Part 24

2.9K 98 2
                                    

BUMALIK kami ni Kanna sa field pero hindi na kami sumali sa mga nagpapractice. Magkatabi na lang kami sumalampak ng upo sa isang panig, naghihintay na mag alas sais para makauwi na kami. Ilang beses kami napansin ng mga ka-team namin pero nang sabihin kong hindi na namin kaya at pagod na kami, hindi na nila kami ginulo at hinayaan na lang. Siguro kasi mukha talagang masama ang pakiramdam namin. Sabi pa nga ni Eunice, namumutla raw kami.

Yakap ko ang mga tuhod ko at kanina ko pa pilit kinakalma ang sarili pero nanginginig pa rin ang buong katawan ko at halos hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin mapigilan mapalingon kada minuto sa direksiyon ng gymnasium.

"S-should we tell the teachers?" mahinang tanong ko kay Kanna.

Umiling siya at yumakap din sa mga tuhod. "Mas lalaki ang gulo kapag nalaman ng teachers. Hindi lang 'yung mga bully ang mapapagalitan, pati sina Sushi at Jace."

Nakagat ko ang ibabang labi. Kasi ayoko mapatawag sa principal's office si Sushi dahil lang tinulungan niya kami. Paungol na sumubsob ako sa mga tuhod ko at mariing pumikit. "Ano ba kasing sinasabi ng Kit na 'yon? Bakit isinisisi niya sa Richdale ang pagiging bully at rule breaker niya?"

Ilang segundo bago sumagot si Kanna. "Hindi ko sinasabi na tama siya ng ginagawa pero may point ang mga sinabi niya kanina."

Umangat ang mukha ko at gulat na nilingon ang kaibigan ko. Nakatitig siya sa field, sa mga estudyanteng naglalaro pa rin ng sports kung saan sila nakalista. "Totoo na hindi patas ang school administration dito. Pero kung tutuusin halos lahat naman ng school ganoon. Students are ranked based on their grades and accomplishments. Kapag may napatunayan ka o genius ka o achiever ka, maganda ang pakitungo sa'yo ng school. Kita mo naman ang privileges na meron ang members ng Honors' Society."

"But I think they deserve their privileges," pagtatanggol ko kina Sushi. "Pinaghihirapan nila 'yon. Si Jace at iba pang athletes na member ng Society ay araw-araw na nagpapractice para makapagbigay sila ng karangalan sa Richdale. Ang mga academic scholars, sigurado ako na doble ang effort nila sa pag-aaral. They do their best so they deserve to be recognized."

Tumango si Kanna. "Tama ka naman. Pero paano 'yung normal na estudyante lang? They also need to be encouraged so that they can do their best. Pero hindi ganoon dito. I am a great observer remember? Marami akong nakikita na hindi napapansin ng iba. Sa faculty naririnig ko mag-usap ang teachers. Mas focused sila sa mga likas na talagang matatalino at talented. They don't really pay attention to normal students. Para sa kanila, sapat nang nagbabayad ang mga estudyante ng pagkamahal-mahal na tuition at hindi gumagawa ng bagay na makakasira sa reputasyon ng school.

"Tapos alam mo ba na mula noon hanggang ngayon, mga lalaki lang ang qualified maging member ng Honors' Society? Ganoon din sa student council at ang lahat ng president at vice president positions ng clubs at sports teams. Samantalang ilang taon nang coed ang Richdale. Hindi ba unfair 'yon?"

Na-bother naman ako sa sinabi ni Kanna. Tama siya, unfair nga. Pero sapat bang idahilan na unfair ang sistema para maging masamang tao? Para mam-bully at manakit ng iba? Para magrebelde, magbisyo at lumabag sa rules imbes na gumawa ng paraan para may mabago kahit papaano?

Biglang tumunog ang school bell. Kasunod niyon ang announcement na oras na para umuwi ang mga estudyante at na kailangan iligpit at dalhin sa storage area sa gymnasium ang mga ginamit na bola at kung anu-ano pa. Tumayo na kami ni Kanna.

"Anyway, ano na kayang nangyari sa kanila?" mahinang tanong niya.

