Part 21

3K 104 8
                                    


Bumuntong hininga si Sushi at pumayag din sa wakas. Natutuwang hinablot ko ang braso niya at hinila na papasok ng bahay.

Dumaan muna kami sa kusina para manghingi sa dalawang kasambahay namin ng merienda. Pagkatapos umakyat na kami sa kuwarto ko. Isasara ko na sana ang pinto nang mabilis niya akong pigilan. "Leave the door open."

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Naningkit ang mga mata ni Sushi. "Just do it."

Bumuntong hininga ako at napipilitang hinayaan na bukas ang pinto. "Makakalabas ang lamig mula sa aircon eh. Bawal ako mag-aksaya ng kuryente kasi magagalit si mommy."

"Believe me, mas maba-bother siya kapag nagsara ka ng pinto." Tumalikod na siya sa akin at iginala ang tingin sa kuwarto ko. "Your room no longer looks like a doll house."

Ginala ko rin tuloy ang tingin ko sa paligid. Light pink at white ang kulay ng pader. Kama, vanity table, study table at dalawang silya lang ang furniture. Ang tanging disensyo lang doon ay ang ilang framed posters ng stage plays na napanood ko na kasama ang parents ko. Kuntento akong ngumiti. I really like the minimalistic interior of my room now. Malayo na sa hitsura niyon noong bata pa ako na punong puno ng laruan at ang mga kurtina at bedsheet ay puro ruffles.

"Pinarenovate namin 'to last year. Suggestion ni daddy since na-outgrow ko na ang stuff toys at Barbie. Dinonate ko sa orphanage lahat ng laruan ko."

Tumango si Sushi at saka umupo sa gilid ng kama paharap sa akin. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng kuwarto, nakatingin lang din sa kaniya. Bigla parang naging kakaiba ang katahimikan. The slight nervousness I felt when we were walking a while ago came back.

"Nasaan na ang math workbook mo?" tanong niya.

Kumurap ako at relieved na ngumiti. "Oo nga pala." Lumapit ako sa study table at umupo sa silyang nasa tabi niyon. Kinuha ko ang math workbook at binuksan iyon sa chapter na kailangan namin sagutan. "Sinubukan ko magsagot ng problem kagabi pero hindi ko alam kung tama eh. Saka kung ako lang mag-isa baka hindi ko matapos lahat ng tanong hanggang bukas. Alam mo naman nahihilo talaga ako sa numbers at symbols. Hirap ako ma-gets kahit anong gawin ko." Nilingon ko si Sushi na tumayo na at hinila ang isa pang silya palapit sa akin. Nginitian ko siya. "Ikaw lang ang kaya makapagpaintindi sa akin ng math formula eh. Hiyang ako sa teaching method mo."

Umupo siya sa tabi ko, sobrang lapit na nagkadikit ang mga hita at binti namin. Then he stretched his arm against the back of my chair as he leans over my workbook. "Patingin nang nasagutan mo na."

Kumurap ako, tumikhim at inusod palapit sa kaniya ang workbook. Ni wala pang isang minuto niya inalisa ang solution at answer ko. "The first two are correct. The third one should be like this..." Kumuha siya ng lapis sa pen holder ko. "Scratch paper." Agad kong ibinigay ang hiningi niya. "Now listen and look carefully."

"Yes, sir."

Napatingin siya sa akin, nakataas ang kilay. Ngumisi ako. Umiling siya pero umangat naman ang gilid ng mga labi nang itutok ang atensiyon sa scratch paper. Sandali pa, tinuturuan na niya ako sagutin ang mga tanong sa workbook. Totoo ang sinabi ko sa kaniya kanina na madali ko maintindihan kapag siya ang nagpapaliwanag. In fact, mula pa noon, kapag si Sushi ang nagtuturo sa akin narerealize kong interesting naman pala talaga ang math. Hindi lang kasi isang solution ang tinuturo niya sa akin, minsan may naiimbento siyang shortcut na iisa pa rin ang sagot na lalabas. Simple at madali rin intindihin ang pagpapaliwanag niya.

Mayamaya may pinasagutan siya sa aking problem at tuwang tuwa ako nang tama ang maging sagot ko. Napapalakpak pa ako saka nakangiting tiningnan si Sushi. Nahuli ko ang munting ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa akin. "Is it fun?"

Tumango ako. Amazed. "Paano mo nagagawa 'to, Sushi? How can you make math fun for me? Hindi nagagawa 'to ng mga naging teacher ko."

Kumislap ang mga mata ni Sushi. "Nasa arrangement ng problems ang sikreto. You see, solving mathematical problems is like gambling in a way. Kapag may nasasagot kang mahirap na problem, masarap sa pakiramdam 'di ba?"

"Yup."

"Pero kung palagi mo naman nasasagot ng tama at nadalian ka masyado, mabo-bore ka. Kung masyado namang mahirap lahat ng problem at wala ka masagot kahit isa, mafu-frustrate ka. So ang sikreto ay i-arrange ang math problems in a way na paminsan-minsan makakasagot ka ng mahirap na problem, just enough para mag enjoy ka at ma-excite na mag solve ulit. So like gambling, if you can solve a hard problem sometimes, you can experience the taste of winning. Iyon ang nakaka-hook."

Napanganga ako at manghang napatitig kay Sushi. "You should become a math teacher. Marami kang matutulungang bata. Promise."

Natigilan siya at sandaling parang hindi alam kung paano magre-react. Pagkatapos bigla niya ginulo ang buhok ko. "I'll keep that in mind. Now for the next problem..."

Nagpatuloy kami sa pag-aaral. Nag-break lang kami sandali nang dalhan kami ng meryenda. Nagkuwentuhan sandali tungkol sa mga parents namin, sa play na gagawin ng drama club para sa Richdale Foundation Day at sa Sports Day na gaganapin three weeks from now. After thirty minutes, balik math workbook na kami. But this time, we make ourselves comfortable. Nangalay na ako sa pag-upo kaya dumapa na ako sa kama. Si Sushi naman sumalampak ng upo sa sahig at nakatukod ang mga braso sa gilid ng kama, pinapanood ako mag solve ng math problems at paminsan-minsan tinuturuan ako.

Hindi na namin namalayan ang oras. Kaya pareho kami nagulat nang may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Sabay kami lumingon. Nakasilip sina mommy at daddy, parehong ngiting ngiti. Nanlaki ang mga mata ko at napabangon. "You're home na?!"

Niluwagan nila ang bukas ng pinto. "Alas siyete na nang gabi. Hello, Sushi," nakangiti pa ring sabi ni mommy.

Tumayo ang kababata ko at lumapit sa parents ko. Nagmano siya sa kanila. "Late na po pala. Baka hinihintay na rin ako sa amin."

"No. Stay for dinner. Tatawagan ko ang parents mo para alam nilang nandito ka," sabi ni daddy. "Ang tagal mo na hindi napapasyal sa amin eh."

"Let's go, Kimchi. That's enough studying for today. Nakahanda na ang pagkain sa dining room," sabi naman ni mommy.

Nagkatinginan kami ni Sushi. Ngumiti ako. Pagkatapos nagulat ako nang bigla siyang gumanti ng malawak na ngiti. Sobrang saglit ko lang nakita kasi sumama na siya agad sa parents ko palabas ng kuwarto. Naiwan tuloy ako mag-isang nakatayo roon, nakanganga at manghang mangha. Pakiramdam ko nakasaksi ako ng isang himala.

"Kimchi! Halika na!" sigaw ni mommy.

Saka lang ako natauhan at mabilis na ring lumabas ng kuwarto.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERWhere stories live. Discover now