Chapter 23

2.4K 156 2
                                    

Reclaim

Nanatili akong tulala mula sa mga pangyayari. Nanginginig ang aking kamay marahil sa halo halong emosyon - galit, poot, at pagkahiya.

Mayamaya pa'y mabilis na hinablot ang aking palapulsuhan. Si Joey directing me to his car.

"Did you hear?" hindi ko alam kung anong iisipin niya kapag malaman niya ang tungkol sa amin ni Titan. I could not afford to disappoint him or give him atleast reason para kamuhian ako.

"Hear what?" his baritone voice makes me shiver again.

"Pasensya ka na hindi na dapat pala tayo nagpunta dito kung alam ko lang na kung sino sinong tao lang ang iimbitahan ni dad" nagiba ang ekspresyon niya habang sinasabi ang mga salitang yon.

Marahil tama nga siya hindi na dapat ako nagpunta sa magarbong party na yon. It's my fault in the first place. Bakit ba kasi ako pumunta sa lugar kung saan tanging pwede lang ay ang mga taong nababalot ng ginto, mga taong akalain mo'y nakakalamang sa kapwa dahil lamang sa kayamanan,and mostly hindi ko sana makikita si Titan kung hindi ako nagpunta roon and for fucks sake hanggang ngayon ay hindi ma absorb ng utak ko na kapatid siya ni Joey.

"You okay"

Inabot niya ang kamay ko. His face looks worried.

"Don't think too much" he added.

Malalim na nga ang gabi. Iilang sasakyan nalang ang aming nakakasalubong. I partly open the window pane to grasp some air kahit na malamig ang sasakyan ay hindi pa rin ito sapat upang mapahupa ang nagbabagang galit na nararamdaman ko ngayon.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. Half hour drive was reduced to 15.

The engine stops. Tila huminto ang oras ng walang ni isa sa amin ang bumaba sa sasakyan. Malalim nga ang iniisip niya. Bababa na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Hey" his voice almost whisper. Nanginig lalo ang katawan ko sa pagkakasabi niya roon

"Hmm, malalim na ang gabi" tila hindi ko na alam ang pwede kong sabihin sa kanya. Kahiyahiya ang nangyari kanina. Muntik pa siyang mapa away dahil sa akin. It feels like i'm the largest parasite in that party.

"Sorry Caleb, It's all my fault" he said again. Nanlulumo ang boses niya na tila ba pinagbibintangan ang sarili sa kahihiyang ako naman talaga ang may kasalanan.

"It's not your fault, kasalanan ko rin naman kung bakit nagkaganun" nahihiya kong tugon. It feels like healing to say those words kasi kasalanan ko naman talaga.

"I'm mad" ibinaling niya ang tingin sa akin. This basement was full of long lamps making his eyes so dark that it takes courage for me to stare back.

"You don't have to be mad, okay naman ang lahat eh" I tried my best to plaster a smile to lighten the mood pero putang ina, masyadong matapang ang kanyang mata na tila kaya niyang basahin ang laman ng aking utak.

"I'm mad because I failed to protect you" nanlulumo ang mga matang yaon.

"You don't have to, I know how to protect myself" nanghihina ako habang sinasabi ang mga salitang yon. Eh hindi ko nga maipaglaban ang sarili ko. And worst is I don't know how to. Hindi ko alam kung paano ko ipaglalaban ang sarili ko. I do act like I am the most independent person, that I could be an island pero akala ko lang pala ang lahat ng yon I was never really independent.

Simula ng mawala si Titan ay sinikap kong kayanin. Lumipas ang maraming taon at akala ko'y kaya ko na, that I don't need anyone in my life that I could live life on my own pero hindi this night I feel sick realizing how I need to depend on others.

KAHAPON (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon