Chapter 20

2.5K 141 8
                                    

Mysterious Note

Nakabalik kami sa condo by 11 p.m. Dahil sa pagod ay pareho kaming bagsak sa sofa. Nahihilo pa ako hanggang ngayon dahil sa mga rides na sinakyan namin. Sinulyapan ko ang mukha ni Joey isang ngiti ang mababakas doon.

"I enjoyed this night, Thank you Caleb" at huminga siya ng malalim.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sayo" I replied back trying to relax my system.

Sa totoo lang hindi ko na alam kung paano ko masusuklian ang mga pagtulong niya sa'kin. Isa lang naman ang pinagkukuhanan ko ng pera yon ay ang mga raket ko at ang trust fund na iniwan sa akin ni lola. Yes I have my trust fund at laking pasalamat ko kay lola for securing my future. But I prefer working to pay for my whims kaysa gamitin ang fund na yon. Maliban don mga scholarship lang din ang inaasahan ko upang makapagaral ng maayos.

"For what? Ako nga ang dapat magpasalamat you made me so happy this night" sa'ad ulit niya. Muli ko siyang sinulyapan. Pinagmamasdan niya lang ang mga ilaw na tanaw mula rito.

"Sa lahat lahat" I said low.

Ngumiti lang siya sabay lingon sa akin. His eyes were too dark that I can see the moon on it.

"You're tired?" Tanong ko pa.

"Hindi gusto ko pa ngang ulitin yong gallion" pagbibiro pa niya.

Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa tuwing kausap ko siya. I feel protected everytime he's beside me. I wonder what mystery his carrying for me to feel this part.

"You better sleep may laro ka pa bukas" I said low.

"Good night Joey" tugon ko pa. I should really sleep baka ano pang mangyari and mostly we should be sleeping by this time.

Tumayo ako at naglakad na sa kwarto.

"Caleb" he calls my name.

"Salamat ulit, i'm happy I have you"

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Hinarap ko siya at umarteng casual lang ang lahat.

"Good night!" at ginawaran ko siya ng isang ngiti.

"Good night Caleb" he said. His voice deep and protective.

Dumiritso na ako sa kama hanggang sa dalawin na ako ng antok.

---

Nagising ako dahil sa matayog na sikat ng araw. I glanced at my phone to see the time for my wrist watch stops working again. The time projects 8. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas at diritso sa dinning area. My face quite messy. 

Pagkabukas ng pinto ay isang sticker note ang sumalubong sa akin na naka pikit sa baba.

"Eat your breakfast baby"

Agad kong pinulot ang sticker note.

Really? He made this?

I spread my gaze all over the room. Malinis naman ito. I wonder if what should I do today. Masyadong nakakabagot kung mananatili ako dito whole day sa condo. Pagdating sa kusina ay nadatnan ko ang isa pang sticker note.

"Manang can't come kaya I ordered pasta, eat well : )"

The emoji got me smiling. Agad kung kinuha ang takip sa lamesa. Isang pasta nga ang nandoon, toasted bread and some eggs. Umupo na ako at nagsimulang kumain. The pasta tastes great, it's creamy though kaya agad ko itong naubos.

Agad naman akong natungo sa banyo upang maligo. The water touching my skin warm, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kagabi. It was perhaps a memorable one. Napangiti nalang ako habang iniisip ang bawat detalye ng mga pangyayari.

KAHAPON (BxB)Where stories live. Discover now