Chapter 6

3.5K 198 3
                                    

Your visions will become clear only when you can look into your own heart. Who looks outside, dreams; who looks inside, awakes.” – Carl Jung


I am scared to breath

I am scared to live in the vast world of hopelessness.

I am terrified of the idea of my feet touching the ground, leaving the hollow comfort of white linen.

My grandmom once told me that this world  is nothing but a big big canvas of painting, that whenever your garden lose its sheen you can easily revive it with a little touch of a soft milky green paint. That you can emblazone a vermillion on the hanging cotton of clouds and simply stare them every morning in your window. A world where you can paint all your desire and fumed your day with all the impossibly perfect life. But that perfect canvas that I wanted to pocket and seal deeply in my heart scraped before I could blink.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagpatak ng aking mga luha.

Kaliwa. Kanan.

Di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

Titan. Isang pangalan, isang salita but his name gives thousands of melt down. Kasalanan ko. Kasalanan ko nga ang lahat ng nangyari. Kasalanan ko kung bakit siya lumayo at kasalanan ko kung bakit ako sinisisi ng mga taong nakapaligid sa akin. Walang dapat sisihin kundi ako lang.

---

Two weeks na matapos ang mga pangyayari kung saan ay pinili kong lumayo muna. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Joey sa gitna ng pagsagip niya sa'kin, sa gitna ng pagyakap niya na kahit papaano'y masasabi kong nagbigay lakas ng loob sa'kin upang igayak ang aking mga paa at tumakbo papalayo sa gym. Hindi ko na rin siya nakita buong maghapon matapos non.
I wonder why he did that. Sino ba ako para tratuhin niya ng ganun. Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa niya pati ang mga tao sa paligid ko'y nabigla rin sa kilos niya. But I need to thank him amidst of everything at nakapagdesisyon na ko. I need to distance myself sa kanya upang tumahimik na ang mga kaluluwa ng mga students sa University.

Napagalaman ko rin kung sino ang lalaking yon at kung bakit niya alam ang tungkol sa amin ni Titan. Isa siya sa mga naging matalik na kaibigan ni Titan. Nakilala ko na siya noon dahil na rin kay Titan subalit malaki ang pagbabago sa kanyang pisikal na kaanyuan kung kayat hindi ko agad siya nakilala. I doubt kung may alam si Joey tungkol don o tungkol kay Titan pero imposible sapagkat ang lahat ng yon ay nangyari sa probinsya namin kung saan malayo sa marangyang buhay ni Joey.

At dahil wala sa sarili ay hindi muna ako pumasok sa trabaho. Nagpasalamat na din ako kay Joey at humingi ng paumanhin sa mga pangyayari sa pamamagitan ng text message. Panay ang iwas ko sa kanya sa kadahilanang baka mamatay na ako sa kahihiyan o ako mismo ang patayin ng mga fansclub niya. Naging usap usapan din sa buong campus ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinulyapan ko ang aking suot na relo upang tingnan ang oras. Mag a'alas 6 na ng hapon. Ngayon ay maglalakas loob akong harapin siya sa personal. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa kabila ng lahat ng nangyari pero sa tingin ko'y dapat ko siyang pasalamatan ng personal at nararapat lamang na magpatuloy ako sa trabaho sa condo. Inisip ko na rin kung paano ko siya mababayaran nang saganon ay makahanap na'ko ng ibang trabaho na hindi konektado sa kanya. Para na rin yon sa katahimikan ng lahat.

Agad akong umalis sa pad at tumungo sa condo niya.

----

"Inaasahan ang malakas na ulan dala ng bagyong Usman ngayong gabi antambayanan ang iba pang mga balita.. . ."

Nagpatuloy sa pagsasalita ang anchorman sa radyo. Medyo umaambon na rin sa labas. Malakas ang busina ng jeep at ilan pang mga sasakyan dahil na rin sa inip sa naaantalang traffic.

30 minutes bago ako nakarating sa condo ni Joey. I press the number code to enter. Sana naman nandito siya sa mga oras na to.

Agad akong pumasok sa loob. I called his name twice, thrice pero walang sagot. Iginayak ko ang aking mga paa sa loob to check nang bigla nalang nagsalita sa likod ko.

"Bakit ngayon ka lang?"

Paglingon ko'y tumambad sa'kin ang kanyang mukha na ngayo'y magkasulubong na ang kilay.

"What the fuck! I've been texting you at hindi ka sumasagot!" Malakas niyang tugon.

Oo nga pala I turned off my phone in these past days dahil na rin sa wala akong gustong kausapin. He crossed his arms and darted his sight sharply.

"Ah Joey sorry kasi ngayon lang ako naka"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla siyang nagsalita overpowering my voice.

"Sorry? Hindi ka nagpakita sa'kin for almost two weeks tas ngayon sorry?"

"Wag kang mag alala i'll work for my tardy days here. Tatrabahuin ko ang pagliban ko ng 2 weeks" mahina kong tugon.

"Are you even serious Caleb?" He is hysteric right now as if any moment pwede niya akong sapakin.

"Ano bang problema mo?" mahina kong tanong.

"Ikaw, ikaw ang problema dito" saad naman niya.

"Why are you acting like this?"

"Nawala ka ng dalawang linggo tas ako ang tatanungin mo?"

"E anong pakialam mo?"

"You should've tell me where the hell you've been"

"Bakit Tatay ba kita? Bat ka ba ganyan? Ano bang problema mo?" my intonation rises as I delivered those questions.

Bahagya siyang natahimik sa kanyang kinatatayuan. He stares at me emptily. His eyes were hard to decipher.

"Whatever you're doing stop it." mahina ang kanyang pagkakasabi sa mga salitang yon na nagpatahimik sa'kin. He squinted his sight sharply. Ni hindi ko magawang tingnan siya ng diritso.

Isang lungkot ang mababakas sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ko alam kong paano ko sasagutin ang kanyang huling sinabi. Naguguluhan ako kung bakit ganito ang ikinikilos niya. I feel so blank in this situation di ko alam kung anong iisipin ko sa mga ginagawa niya.

"Stop" mahina niyang tugon

"Stop - stop avoiding me Caleb"

Diritso siyang naglakad at nilampasan ako. I heard striking of the door as he went outside and then again he left me blank.

KAHAPON (BxB)Where stories live. Discover now