CHAPTER 74- THE PAYBACK IX

Start from the beginning
                                    

"Babe saan ka galing!?" agad na lumapit si Scyle, napatayo naman kami habang sinasalubong ang pagdating n'ya.

"Sa pinanggalingan ko." tugon ni Cashannea, nakuha pang magbiro.

"Hindi ako nagbibiro!" seryoso at inis na sambit ni Scyle,

"Galing ako kila Lithor."

'Alam ko..'

"ANOOO!???" gulat na gulat na tanong nilang lahat maliban sa akin,

"Anong ginawa mo do'n?? Ayos ka lang ba bessywap??" nag-aalalang tanong ni Athena, diretso lang s'yang tiningnan ni Cassy, "A-Ahh hehe, sabi ko nga ayos ka lang." napapahiyang dagdag n'ya,

"Ano na namang eksena mo do'n ha??" inis na tanong ni Scyle, hinayaan muna namin silang magusap,

"Pinuntahan ko s'ya."

"Eh bakit mo pinuntahan!?"

"Baka nakipag-chikahan ako?"

"Nakipag chikahan!? Baka nakipag sapakan!?"

"Alam mo naman pala e."

Agad na naupo sa upoan si Cashannea. Diretso lang s'yang dumampot ng pagkain at inilagay iyon sa plato n'ya, sumubo s'ya lang s'ya ng sumubo, halatang nagutom.

"Wala pang tatlong oras nung nag lunch tayo, gutom ka na naman??" tanong ni Berton,

"Aba, napaka sugapa n'yang dragon sa tiyan mo Cashang ha!" dagdag ni Forth,

"Lakas lumamon, di naman tumataba." nakangiwing sambit rin ni Romnick,

"Ang harsh n'yo ah? Baka jombagin kayo n'yan, halatang gutom eh, mukhang pati plato handa n'yang lamunin." pang-aasar rin ni James, natatawa nalang kaming napailing,

"Babe!" sigaw na naman ni Scyle,

"Ano na naman?"

"Bakit ba hindi mo nalang sabihin kung anong ginawa mo do'n??"

"Nakipag-sapakan nga!"

"Sira ulo ka rin eh no??"

"Ako pa sira ulo ha??"

"Sagotin mo nalang yung tanong ko!"

"Sinagot ko naman ah? Nakipag sapakan nga diba??"

"Bukod don!?"

"Nakipagchikahan."

"Seryoso ako."

"Ako rin."

"Pwede bang ikwento mo ng maayos!?"

"Tinatamad ako eh."

"Anong pinagusapan n'yo?"

Halatang pilit na pinapakalma ni Scyle ang sarili.

"Puro kabobohan lang--"

"Umayos ka ng sagot Cashannea!!!"

Gulat kaming napatingin sa kanila dahil sa malakas na sigaw ni Scyle. Maging si Bunsoy ay nagulat, natigil kami sa pagkain na halos pati ang mga nasa loob ng restawran ay napatingin sa gawi namin.

"S-Sorry, nagusap kami tungkol--"

"Wag na."

Pigil ni Scyle sa kan'ya, bakas ang inis sa itsura ni Scyle.

'Kapilosopohan, tsk.'

"Huy sorry--"

"Baka tinatamad ka ring mag sorry, akyat muna ako sa taas."

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now