Part 33

2.9K 100 1
                                    


Nakatitig pa rin ako sa pathway na iyon nang biglang may tumulak sa akin. Malakas. Nagulat ako kasi muntik na akong masubsob sa sahig. Mabuti na lang nakapagbalanse ako. Nakangiwi at inis akong lumingon para tingnan kung sinong tumulak sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang grupo ng mga babaeng estudyante, nasa anim sila, lahat matalim ang tingin sa akin. Ni hindi ko napansin na nakalapit sila sa akin!

"Hey you, we need to talk to you," sabi ng babaeng mahaba ang buhok at makapal ang makeup (pwede ba 'yon sa Richdale? Alam ko bawal). Nang hindi ako sumagot agad parang napikon siya, hinawakan ang braso ko at ubod lakas akong tinulak uli. Napilitan akong umatras hanggang marahas akong napasandal sa pader. "You're getting too full of yourself lately, transfer student," mayabang na sabi niya, humigpit ang hawak sa akin.

Parang nilamutak sa takot ang puso ko pero ayoko ipahalata sa kanila. Tinaas ko ang noo ko. "I don't know what you're talking about."

Naningkit ang mga mata ng babae, itinaas ang kamay at biglang sinabunutan ang buhok ko. Napatabingi ang leeg ko sa higpit ng hawak niya pero hindi ako nag-iwas ng tingin. "Ang yabang mo ah."

"Mukhang gusto niya talaga maturuan ng leksiyon, Emmy," sabi ng isang babae na kasama ng nakasabunot sa akin. "We've been hearing things about you, Kimchi Pineda. Tinatawag ka ng mga estudyante na The Matchmaker. You've been creating couples here and there. Pa-famous ka rin 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ako pa-famous."

"Deny pa siya, oh," sabi ng iba pang babae, malupit na tumatawa.

Naningkit ang mga mata ng tinawag na Emmy at humigpit pang lalo ang pagkakasabunot sa buhok ko. Kumunot ang noo ko, hinawakan ang wrist niya. "Bitawan mo 'ko." Lalo niyang hinila ang buhok ko. "Ouch! Ano ba?!"

"You know, bitch, hahayaan ka na sana namin kung nagpaka-matchmaker ka lang. Pero naglandi ka pa. Si Sushi at Kit pa ang tinatalo mo. Ang kapal mo masyado. Bago ka lang dito kaya hindi mo alam pero hindi puwedeng kung sino lang ang magiging girlfriend ng mga taga-Honors' Society. We will never allow it."

Nainis ako sa mga sinasabi ni Emmy. Hinigpitan ko ang hawak sa wrist niya, binaon ko ang mga kuko hanggang mapasinghap siya sa sakit at lumuwag ang hawak niya sa buhok ko. Saka ko inilayo ang kamay niya sa buhok ko.

"Stop talking about them as if they owe you something. Wala kayong karapatan diktahan sila kung ano ang puwede at hindi nila puwede gawin. Matatalino sila at may sariling pag-iisip. Kaya nila magdesisyon para sa sarili nila. Imbes na pinapakielaman niyo sila, focus on your own lives."

Namula sa galit ang mukha ni Emmy. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Tumaas ang kamay niya pero tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Sabunutan mo uli ako, gaganti ako." Oo ayoko ng away at iwas ako sa gulo. Pero hindi ako pinalaki ng parents ko para ibully lang ng ibang tao. I am so done being afraid. Hindi na ako papayag maging biktima. Si Kit Arden Yulo ang una at huling bully na magpapaiyak sa akin at magpaparamdam na wala akong kalaban-laban.

"Ha! Akala mo kaya mo kami?"

"Alam ko hindi. But I will not go down without putting up a fight. Lahat tayo mapapatawag sa principal's office at kayo ang mapapasama kasi pinagtulungan niyo ako."

"What? Magsusumbong ka ha?" sabi ng isa na biglang binalya ang balikat ko.

Gigil na tinulak ko siya. "Oo magsusumbong ako!"

"Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan babae ka!" Hinablot ni Emmy ang buhok ko. Hinablot ko rin ang buhok niya. Sumali na ang mga kasama niya, nakisabunot sa akin. "Stay away from Sushi!" tili nila. "He's already taken so stay away from him! Isang babae lang ang kinikilala naming girlfriend niya. Hindi kami papayag na may umaaligid sa kaniya habang wala si Angela!"

"What the hell are you doing?!"

Napahinto kaming lahat nang marinig ang galit na sigaw na iyon. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon. Si Sushi! Kasama niya sina Jace at Abe. Malalaki ang hakbang na naglalakad siya palapit sa amin, madilim ang facial expression. Kahit alam ko na hindi para sa akin ang nakikita kong galit sa mukha niya, kinilabutan pa rin ako.

Mukhang natakot ang mga bully kasi bigla silang lumayo sa akin, nanginig ang mga katawan at namutla.

Nakalapit na sa akin ang lalaki, inakbayan ako at hinila ako payakap. Tinitigan niya ang mukha ko, umangat ang isang kamay at hinaplos ang pisngi ko. Napangiwi ako kasi mahapdi iyon. Mukhang may tumamang kuko sa mukha ko kanina, hindi ko napansin.

"S-sushi. Sa Monday ka pa dapat papasok 'di ba..." sabi ni Emmy.

Lalong nagmukhang nakakatakot ang mukha ni Sushi nang dahan-dahang nilingon ang mga babae. Humigpit ang yakap niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa buong katawan niya.

"Good thing the principal called me over today. Mukhang gusto niyo akong makitang magalit," gigil na sabi ni Sushi.

Lalong namutla ang mga babae. In fact, tumakbo na palayo ang iba at naiwan na lang si Emmy at 'yung isa pang girl. "Importante talaga sa'yo ang babaeng 'yan?" Nakataas ang noong tanong ni Emmy.

"More than myself," mabilis at mariing sagot ni Sushi.

Nanlaki ang mga mata nila. "P-pero paano si Angela? Ipagpapalit mo siya sa babaeng 'yan? How could you?!"

Humigpit ang braso ni Sushi sa katawan ko. "It's none of your business so don't ever do this shit again."

Hinila niya ako palayo sa dalawang babae. Sumabay sa amin sina Jace at Abe.

"Richdale girls are out of control as always," naiiling na komento ni Abe.

Hindi pa rin nagsasalita si Sushi, ramdam ko pa rin ang galit na pilit niyang kinokontrol. Worried na hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Sinulyapan niya ako. "I'm okay."

Bigla siyang huminto maglakad at humugot ng malalim na paghinga. Tumunog ang bell, patunay na patapos na ang recess. Kailangan ko na bumalik sa classroom pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Mas lalong ayaw ko lumayo kay Sushi. Nagkatitigan kami.

"Sasabihin ko na nagpunta ka sa clinic, Kimchi," biglang sabi ni Jace. Napalingon kami sa kaniya. "May mga gasgas ka sa mukha at leeg. Gamutin mo. Ipapa-exuse kita sa next subjects. I'll tell the teachers you got a headache."

Ibinuka ko ang bibig pero naunahan ako ni Sushi magsalita, "Thanks Jace." Saka niya inalis ang pagkaka-akbay sa akin, pinaglingkis ang mga daliri namin at hinila ako palayo sa dalawang lalaki, sa opposite side ng senior high building.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora