Part 7

3.5K 104 0
                                    

FIRST TIME namin nina Kanna at Eunice na magpunta sa main cafeteria na matatagpuan sa gitnang bahagi ng school campus. May mga baon kasi kami kahapon. Nagulat pa nga ako na pare-pareho kaming may dalang pagkain. Katulad ko pala, habit din nila iyon na nabitbit nila mula sa junior high days nila. Pinagdikit namin kahapon ang mga arm chair namin at masayang kumain.

Pero nang dumating sina Raymond pagkatapos nila magrecess at naabutan kaming kumakain, bigla nila kami kinantiyawan. Hindi raw namin kailangan magbaon kasi kasama sa binayaran sa tuition ang pagkain sa cafeteria. Kailangan lang daw kumuha ng food stub sa staff na in charge kapag recess time. Kaya nagdesisyon kaming hindi magbaon sa araw na ito.

Na shock kami nang makita kung gaano kalaki ang cafeteria. Halos kasing laki ng auditorium kung saan kami nagkaroon ng assembly. Mataas ang kisame at airconditioned pa. Malalaki ang lamesa na maluluwag ang espasyo sa isa't isa kaya kahit maraming estudyante hindi masikip tingnan. Mahaba man ang pila ay marami din namang staff na nag a-assist kaya mabilis kami nakakuha ng pagkain.

Hawak ang tray, iginala ko ang tingin sa paligid para humanap ng mapupuwestuhan. May nakita ako sa bandang gitna, pinakamaluwag ang space at may katabi pang water dispenser. Higit sa lahat, habang nagsisiksikan ang ibang estudyante sa ibang lamesa ay wala ni isang nakaupo sa part na iyon ng cafeteria. Tinuro ko ang isang lamesa kina Kanna at Eunice. "Mukhang maganda ang puwesto na 'yon oh. Wala pang nakaupo kahit isa!"

Humakbang kami palapit doon pero bago pa man namin mailapag ang tray na bitbit namin sa lamesa ay may bigla na nagsalita sa likuran namin.

"Reserved ang mga lamesa d'yan."

Gulat na lumingon kami. Isang magandang babae na nakasuot din ng senior high uniform ang kumakausap sa amin. Matangkad siya, maputi, maganda at parang model ang pangangatawan. Maganda rin magdala ng sarili kasi kahit magulo ang buhok niyang nakabalunbon sa tuktok ng ulo, ang cool pa rin niya tingnan. May itinuro siya at sinabing, "Doon lang puwede kumain ang girls."

Tiningnan ko ang itinuro niya. Sa pinakadulong bahagi ng cafeteria, malapit sa restroom, may dalawang magkadikit na mahabang lamesa. Malayo sa aircon, malayo sa water dispenser at halos siksik na siksik na sa pader. Doon nakapuwesto ang mga babaeng estudyante, halos magkakadikit na ang mga silya para lang magkasya. Magkahalong junior at senior high pa kung pagbabasehan ang uniporme.

"Parang wala nang bakante para sa atin eh," nagtatakang sabi ni Eunice.

"Samantalang dito maluwag pa naman," sabi naman ni Kanna.

"Bago lang kayo sa Richdale 'no?" Bumalik ang tingin naming tatlo sa magandang babae. Tumango kami. "Kaya pala hindi niyo pa alam ang mga unwritten rules dito sa school na 'to. Here at Richdale Private High School, the best things are always reserved for the Honors' Society."

"Honors' Society? Ano 'yon?" nagtatakang tanong ko. Kasi wala naman sa brochure 'yon at mas lalong hindi ko narinig sa assembly.

"Upo muna tayo. Baka matapos na ang recess time na hindi pa tayo nakakakain. I'm Shaira, by the way."

Mabilis na nagpakilala rin kami. Pagkatapos lumapit na kaming apat sa lamesa na mas masikip pala tingnan sa malapitan. Mabuti na lang may mga tapos na kumain at umalis kaya nagkaroon kami ng puwesto. Sa silya na paharap sa buong cafeteria ako pumuwesto. Tumabi sa akin si Shaira habang nasa harap naman namin sina Eunice at Kanna.

"So what made you enter Richdale?" biglang tanong ni Shaira sabay kagat sa sandwich na hawak niya.

Nagkatinginan kaming tatlo. Si Eunice ang unang nagsalita, "Mataas ang ambisyon ko pagdating sa edukasyon. Gusto ko ang fact na sobrang advanced ang lessons dito sa Richdale. Pero aaminin ko na hindi afford ng pamilya ko ang tuition dito. But then I heard na nag ooffer sila ng scholarship grants. Nag exam ako at nakapasa. I am currently a one hundred percent scholar here."

Namangha ako. Ang talino pala ni Eunice!

"Ako ang parents ko ang gusto na dito ako mag enroll," sabi naman ni Kanna pero hindi na nagbigay ng detalye. Mukhang nailang din siya kasi nakatutok ang tingin niya sa kinakain.

"Eh ikaw, Kimchi?"

Sinabi ko ang dahilan na sinabi sa akin nina daddy, minus Sushi. At dahil likas akong usyusera, hindi ko rin naiwasan magtanong kay Shaira. "Ikaw, bakit ka dito nag-aaral?"

Nagkibit balikat siya. " Nandito na ako since grade seven but I still have no idea. Ang alam ko lang, kung mabibigyan ako nang isa pang chance, sa ibang school ako mag-aaral."

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Kanna.

Kumagat at ngumuya muna ng sandwich si Shaira bago sumagot. "Hindi ko gusto ang hierarchy sa Richdale. In this school, even if it is already coed, the boys still rule. Iyong ibang girls siguro ayos lang sa kanila at binabalewala ang mga simpleng patunay na mas pinapaboran ang mga lalaki dito kaysa sa mga babae. Palibhasa 'yung ibang mga rich heiress hindi naman talaga pag-aaral ang intensiyon kaya nandito. Naghahanap sila ng future boyfriends or lifetime partners na kauri nila.

"Alam niyo naman na ninety percent ng mga estudyante rito ay lalaki. Hindi lang basta mga lalaki kung hindi mga galing pa sa mga prominente at mayamang pamilya. And out of those high calibre guys, there are those we call the elites. Sila 'yung hindi lang mataas ang level ng pisikal na anyo, achievers din sa extracurricular activities nila at nasa top rank palagi ang grades. Sila ang Honors' Society. At bilang members ng society na 'yon, marami silang privileges. Isa na roon ang reserved seats sa pinakamagandang part ng cafeteria at pagkain na hindi hamak na mas masarap at mamahalin kaysa normal."

Nagkatinginan na naman kami nina Eunice at Kanna. Hindi ko alam na may ganoon palang klase ng school org sa Richdale.

Mayamaya nagkaroon nang kakaibang ingay at excitement sa loob ng cafeteria. "Ah. Speaking of them," sabi ni Shaira na may itinuro. Lumingon kaming tatlo sa entrada kung saan may grupo ng mga lalaking estudyante ang naglalakad papasok.

Suminghap si Eunice. "Oh my God. I know a lot of them," mahina at sabik na bulong niya.

"Hindi na ako nagtataka," bored na sagot ni Shaira at maingay na sumipsip sa juice na hawak niya. "Sports celebrities, academic geniuses, artists at kung anu-ano pa ang members ng Honors' Society. Meron pa sa kanila na anak ng mga kilalang personalidad. Kaya kung mahilig ka sumunod sa blogs, websites at high society articles, siguradong makikilala mo sila."

Nakasunod pa rin ang tingin ko sa mga bagong dating kaya nakita ko nang hindi na sila pumila at dumeretso na nang upo sa pinakamagandang puwesto sa cafeteria. Ang mga staff, nag-astang waiter at inasikaso sila. Ibang iba ang treatment sa kanila kaysa sa ibang mga estudyante.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Shaira. Nakikinig ako sa kaniya pero hindi itinigil ang pag oobserba sa special table na iyon. Hindi lang ako ang nakatingin. Halos lahat ng estudyante sa cafeteria napunta na sa kanila ang atensiyon.

"So anyway, ang hierarchy ng student body sa Richdale ay ganito; top of the food chain ang members ng Honors' Society. Pangalawa sa hierarchy ang the rest of the boys regardless kung achiever at good students sila o hindi. Ang pinakamababa at least priority sa school na ito ay ang girls. Display lang tayo dito. Pampaganda lang. Unang example na 'tong sa cafeteria. Eventually makikita niyo rin ang iba pang simpleng rules dito na unfair para sa ating mga babae. Kahit coed na ang Richdale, ang pinaka-core pa rin ng values, rules at kung anu-ano pa rito, pang boys' school pa rin."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang ideya na may gender unequality sa school. At malamang hindi rin matutuwa ang parents ko. Kung alam lang nila malamang hindi nila ako ieenroll dito. My parents have been telling me since I was young that every person on earth is equal and that his or her value does not depend on their sexuality or race. Kaya lumaki akong ganoon din ang paniniwala.

Aalisin ko na sana ang tingin sa lamesa ng Honors' Society nang mapansin ko ang tatlong lalaking bagong dating. Masayang binati ng mga nakapuwesto na roon at binigyan agad ng silya. Sina Shawn, Jace at... Sushi.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERWhere stories live. Discover now