Part 12

3.1K 108 0
                                    


PAGKATAPOS ng lunch break nagsimula ang presentation sa stage na inihanda ng lahat ng school organizations. Sa cafeteria nakasama na namin sina Kanna at Kevin. Si Shaira dumaan lang sa lamesa namin sandali at nagpaalam din agad kasi kasama raw siya sa aakyat sa stage para sa Visual Art club. Nang matapos na kami kumain at pumunta na sa harap ng stage area, lumapit naman sa amin sina Jace at Shawn kasi tapos na raw ang trabaho nila para sa Honors' Society at manonood na lang ng program.

Kumunot ang noo ko. "Nasaan si Sushi?"

Si Shawn ang sumagot. "We don't know. Bigla na lang siya nawala kanina nang sabihin ng Student Council president na wala na kaming trabaho para sa araw na 'to. Ni hindi nga siya sumama sa amin kumain ng lunch."

"Pero nasa Honors' Society office pa ang bag niya kaya siguradong nasa loob pa siya ng campus," sabi naman ni Jace.

Nginitian ako ni Raymond at tinapik sa balikat. "It's fine, Kimchi. Kahit noong junior high, may habit si Sushi na biglang nawawala. Hindi namin alam kung saan siya nagpupunta pero sa tingin namin kailangan lang niya ng oras na mag-isa."

"Okay," mabagal na nasabi ko na lang. Pero ang totoo nag-aalala ako. Saan nagpupunta si Sushi na kahit ang malalapit niyang kaibigan ay hindi alam?

Kaya sa kalagitnaan ng presentation ng baseball club, nag excuse ako sa kanila para pumunta kunwari sa banyo. Nilabas ko mula sa bag ang cellphone nang makalayo ako sa quadrangle. Hinanap ko ang pangalan ni Sushi sa contact list at nagdasal na sana hindi niya pinalitan ang number niya. Two years ago pa rin kasi noong huli kami magka-text at magkatawagan. So I hit the call button and was relieved when his phone rang. Matagal na tumunog lang iyon kaya akala ko dededmahin niya ang tawag ko.

Kaya napangiti ako nang marinig ang boses niya. Keri lang kahit iritableng "What?" ang naging pagbati niya sa akin.

"Nasaan ka?"

"Why?"

"Nasaan ka nga?"

Narinig kong marahas siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. "Nag lunch ka ba? Parang ang tamlay mo ah."

"I'm fine, Kimchi."

Nagsimula na ako maglakad. Sana may pagkain pa sa cafeteria. "Sabihin mo na kasi kung nasaan ka."

Bumuntong hininga na naman siya. "Sa likod ng library."

"Okay. Huwag ka aalis diyan ha."

Narinig ko na parang magrereklamo pa siya pero nag ba-bye na ako. Ibinalik ko sa bag ang cellphone at tumakbo papunta sa cafeteria. Mabuti na lang pala may event sa school ngayon kasi normally nagsasara na after lunch at magbubukas na lang uli bandang alas tres ng hapon. Wala na nga lang heavy meal pero at least nakakuha ako ng sandwich at drinks.

Nasa stage pa rin ang atensiyon ng lahat kaya wala ako nasalubong na tao nang magpunta ako sa building na nagsisilbing library ng Richdale Private High School. May kadikit na matataas ding gusali sa magkabilang gilid ang library at sa ilang beses na pagpunta ko roon sa nakaraang mga linggo alam kong walang daanan sa loob papunta sa likod niyon. So lumapit ako sa isang side ng building. Makipot ang daan, dalawang tao lang yata ang kasya. Tumingin muna ako sa paligid at nang walang makitang tao ay pumasok ako doon.

Nagulat ako kasi mas maluwag kaysa akala ko ang likuran ng library building. Malinis din, malilim at presko kahit tanghali dahil sa mga puno at halamang nakatamin padikit sa mataas na pader na bakod ng campus.

"Hindi mo na kailangan pumunta dito."

Lumingon ako sa isang panig nang marinig ko ang boses ni Sushi. Nakaupo siya sa sementadong flower bed na wala namang lupa at bulaklak at nakasandal sa pader. Tinitigan ko ang mukha niya. For the first time since we became classmates, he doesn't look irritated when he looks at me. In fact, mas obvious ang pagod sa mukha niya.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERWhere stories live. Discover now