"Itetext ko nga," worried na sabi ko. Lumapit ako sa bench kung saan namin inilapag ang mga bag at kinuha ang sa akin. Pagkatapos mabilis ko nilabas ang cellphone ko at nagpadala ng maiksing mensahe kay Sushi.

Akala ko hindi siya magrereply. Kaya sumikdo ang puso ko nang matanggap ko ang sagot niya. We're at the back gate.

Napahinga ako ng malalim at hindi nagdalawang isip na tumakbo. "Kanna! Mauuna na ako umalis ha? Pakisabi na lang sa iba."

"Saan ka pupunta?" gulat na tanong niya.

Kumaway lang ako pero hindi na sumagot. Binilisan ko na lang ang takbo at hindi huminto hanggang marating ko ang backgate. Mukhang nakapagbilin na si Sushi kasi nang makita ako ng guard ay binuksan niya agad ang maliit na gate at pinadaan ako. Nagpasalamat ako sa may-edad na lalaki at saka tuluyang lumabas ng Richdale campus.

Madilim na at kahit maluwag ang kalsada doon ay bihira may dumaang sasakyan. Nakita ko sina Sushi at Jace na nakatalungko pasandal sa pader, sa parte na hindi naiilawan nang nakabukas na street lamps. Mabilis ang tibok ng puso ko habang lumalapit sa kanila at parang nilamutak ang sikmura ko nang makitang may sugat at pasa na ang mga mukha nila. Madumi rin ang school uniforms nila. Halatang nakipagaway.

Uminit ang mga mata ko nang tumalungko sa tabi ni Sushi. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ko ang pisngi at gilid ng mga labi niya. Ngumiwi siya, halatang nasaktan. Mariin akong napapikit.

"I'm fine. Stop making that face," mahinang sabi niya. Pagkatapos naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko, magaang pinisil ang mga iyon bago inilayo sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim at dumilat. "Nasaan na sila?"

"Tumakbo na," sagot ni Jace. "May nakarinig na teachers sa amin pero nakatakas kami bago mahuli. Malamang nakalabas na ng campus ang mga 'yon."

"Dapat yata ireport ko na lang sila tutal ako ang hinaharass nila eh – "

"Don't," mariing putol ni Sushi sa sinasabi ko. "Lalo lang lalaki ang gulo. Besides, naturuan na namin sila ng leksiyon."

"Anong leksiyon ang sinasabi mo diyan eh puro kayo sugat at pasa!"

Umangat ang gilid ng mga labi ni Jace at kumislap sa katuwaan ang mga mata na ngayon ko lang nakita. "Maniwala ka sa'kin mas marami silang sugat at pasa kompara sa amin ni Sushi."

Kumunot ang noo ko kasi narealize ko na nag-enjoy si Jace sa naging rumble. Ibinaling ko na lang tuloy ang atensiyon sa kababata ko na titig na titig sa mukha ko. "Hindi ka na nila guguluhin. I made sure of it."

May init na humaplos sa puso ko. Nawala ang kunot ng noo ko at pabuntong hiningang tumango na lang. "Itetext ko na si manong para dito tayo sunduin. Sumabay ka na sa akin umuwi, okay?"

"Kina Jace ako matutulog ngayong gabi," sabi ni Sushi. "My parents will ask questions if they see me like this."

Sabagay. Sigurado magwo-worry sina ninong at ninang kapag nakita nilang ganito ang hitsura si Sushi. Hindi rin siya puwedeng sa amin makitulog kasi mangungulit din ang parents ko. Natahimik kaming tatlo. Bigla naalala ko ang mga sinabi ng lalaking Kit ang pangalan. Saka 'yung napag-usapan namin ni Kanna.

"Do you think our school administration is unfair to the students?" tanong ko.

"Life is unfair. Hindi lang school administration," sagot ni Sushi.

"Marami ring tao ang unfair. Hindi lang sa ibang tao kung hindi pati sa mga sarili nila," komento naman ni Jace.

"What is important is howyou deal with it," dugtong ng kababata ko. "Are you going to let the unfairnessbring you down or will you fight and prove yourself? Gagawin mo ba 'yongmotivation o gagawin mong kadena na palagi humahatak sa'yo kaya hindi kamakausad?"

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERWhere stories live. Discover now