Part 15

3.1K 111 18
                                    


EKSAKTONG isang buwan mula nang magsimula ang klase nang bigla kong narealize na matutupad na yata ang pangarap kong true-to-life love story.

"Kimchi, may gagawin ka ba after ng club activities mamayang hapon?"

Napahinto ako sa pagsubo sana dahil sa tanong na iyon ni Raymond. Nasa cafeteria ako at mag-isang kumakain ng lunch kasi nautusan ng teacher sina Eunice at Kanna at parehong nasa faculty room ngayon. Nagmamadali ako kaya hindi ko na inabalang makipagchikahan at tumabi sa ibang girls na kilala ko. Mas maaga kasi magsisimula ang meeting namin sa Drama club ngayon.

Malapit na ako matapos kumain nang biglang umupo sa tabi ko si Raymond, huminga ng malalim, humawak sa batok at nahihiyang ngumiti. Saka niya ako tinanong ng ganoon. Ibinaba ko ang kutsara at pinakatitigan ang guwapo niyang mukha. "Wala naman akong gagawin. Bakit?"

Tumikhim siya, namula ang mukha pero halatang natuwa sa sagot ko. Lumawak kasi ang ngiti niya. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. May humagod na excitement at anticipation sa katawan ko. Lalo na nang magsalita siya uli. "Then, can you go out with me after school? Hang out in a coffee shop just outside the campus or something?"

Napanganga ako at napahawak sa sikmura. Para kasing may mga paru-parong nagliliparan doon. "Tayong dalawa lang?"

Nahihiya siyang ngumiti. "Yes."

Uminit ang mukha ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Oh my, is he asking me for a date? Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling ngumisi na parang luka-luka. Ayoko magbago ang isip niya. Tumikhim ako. "Okay."

Nanlaki ang mga mata ni Raymond at relief na tumawa. "Really?" Nakangiti akong tumango. "Great! Text mo ko kapag tapos na ang club activity niyo ha? Kita tayo sa school gate. Sige na ituloy mo na ang pagkain mo. Kailangan na ako sa tennis court. See you later, Kimchi."

Pagkatapos, kung gaano siya kabilis dumating ganoon din siya kabilis umalis. Ako naman naiwang ngiting ngiti.

KAYA pala mas maaga kami pinapunta sa Drama clubroom ngayong araw ay dahil magpo-produce pala kami ng isang play. Romeo and Juliet. Ipapalabas three months from now, sa annual Foundation Day ng Richdale Private High School. Nang iabot sa amin ng club president naming si Gideon ang script, nagulat ako na kasing kapal iyon ng normal na notebook. Manghang binuklat ko iyon habang nakikinig sa instruction ni Gideon.

Ibang level din pala gumawa ng school presentation ang Richdale. Full-length play talaga na may kasamang intermission. Wala pang schedule para sa audition ng casts pero uunahin na raw namin simulan ang preparations para sa set design at kung anu-ano pang pre-production stuff. Kaya nagkaroon ng botohan para sa committee leaders at pinapili ang mga natirang members kung saan gusto sumali. Nagdesisyon akong maging part ng Communications and Promotions Committee, kasama ang gay friend slash classmate kong si Jason. Ang committee namin ang incharge sa pakikipagusap sa ibang clubs na puwedeng tumulong para sa production namin. Kami rin ang naka-toka sa posters, tickets at kung anu-ano pang promotions. Nagkaroon lang ng maiksing meeting para gumawa ng schedule of activities pagkatapos na-dismiss na rin kami.

Tinext ko si Raymond. Nagreply siya kaagad. Muntik na ako mapatili sa sobrang kilig at excitement. Nagpaalam na ako agad sa mga ka-org ko at mabilis nang lumabas. I feel so giddy that I'm almost skipping as I walk.

"Anong nangyayari sa'yo?"

Bigla akong napahinto at lumingon nang marinig ang boses ni Sushi. Naglalakad siya ilang metro ang layo mula sa likuran ko. Bitbit na ang bag kaya malamang uuwi na rin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ngumisi ako, hindi na kayang sarilinin ang nararamdaman. Kaya nawala sa isip ko ang napagkasunduan naming 'distansiya' kapag nasa school kami. Pumihit ako paharap, tumakbo at nang makalapit ay mahigpit na niyakap ang braso niya. "Sushiiiii."

