Chapter 7:Craving for blood

744 34 0
                                    



[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]


"Iyan na'ba ang ugat ng burwha?" tanong ko nang makita kong may hawak silang lalagyan na may umiilaw sa loob. Nandito na kami sa labas ng palasyo ng Levinia at handa na silang umalis.

"Ito na nga 'yun Princess Xheila!" masiglang sagot ni Collette saka pa iwinagayway ang hawak na lalagyan.

"Then I think you're all ready to leave." nakangiting saad ko. Biglang nawala ang mga ngiti sa labi nila at napalitan ng lungkot. Ano na namang drama 'to?

"Sigurado ka'ba talagang magpapaiwan ka Princess Xheila? Pwede ka naman naming samahan dito." si Suho.

"And what about Ken?" mataray na sabi ko.

"Kahit hindi naman kaming lahat ang umuwi ron. Pwede kaming maiwan ni Royal Wizard dito---" hindi ko na pinatapos pa si Jerr.

"I can handle myself. Umuwi na kayo sa kingdom natin. And this is an order." tinalukuran ko na silang lahat. Desidido na'ko sa desisyon ko. Masyado nilang bini-big deal ang pagpapaiwan ko rito at ang pagpunta ko sa mundo ng mortal. Masyado bang mahina ang tingin nila sa'kin?

Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng kingdom pero narinig ko ang reklamo ni Collette.

"A-aray!"

Lumingon ako sakanila at nakita ko si Collette na nakadapa sa sahig. I think nalaglag siya habang umaakyat sa Pegasus.

"Ayan kasi! Sabi ng aalalayan na kita eh!" bulyaw sakanya ni Jerr. Napailing nalang ako saka na sana itutuloy ang pagpasok sa kingdom ngunit biglang nagkagulo ang mga bampira na nasa paligid ng palasyo. Napahinto ako mula sa kinatatayuan ko at napatingin sa kalangitan. Bigla itong binabalot ng dilim. Nakita ko si Marius na palapit sa'kin kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Marius.

"Its vampire's dinner time." sagot ni Marius. Napatingin ako sa mga bampira sa paligod at laking pagtataka ko nang lahat sila ay nakapalibot sa mga kasama ko.

"Waaaah! Dugo!" sigaw ni Collette. Don't tell me...

"Blood! Blood!" sigaw ng mga bampirang nakapalibot sakanila. Tiningnan ko si Marius, naging pula ang mga mata niya. Tiningan ko uli ang lahat ng mga bampira at pula na rin ang mga mata nila!
Dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon nina Sync. Hinawi ko ang mga bampirang nagkukumpulan para makadaan ako. Wala akong pakielam kung sipsipin man nila ang dugo ko dahil sa ginawa ko, magsipsipan kami. Wahahaha!

"Okay lang ba kayo?" tanong ko sakanila. Nadatnan ko silang pinapalibutan si Collette na stila pinoprotektahan siya. Napatingin ako sa tuhod ni Collette, may sugat siya at pula ang dugo niya. Hindi siya royal blood that's why.

"We need to get out of here before they sip the blood out of our body!" sigaw ni Maligno kaya naalarma kaming lahat. Hihilahin ko na sana sila para tulungan pero may biglang sumakal sa'kin mula sa likod.

"Gggrrr! Ggrrrr!" isang bampira! Damn!

"Princess!"

Nanlaban ako sakanya pero dumami sila na inambahan ako. Pinupugaran nila ko ngayon at wala kaming magawa dahil hindi kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan namin. Defense mechanism ng Levinia Kingdom ang pagharang sa mga kapangyarihan ng sinumang tumapak sa lupain nila, kanina ko lang iyon nalaman kay Marius.

"Fuck off filthy vampires!" rinig kong sigaw ni Maligno. Hinagis niya ang mga bampirang nagkukumpulan sa'kin including yung sumasakal sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Pumasok na kayo sa loob ng palasyo para maging ligtas ang kaibigan niyo!" utos sa'min ni Marius, isa siya sa mga tumutulong sa'min para hindi kami tuluyang lapitan ng mga bampirang gutom na gutom na sa dugo.

SOM  2: Planet Of MagicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt