Part 16

2.9K 116 8
                                    


Bigla bumalik sa isip ko ang nakaraang mga linggo. Ang mga ngiti at pagbati ni Raymond. Ang madalas niyang pagsama sa amin kumain kapag recess. Ang palagi niya paglapit sa row namin para magtanong ng kung anu-ano o kaya para makipagkuwentuhan lang. Lahat ng signs na interesado siya romantically... hindi pala para sa akin kung hindi para kay Eunice.

Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko. Nagbaba ako ng tingin. God, this is so embarrassing. Gusto kong lumubog na lang sa kinauupuan ko. Napaka-assuming ko!

"Dahil magkasama na kami sa tennis club, lalo lang lumalim ang feelings ko para sa kaniya, Kimchi. Kinakausap na rin niya ako ngayon pero madalas ramdam ko pa rin na naiilang siya sa akin. Tulungan mo naman ako sa kaniya, please."

Gulat na napatingin ako sa mukha ni Raymond. "G-gusto mong maging matchmaker niyo ako, ganoon?"

Nahihiya siyang ngumiti. "Okay lang ba?"

Ouch naman. Hindi yata talaga niya ako nakita bilang isang possible romantic interest. Ni hindi niya naramdaman na crush ko siya. Kasi kung nasa radar niya ako, hindi niya hihingin ang tulong ko na ilakad siya kay Eunice.

"Please, Kimchi?" Pa-cute pa ni Raymond. Pinagdikit ang mga palad na parang nagdadasal. "Ikaw lang talaga ang makakatulong sa akin. Please, friend?"

Muntik na ako mapangiwi. Pagkatapos pabuntong hininga akong sumandal kasi bigla na-drain ang energy ko. Malamya na lang akong ngumiti. "Okay. Tutulungan kita."

Umaliwalas ang mukha ni Raymond at ngumisi. "Really? Thank you, Kimchi!"

"Pero hindi ako sobrang mangingielam ha? Tutulungan lang kita na magkaroon kayo ng chance makapag-usap somewhere na kayong dalawa lang. Ikaw pa rin ang dapat magsabi sa kaniya ng nararamdaman mo. Deal?"

Tumango siya. "Deal. Thank you talaga Kimchi. Your support really means a lot to me."

Muli, malamyang ngiti ang sagot ko. Sandali pa siya nagkuwento tungkol kay Eunice bago biglang may nag text sa kaniya. Ngumiwi siya. "Pinapabalik ako sa tennis club. Nasaan ang sundo mo? Ihahatid kita sa kaniya."

"Huwag na. Sinabi ko na sa sundo ko na nandito ako sa Starbucks. Dito ko na lang hihintayin. Thanks for offering, anyway."

"Okay. See you in class tomorrow, Kimchi."

Pilit akong ngumiti at tumango. Malamya pa akong kumaway sa kaniya hanggang makalabas siya ng coffee shop. Hindi ko napapansin noon pero ngayon nakita kong dere-deretso siyang naglakad palayo, hindi lumingon kahit isang beses lang.

"Ugh." Yumukyok ako sa lamesa at mariing pumikit. Hindi pa ako nakuntento, sa sobrang pagkapahiya ko ginulo ko pa ang buhok ko para matakpan ang mukha ko. Nakakaiyak.

Bigla naramdaman kong may lumapit sa puwesto ko, hinatak pa ang silya na okupado ni Raymond kanina at mukhang umupo pa. Dumilat ako at inis na sinilip kung sino ang dumating. Gulat na napaderetso ako uli nang makita si Sushi. "Anong ginagawa mo rito?"

"You're really stupid," sabi niya imbes na sagutin ang tanong ko. "Bakit ka pumayag na tulungan siya sa kaibigan mo? You like him too."

Ngumiwi ako. "Narinig mo lahat?"

Nagkibit balikat siya. "Nauna ako sa inyo dito." Inilapag niya sa harapan ko ang isang bote ng soymilk na hindi ko napansing hawak pala niya kanina. Pagkatapos kinuha niya ang papercup ng café latte na halos hindi ko pa nababawasan. Nakadalawang simsim lang yata ako doon. "You don't even drink coffee. Bakit ka umorder nito?"

"Ginaya ko lang ang order niya." Pagkatapos namasa ang mga mata ko kasi narealize ko na sinadya ni Sushi magpunta sa coffee shop kasi alam niyang doon kami magkikita ni Raymond. Kasi kahit hindi niya aaminin, nag-aalala siya sa akin. "Alam mo na si Eunice ang gusto niya umpisa pa lang, 'no?"

Umayos ng sandal si Sushi, uminom muna ng café latte ko bago tumango. "We know his feelings. Masyado siyang obvious. Kahit may ongoing class palagi siyang nakatitig kay Eunice. And in my opinion, the feeling is mutual. Palagi rin lumilingon sa row namin ang kaibigan mo lalo na nitong nakaraang mga araw. Si Raymond lang ang hindi nakakapansin na may gusto sa kaniya ang babaeng gusto niya kasi hindi nagkakasabay ang pagtitig nila sa isa't isa."

Nanlaki ang mga mata ko. "S-sigurado ka ba? Pero ang alam ko ikaw ang tinitingnan ni Eunice. First day pa lang ng klase hayagan na niyang sinasabi na fan mo siya."

"Idolizing someone is different from romantically liking someone, Kimchi. Alam ko na utak ko ang hinahangaan ng kaibigan mo. She likes Math. Kaya nga akala ko sasali siya sa club namin. Pero sa tennis club siya sumali. Isn't that another sign that she likes Raymond?"

Napanganga ako at napahawak sa magkabilang pisngi. Kasi may sense ang sinasabi ni Sushi. "I didn't notice that they like each other. Akala ko talaga..." Uminit ang mukha ko at namasa na naman ang mga mata ko. Isinubsob ko ang mukha sa mga palad ko. "Akala ko ako ang gusto niya. Friendzoned lang pala ako. Ang sakit pala ng ganito, Sushi."

Narinig kong marahas siyang bumuntong hininga. "At least, nalaman mo habang crush pa lang ang nararamdaman mo para sa kaniya. Your heart is still safe. Kasi kung nagkataong higit pa sa crush ang nararamdaman mo hindi lang ganiyang sakit ang mararamdaman mo ngayon, Kimchi."

Huminga ako ng malalim, pilit kinalma ang sarili at saka inalis ang mga palad sa mukha ko. Hindi na nagsalita si Sushi, uminom lang ng café latte. Kaya binuksan ko na lang din ang bote ng soymilk at uminom. Matagal na namayani ang komportableng katahimikan sa pagitan namin. Mayamaya ako rin ang hindi nakatiis at nagsalita, "Salamat na nandito ka. You made me feel better."

"Nagkataon lang na gusto ko magkape bago umuwi. It's just a coincidence that you chose a table near mine."

Ngumiti ako. "Sabi mo eh."

Sumimangot si Sushi. Palibhasa alam niyang alam ko na nagdadahilan lang siya. "So, anong plano mo para sa kanilang dalawa?"

Nawala ang ngiti ko at bumuntong hininga. "Ano pa nga ba? Nakapangako na ako. Saka pareho naman pala silang may gusto sa isa't isa. So I will help them get together. They are my friends and I want them to be happy."

"At ikaw? Paano ka?"

Pilit akong ngumiti. "Mag mo-move on, ano pa ba?"

Umiling si Sushi. "Hindi ka pa rin nagbabago. People pleaser ka pa rin."

"What's wrong with trying to please the people that I like?"

"Well, right now I guess nothing is wrong. Pero kapag dumating ang panahon na masasaktan at maaagrabyado ka na bilang kapalit, mali na 'yon. So don't try to please anyone if you are going to get hurt in the process, Kimchi. Understand?"

Malawak akong ngumiti. "Oo na po."

Tumaas ang mga kilay ni Sushi pero hindi na nagkomento. Natahimik kami uli at inubos ang mga iniinom. Mayamaya narinig ko ang busina sa labas ng Starbucks. Lumingon ako at nakitang naroon na ang sundo ko. Tumayo na ako. "Tara na, uwi na tayo."

Tumayo na rin si Sushi. Kinuha niya ang bag ko at isinukbit iyon sa balikat niya. "Let's go."

Nagtatakang umagapay ako sa paglalakad niya. "Wala kang dalang bag?"

"May locker kami sa office ng Honors' Society. Anyway, bilisan mo na maglakad bago pa may makakita sa atin na taga Richdale."

Ay, oo nga pala. Napatakbo ako palapit sa kotse at mabilis na sumakay sa backseat. Tamang shock na sa akin ang malamang hindi ako ang gusto ni Raymond. Ayokong pumasok kinabukasan para lang makuyog ng mga babaeng may gusto kay Sushi. After all, may dalawang tao pa akong tutulungan magkasabihan ng feelings bukas.

MISADVENTURES OF A MATCHMAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon