Part 20

3K 100 1
                                    


NASA biyahe na kami pauwi sa bahay namin nang biglang manginig at manghina ang buo kong katawan. Bumalik sa isip ko ang mga lalaking nasiguro kong estudyante rin ng Richdale. Napahawak ako sa braso ko na mariing hinablot kanina ni Kit Arden Yulo, may bakas pa ng kamay niya roon. Uminit ang mga mata ko at parang nilalamutak ang sikmura ko. Delayed reaction pero... shocks nakakatakot 'yon!

Kumurap ako nang maramdamang inakbayan na naman ako ni Sushi. Pero this time hinila niya ako padikit sa tagiliran niya at magaan na pinisil ang balikat ko. Napatingala ako sa kaniya. Seryoso ang facial expression niya at deretso ang tingin sa harapan ng UV Express na sinasakyan namin. Pero alam ko base sa marahang pagbaba ng kamay niyang nasa balikat ko pahaplos sa braso ko na kinakalma niya ako kahit hindi siya nagsasalita. At unti-unti, umepekto ang pang-aalo niya. Nawala ang panginginig ng katawan ko at kumalma ang kanina ay parang nilalamutak kong sikmura. Hindi na rin ako naiiyak.

Humilig ako sa balikat ni Sushi, bumuntong hininga at bumulong nang, "Thank you."

Tumango siya. Ngumiti ako. At nanatili kaming ganoon hanggang kinailangan na namin bumaba kasi nasa tapat na kami ng subdivision namin. Akala ko hanggang gate lang niya ako ihahatid. Nagulat tuloy ako na sinamahan niya ako maglakad pauwi sa mismong bahay namin, bitbit pa rin ang eco bag ng mga pinamili namin ni Jason kanina. Tahimik lang kami pareho. Hindi na siya nakaakbay sa akin pero isang pulgada lang ang pagitan naming dalawa at paminsan-minsan nagtatama ang mga braso namin sa kada hakbang.

I am used to the comfortable silence between us. Sanay din ako sa physical contact kasi magkasama na kami maliliit pa lang kami. So why does the silence and the barely there touch of our skin feels kinda different now? Hindi ko ma-explain kung paanong iba pero iyon talaga ang pakiramdam ko.

Pilit ko pa rin inaanalisa ang feelings ko nang maramdaman kong bumagal ang paglalakad ni Sushi. Tiningala ko siya. May tinitingnan siya sa kabilang side ng kalsada. Curious na sinundan ko ng tingin ang nakakuha sa atensiyon niya. Napahinto ako at napangiti nang makita ang malaking playground na kasalukuyang walang katao-tao. Alanganing oras kasi at malamang nasa loob ng kani-kanilang bahay ang mga bata. Ibig sabihin ngayon lang ako magkakaroon ng chance na makapuwesto sa swing.

"Kimchi, saan ka pupunta?" gulat na tanong ni Sushi nang magsimula ako tumawid ng kalsada papunta sa playground.

"Na-miss ko 'to eh." Lumingon ako sa kaniya at tipid na ngumiti. "Palagi tayo dito noong mga bata pa tayo hanggang elementary 'di ba?"

Bumuntong hininga si Sushi at nagsimula na humakbang palapit din sa playground. Tinalikuran ko siya at lumapit sa dalawang swing. Umupo ako sa isa at marahang inugoy ang sarili. Pinanood ko lang siya habang inilalapag ang gym bag at eco bag sa isang iron bench.

"Bakit nasa mall pala kayo kanina?" curious na tanong ko.

Pumihit siya paharap sa akin at nagsimula maglakad palapit. "We do kickboxing every weekend."

Nagulat ako. "Kailan pa?"

"Since two years ago."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingala kasi imbes na umupo siya sa bakanteng swing ay tumayo si Sushi sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang iron chain kaya huminto ako sa pag-ugoy. Ang nangyari na-trap ang magkadikit kong mga binti sa pagitan ng mga hita niya. Ganoon siya kalapit na nakatayo sa harap ko. Pagkatapos niyuko niya ako. Nagtama ang mga paningin namin. Sumikdo ang puso ko at ang naramdaman kong kakaiba kanina sa tuwing nagbubunggo ang mga braso namin, bumalik na naman. Iyong feeling na para akong kinakabahan na ewan. "B-bakit mo 'ko tinitingnan ng ganiyan?" Shocks, kahit boses ko biglang humina at nanginig. So weird.

"Okay ka na ba talaga?" seryosong tanong ni Sushi.

Kumurap ako. Narealize ko na naiisip pa rin niya ang naging reaksiyon ko kanina sa UV Express. Pinilit kong ngumiti. "Okay na ako. Medyo na-shock lang ako kasi first time nangyari sa akin 'yon. Pero huwag ka mag-alala. I'm not that weak. At mabuti na rin na na-experience ko 'yon kanina. At least now, mas magiging maingat na ako. Hindi ko na hahayaang mapunta ako sa ganoong sitwasyon."

Ni hindi kumukurap si Sushi habang nakatitig sa akin, para bang sinisiguro na nagsasabi ako ng totoo. Mayamaya huminga siya ng malalim at nakahawak pa rin sa iron chains sa magkabilang side ng swing na bigla siyang tumalungko sa harapan ko. This time siya naman ang nakatingala sa akin at ako ang nakayuko sa kaniya. Pero mas malapit na ngayon ang mga mukha namin sa isa't isa.

"I'm glad I saw you on time," pabuntong hiningang sabi niya. Para bang nanghihinang yumuko siya at idinantay ang noo sa mga tuhod ko. Na-disorient ako sa biglang pagpapakita ni Sushi ng emosyon. Sa nakaraang buwan kasi, kahit na nag-uusap na kami, ramdam ko pa rin na guarded siya. "It was a good thing that we were there. Na nagkataong pauwi na rin kami. Kung hindi... wala ako para tulungan ka."

Uminit ang mga mata ko at touched na ngumiti. Magaan na hinaplos ko ang buhok niya at sinuklay iyon ng mga daliri ko. This is the first time since our fight two years ago that I allowed myself to touch him this way. Naramdaman ko na na-tense siya sa ginawa ko pero hindi kumilos, tahimik akong binibigyan ng permiso na ipagpatuloy ang paghaplos ko sa kaniya.

"Kung wala ka roon para tulungan ako, I'm sure mapapansin naman siguro kami ng guard o kung sino na tutulong para hindi nila ako mahila papunta sa kung saan."

Umiling si Sushi. "I don't think so. Puwede nila sabihin na away teenager lang 'yon at na magkakilala talaga kayo. Mapapatunayan nila 'yon kapag hiningan kayo ng I.D. Those guys are from Richdale too. At alam mo kung anong gagawin ng guard kung sakali? Palalabasin lang kayo ng mall para hindi kayo sa loob makagawa ng eksena. Adults can be indifferent when it doesn't concern them, you know? Then what will happen afterwards? Those guys will be able to do what they want to you. Naiisip ko pa lang... nagsisisi na akong hinayaan ko silang makaalis na walang galos."

Kinilabutan ako nang maimagine ko ang mga sinabi niya. Huminga ako ng malalim at pabiro na lang na nagsalita, "Tapos na 'yon. Okay na ako, 'di ba? I'm just so lucky that you are at the right place at the right time. You have perfect timing."

Ilang segundong hindi kumibo si Sushi bago ko naramdaman sa tuhod ko ang buntong hininga niya. Mayamaya nag-angat na siya ng mukha at tiningnan ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang relaxed na ang hitsura niya kahit papaano. Nakaangat pa nga ang gilid ng kanyang mga labi. It was the first ghost of a real smile I saw on his face for a very very long time.

Ngumiti ako. Bago ko pa namalayan nawala na sa buhok niya ang kamay ko at napunta na sa nakaangat na gilid ng mga labi niya. "Lawak-lawakan mo naman. Ngayon mo na nga lang ako ngingitian, tipid pa."

Sumimangot si Sushi. Natawa ako. Umiling siya at tumayo na. "Tara na nga sa inyo."

Tumayo na rin ako, mas magaan na ang pakiramdam kaysa kanina. Nang mabitbit niya ang ecobag at gym bag saka ko naalala ang tungkol sa hobby niya na ngayon ko lang nalaman.

"Masaya ba mag kickboxing?" tanong ko nang naglalakad na kami ulit.

"Yes."

"Mabuti pinayagan ka nila ninong. 'Di ba delikado ang sparring 'non?"

"May protective gear kami kapag nag iisparring. Besides, si dad ang nag suggest na subukan ko ang kickboxing. He said it will help release my pent-up aggressions and it will relax me."

"Hmm...so, effective ba?"

Mukhang nag-isip naman si Sushi at saka nagkibit balikat. "I guess so."

Nakarating na kami sa gate ng bahay namin. Tiyempong kalalabas lang ni manong mula sa garahe kaya nakita niya kami agad. Umaliwalas ang mukha ng matanda at mabilis kaming pinapasok. Tuwang tuwa ang driver namin na nadalaw daw si Sushi. Katunayan na-stuck sila sa labas ng pinto kasi hindi matapos-tapos ang usapan nila. Narinig kong sinabi ng kababata ko na hindi na siya magtatagal at uuwi na. Sumabat na ako sa usapan.

"Mamaya ka na umuwi. Tulungan mo muna ako sagutin ang mga tanong sa math workbook natin. Ang dami pina-assignment ni sir eh."

Napalingon sila sa akin. Naniningkit ang mga mata ni Sushi habang si manong naman ngumisi at tinapik ang balikat ng una. "Sige na, dito ka muna."

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon