Part 1

13K 202 26
                                    

a/n: hi! i already posted this story before but i unpublished it. ipo-post ko na uli ito. out na po sa mga bookstore ang story na ito kaya kung makikita niyo po ang book version, i hope you can grab a copy. :")


"KIMCHI PINEDA! Gising na. It's six in the morning already. May general assembly kayo ng seven thirty, remember? Gusto mo bang ma-late sa unang araw ng klase?"

Napabangon ako pagkarinig ko sa boses ni mommy mula sa labas ng kuwarto. Napangiti at mabilis na umalis sa kama. "Gising na po ako!"

Hindi na ako kailangan pilitin bumangon kasi kahapon pa ako excited pumasok sa school. Kagabi pa nga nakahanda ang bago kong school uniform at ilang beses ko sinigurong nakalagay sa bag ang lahat ng school things ko.

Thirty minutes lang ang lumipas nakaligo at nakapagbihis na ako. Nasuklay at na-blow dry ko na rin ang buhok ko, nakapaglagay ng face powder at nakapag lipgloss na rin. Saka ako lumabas ng kuwarto ko, bumaba ng hagdan at naglakad papunta sa kusina. Malayo pa lang ako, naririnig ko na ang mga boses ng parents ko mula roon. Ngumiti ako at naging maingat ang paghakbang para hindi nila ako marinig. Pagkatapos dahan-dahan akong sumilip sa kusina.

Naging ngisi ang ngiti ko kasi tama ako ng hinala. Naglalambingan na naman sila na parang mga teenager. Pareho na silang nakabihis, nakahanda na para sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho. Nakaakbay si daddy kay mommy, may ibinubulong na kung anong nagpapahagikhik sa huli.

Matagal na pinagmasdan ko lang sila. Kinikilig. Naiinggit. Kasi gusto ko rin makakilala ng isang tao na magiging partner for life ko. I want to have a strong and loving relationship with someone. I want to fall in love.

Sixteen years old pa lang ako pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng ganito. Paano naman, lumaki akong napapalibutan ng pag-ibig. My parents are a match made in heaven. Sayang nga lang at nag-iisang anak lang ako. Nagkaroon kasi ng problema sa matris si mommy kaya kahit anong subok nila, hindi na ako nasundan. Alam ko na ikinalulungkot nila na hindi na sila magkaanak. But they filled that whole in their hearts with so much love for each other. Katunayan kapag naririnig ko silang nagtatawagan ng 'Babe', kinikilig ako.

Tapos ang step-brother pa ni daddy na si tito Albert, mula pa noon hanggang ngayon araw-araw pa rin na parang nanliligaw sa asawa niyang si tita Iza. Kapag tumatambay ako sa bahay nila para makasama ang pinsan kong si Mickey, palagi may uwing bouquet of flowers at chocolates si tito Albert para kay tita. Pagkatapos madalas namin sila nahuhuli na nagyayakapan at nagki-kiss.

And then there are also my favorite Godparents. Si ninong Iggy at ninang Anicko. Hay, hindi ko pinagsasawaan pakinggan ang love story nila. Una raw sila nagkakilala nang mag transfer sa high school ni ninang si ninong Iggy. Umpisa pa lang daw naramdaman na ni ninang na iba si ninong sa lahat ng mga kaedad nilang lalaki. Pero kahit na pareho pala nilang first love ang isa't isa, hindi raw sila nagkaaminan at nagkarelasyon noong mga estudyante pa lang sila. Matagal daw sila nawalan ng communication after high school graduation at nagkita lang noong twenty nine years old na sila. Saka lang daw nadugtungan at natuloy ang love story ng Godparents ko.

Kahit ang mga business partners slash best friends ng mommy ko, may masasayang married life. Nagkaisip ako na palaging sinasama sa once a month social gathering ng mga nakatatanda kaya nakita ko ang dynamics ng isang masayang relasyon.

Kung ang ibang bata fairytale ang binabasa para sa kanila, ako kuwento ng pag-ibig ng adults sa paligid ang naririnig ko hanggang paglaki. Sa mga kuwento nila, parang ang sarap-sarap ma-in love.

Kaya mula pa noon pangarap ko na magkaroon ng love story na katulad ng sa parents ko. Na-hook din tuloy ako sa pagbabasa ng romance novels na patago ko pa binabasa noong elementary ako. Hanggang ngayon, hindi ako tumitigil sa pagbabasa. Umaasa ako na balang araw, matatagpuan ko rin ang sarili kong true love.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora