Part 25

3.1K 109 2
                                    


PINAGMASDAN ko silang dalawa. "Hindi niyo ba sinasabi 'yan kasi nasa tuktok kayo ng school hierarchy?"

Tumaas ang mga kilay nila habang nakatitig sa akin. "Siguro sa tingin ng ibang estudyante ang sarap ng buhay namin. But we struggle everyday too," sagot ni Jace.

Tumitig sa kadiliman si Sushi, kumibot ang mga labi na para bang ayaw sana magsalita pero hindi rin nakatiis. "Nakakaranas din kami ng unfair treatment, Kimchi. Hindi ba unfair na masyadong mataas ang expectations ng lahat sa amin? Hindi ba unfair na hindi kami puwede magkamali o mapagod o magsawa sa ginagawa namin dahil lang sa tingin ng matatanda ay sinasayang namin ang potential namin?"

Napanganga ako at napatitig sa mukha ng kababata ko. Nakikita ko ang pait sa kislap ng mga mata niya. Suddenly, the change in him for the past years started to make sense to me. Bigla ako na-guilty kasi ako dapat ang unang nakapansin ng rason kung bakit bigla siyang naging tahimik at naging rebellious. Now I know that the term 'genius' slowly became a burden for him.

Uminit na naman tuloy ang mga mata ko. "Sushi... are you getting tired of math?"

Sinulyapan niya ako at marahang umiling. "I'm getting tired of people pushing their opinions and judgements on me."

Ibinuka ko ang bibig kasi gusto ko pa siya magpaliwanag pero nasilaw kami ng liwanag mula sa headlights nang paparating na sasakyan. Sinundan iyon ng pamilyar na busina.

"Ayan na ang sundo mo," sabi ni Sushi na tumayo na. Ganoon din ang ginawa ni Jace na nag-inat pa, parang hindi galing sa bugbugan. Inilahad ng kababata ko ang mga kamay at walang pagdadalawang isip na inabot ko ang mga iyon.

Humigpit ang hawak ko sa mga kamay niya. "Magiging okay ba kayo kina Jace? Hindi magagalit ang parents niya kapag nakita ang mga hitsura niyo?"

"Don't worry," singit ni Jace at nahimigan ko ang pait sa tono niya.

"We will be fine," sagot naman ni Sushi. "Ikaw? Okay ka na ba? I know they scared you."

Ngumiti ako at tumango. Pero alam naming pareho na hindi pa talaga ako okay. Huminga siya ng malalim, binitawan ang isang kamay ko para haplusin ang buhok ko. "Kapag hindi ka makatulog mamaya, text or call me. Understand?"

"Okay."

Huminto na sa tabi namin ang kotse at ibinaba ni manong ang bintana sa passenger's seat. "Sushi? Sasabay ka ba pag-uwi?"

Hindi humarap ang kababata ko at napangiwi. Narealize ko na ayaw niya ipakita kay manong na may sugat at pasa ang mukha niya. Kaya mabilis ko pinisil ang kamay niya at saka bumitaw. Mabilis akong pumasok sa kotse. Sumilip ako sa labas, sandaling nagpaalam kina Sushi at Jace at saka isinara ang bintana para hindi na sila masyadong mabistayan ng matandang lalaki. "May gagawin pa po sila manong. Hinatid lang nila ako dito sa labas. Tara na po."

Mukhang nagtataka si manong pero hindi na nagtanong. Nakahinga ako ng maluwag, umayos ng sandal at tumitig sa labas ng bintana.

HINDI ako masyado nakakain ng dinner. Nagtaka ang parents ko at halatang nag worry pero sinabi ko na lang na napagod ako sa dami ng ginawa namin sa school. So nagpaalam akong matutulog na. Mabuti na lang pinayagan ako. Kasi ang totoo, hindi ako makalunok ng maayos kasi nagi-guilty ako.

