talaga ang mga malalang herbes na 'to. Agad naman nilang inasikaso si Ken. Oh please Ken, be safe.

May maramdaman akong humawak sa balikat ko. Its Jerr so I looked at him with no expression written in my face. I hate him since birth. Isang siyang playboy and now what? Ako target niya? Asa siya. Kilala ko siya. Hanggang hindi niya nakukuha ang isang babae ay hindi niya ito titigilan hanggang mapasakanya. Pwes, ibahin niya ko.

"Dito ka nalang sa loob. Huwag ka'nang lalabas dahil masyadong delikado." He said in monotone saka na tuluyang lumabas ng kwartong kinalalagyan namin ngayon. Nanibago ako sa pinakita niya pero hindi ko na pinansin iyon dahil wala naman akong pakielam sakanya. Rude? Nope, I just hate him to the max.
Naupo nalang ako dito saka nagdasal sa Dyos na si Zeus. God, sana maging safe ang palasyo. Sana maging safe si Ken. Oo, kayang pagalingin ng mga herbes na 'to ang kahit anumang sakit sa loob ng ilang oras ngunit hindi nila kayang bumuhay ng patay. Ano ba 'tomg pinag-iisip ko! Hindi mamamatay si Ken! Tss.

SOM  2: Planet Of MagicWhere stories live. Discover now