"What?" gulat na tanong niya pero hindi naman inilayo ang braso mula sa akin.

Tiningala ko siya at ngumisi. "Ininvite ako ni Raymond lumabas ngayon. We are going to hang out somewhere. Iyong malapit lang dito sa school. It's a date, right? Sushi, anong gagawin ko? I think he likes me too."

Napatigil ako sa paghagikhik nang mapansin kong sobrang tahimik si Sushi. Parang na-tense din ang buong katawan niya. Nagtatakang napatingin ako sa mukha niya. Seryoso na kasi ang facial expression niya. He looks... upset. "Sushi?"

Bago pa siya makapagsalita may narinig kaming ingay mula sa building kung saan ako galing. Mga estudyante na nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Kumurap ang kababata ko at sa isang iglap nakalayo siya sa akin. "Siguruhin mo na alam ng parents mo at ng sundo mo kung saan ka pupunta. Don't make them worried and don't stay out late." Pagkatapos mabilis na siya naglakad palayo, umakto na namang hindi kami magkakilala.

Kumunot ang noo ko, nagtaka sa naging reaksiyon niya. Pagkatapos tumunog ang cellphone ko. Nag text si Raymond, tinatanong kung nasaan na ako. Napangiti na ako uli at mabilis nang naglakad.

"I'M SURE nagtataka ka kung bakit bigla kita inaya lumabas. I'm sorry if this is so sudden. Gusto lang kasi talaga kita makausap na tayong dalawa lang."

Sinubukan ko huwag ipakita na masyado akong masaya at excited. Nakaupo kami sa two-seater table ng starbucks na walking distance lang mula sa Richdale Private High School.

Nginitian ko si Raymond. "Okay lang, 'no. Saka masaya ako kapag kasama kita."

"Masaya rin ako kapag kasama kita Kimchi."

Kinilig ako. Lumawak ang ngiti. "Talaga ba?"

"Yes. Actually, mula elementary sa Richdale na ako nag-aaral. Since then all my friends are male. Sure I can talk to the opposite sex just fine but this is the first time that I really got along well with a girl. Iba ka talaga, Kimchi. Umpisa pa lang, komportable at palagay na ang loob ko sa'yo. I feel this connection between us... as if I can tell you everything. Alam mo 'yon?"

Lalo akong kinilig. Bumilis din ang tibok ng puso ko kasi may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata ni Raymond. Oh my, is he about to confess to me? Teka lang... ready na ba ako? At ano ang isasagot ko kung sakali?

"Close naman tayo, 'di ba, Kimchi? Hindi lang naman ako ang nakakaramdam nito?" Sunod-sunod akong tumango. Ngumiti siya at relieved na bumuntong hininga. "Thank you. So... ano, may sasabihin ako sa'yo. Promise hindi mo ipagsasabi muna sa iba?"

Shocks. This is it! Kumuyom ang mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko. Lumunok ako bago nakangiting nagsalita, "Anong sasabihin mo?"

Tumikhim si Raymond. Namula ang mukha pero hindi nagbaba ng tingin. "Hindi ko pa nasasabi 'to kahit kanino. You see, I really, really like..." Nahigit ko ang hininga. "...Eunice."

Kumurap ako. "Ha?"

Ngumiwi siya at humawak sa batok. "I like Eunice."

Parang nilamutak ang sikmura ko at uminit ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya. Hindi ako ang gusto ni Raymond. Si Eunice. Masyado lang akong assuming. Shocks, this is so embarrassing!

Mukhang hindi niya napapansin ang nararamdaman ko kasi nagsalita na siya ulit. "Ang totoo, enrollment pa lang interesado na ako kay Eunice. She was with her mom that day so I didn't get a chance to talk to her. Kaya natuwa ako nang pagpasok ko sa classroom nakita ko na classmate ko pala siya. Nang batiin ko kayo for the first time, kinakabahan talaga ako 'non. Kasi mukhang hindi siya komportable sa boys at fangirl pa siya ni Sushi. That's why I am very thankful to you, Kimchi. You make people around you feel at ease. Masaya ako na naging kaibigan kita at na kaibigan ka rin ni Eunice."

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERWhere stories live. Discover now