Sa buong buhay ko kasi, ngayon pa lang ang pangalawang beses na may nangyari sa akin na hindi ko sinabi sa kanila. Pero alam kong hindi ko puwede sabihin sa kanila ang tungkol sa Kit na iyon. Kasi hindi puwede malaman ng parents ko na nakipag-away si Sushi dahil kung sakali siguradong makakarating kina ninong at ninang iyon. I don't want to get him in trouble.

Sinubukan ko na lang matulog para mawala ang guilt na nararamdaman ko. Kaso nang humiga naman ako at pumikit, bumalik sa isip ko ang nangyari kanina. Naramdaman ko na naman ang mahigpit na hawak ng Kit na iyon sa braso ko. Nakita ko na naman nang lumapit ang mukha niya sa akin na halos nararamdaman ko na ang hininga niya sa balat ko. Pero this time, parang bangungot na naglalaro sa isip ko ang what ifs. What if hindi dumating si Sushi? Anong plano gawin sa akin ng lalaking iyon?

And then the next thing I knew I was already crying. Lahat ng takot at pagkataranta na naramdaman ko kanina, ngayon lang lumabas. Ilang minuto lang bigla nang tumunog ang cellphone ko. Gulat na hinablot ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin nang ganoong oras. Lalo lang ako naiyak nang makita ang pangalan ni Sushi sa screen. Sinagot ko ang tawag at inilapit ang gadget sa tainga pero imbes na hello ay hikbi ang naging bati ko sa kaniya.

"Sinasabi ko na nga ba umiiyak ka ngayon," pabuntong hiningang sabi ni Sushi mula sa kabilang linya. "You were really scared, right? I'm sorry you have to go through something like that."

Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Hindi na siya uli nagsalita pero alam kong nasa kabilang linya pa rin siya habang umiiyak ako. "I didn't know I'm such a crybaby. Masyado yata talaga akong lumaking sheltered kaya kaunting takot lang naiyak na ako," pasinghot na sabi ko.

"Kahit sino matatakot sa nangyari, Kimchi. Pero sana huwag iyon maging dahilan para ma-trauma ka. Instead, make that experience a fuel for you to become stronger. Can you promise me that?"

Huminga ako ng malalim, pinahid ang mga luha at saka nagsalita, "I promise."

"At mas maging maingat at alerto ka na. Huwag ka basta magtitiwala sa hindi mo kilala at kapag sa tingin mo may gagawin silang hindi maganda, umiwas ka at tumakbo kung kailangan. Okay?"

"Okay."

"Good."

Napangiti ako. "Thank you ha."

"What for?"

"For making me feel better. Mula noong mga bata pa tayo, alam na alam mo kung paano pagagaangin ang loob ko. Bago pa ako maging aware sa sarili kong nararamdaman, ikaw alam mo na agad."

"Natural. We grew up together after all. Besides, you are an open book, Kimchi. You wear your heart on your sleeves. Hindi ka mahirap i-figure out," balewalang sagot ni Sushi.

Naging malungkot ang ngiti ko. "Oo nga, lumaki tayong magkasama at akala ko rin kilalang kilala kita. But today I realized that there are a lot of things I don't know about you, Sushi. Halimbawa, hindi ko alam ang nararamdaman mo sa nakaraang mga taon. Hindi ko alam ang totoong dahilan kaya bigla kang naging guarded. I didn't know that you were silently suffering on your own. Gaano pa karaming sikreto ang hindi mo sinasabi sa akin?"

Hindi sumagot si Sushi pero naririnig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. Mayamaya parang may ibang nagsalita mula sa side niya, si Jace siguro, bago ko narinig ang boses ng kababata ko. "I have to go. Matulog ka na."

"Okay. Goodnight Sushi."

"Goodnight."

Natapos ang tawag at ibinalik ko sa lamesa ang cellphone. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Bumuntong hininga ako at pumikit. Sandali pa, nakatulog na ako.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERWhere stories live. Discover now