Chapter 6: Saving Grace

Start from the beginning
                                    

Ang mga sinabing iyon ni Krista. Pagpapaalam na pala iyon na magsosolo na ito.

Na iiwanan siya nito sa ere.

Na aagawan.

That movie. That movie became Krista's biggest break. Mula sa pelikulang iyon, marami nang kumuha kay Krista bilang magkontrabida katrabaho ang mga sikat na direktor at artista, hanggang sa tuluyang nagkaroon na ito ng mga lead roles.
.
.
Nagkatitigan muna silang dalawa bago nauna ang babaeng nasa kanyang harapan.

"Congrats on your new movie," ngisi ni Krista. Maarteng nakataas ang isang kamay, nakalahad ang palad sa gilid. Her black hair was tied in a half-ponytail. Natural na alon-alon iyon. Hanggang likod ang haba. Seksi rin ang babae sa suot nitong halter neck dress na pink.

There was a dramatic silence.

"Pwe," timing na timing na sagot niya rito, may kakambal na ngiti sa kanyang mga labi. Bree was making herself look so sweet right now.

"Come on, Bree," hilig nito ng ulo, "don't ruin your only break by messing with me again. You wouldn't want your first to be the last."

She just smiled. "As far as I remember," chin-up niya para pababa ang ibigay na tingin dito, "Divinagracia is my first break. This is the second."

Napailing ito. Pumeke ng tawa na para bang akala nito ay hindi niya mahahalatang peke.

"You wouldn't want me to end your beginning career too soon, Bree."

"Krista," mahigpit na pagitan ng manager ni Krista sa pag-uusap nila, "huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa babaeng iyan."

Pareho nilang dinedma ito.

"Sounds like you're threatened. Kaya ba gusto mong tapusin agad? Threatened ka?"

Napalis ang ngisi nito. Nagtitimpi na lang si Krista sa kanya.

"Remember the party two weeks ago?" paalala niya. "Hindi lumabas sa balita ang away natin dahil akala nila ikaw ang nagpasimula," ngisi niya. "Thank God, the press loves you, but that's enough proof who's a better actress among us."

Alam ni Bree na siya iyon. She's the better actress. Dahil siya talaga ang naunang sumugod ng away kay Krista n'un. All she needed to do was drop herself on the floor and let Krista take the upper hand in the end, para ito ang mahuli ng mga tao na nananakit sa kanila.

"Let's go, Krista," hawak ng manager sa braso nito. Tinabig iyon ni Krista.

Lalong nainis ang babae sa mga sinabi ni Bree. Her teeth clenched.

"Let's see about that now!" sugod nito sa kanya.

Nataranta na ang PA at manager ni Krista. Nakisali ang mga ito para pigilan ang dalaga.

"I'll fire you both if you stop me!" gigil na banta nito sa dalawa na sumuko agad.

Nawala na ang ngiti ni Bree nang hablutin siya ni Krista sa braso. Sasabunutan na sana siya nito nang may humarang na kamay.

Napatingin siya sa lalaki na nasa likuran. He was intimidatingly tall and neat in his white barong. Semi-kalbo ang lalaki na may malakas at matikas na pangangatawan.

"Who are you? Let me go!", Krista shrilly demanded.

"Ma'am, bilang parte ng security team ng network, we need to make sure maayos ang lahat."

Binitawan na nito si Krista. "That girl!" turo nito. "She started it!"

Napangisi si Bree. Poor Krista. Nahuli sa maling timing kaya hindi na naman paniniwalaan.

"I just tried to protect myself! She's definitely starting trouble here!"

Napunta sa kanya ang matiim na titig ng guard. "Miss Bree, sumama po kayo sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Bakit ako lang? Isama mo rin siya!" turo niya kay Krista. "Siya ang unang nanakit!"

He firmly held her arm. "Sumama na lang po kayo, Ma'am."

"No!" pagpupumiglas niya habang hila-hila na ng lalaki.

Halos magpakaladkad na siya rito dahil hindi matanggap ng pride niya na nakasunod ng tingin sa kanya si Krista at ngiting-ngiti habang naka-ekis ang mga braso. Awa naman ang nasa mga mata ng PA. Walang emosyon naman ang manager ni Krista.

"Bitawan mo ako!" panlalaban niya sa humihigpit na kapit ng lalaki.

Siyang liko nila sa walang katao-taong hallway.

"Makicooperate ka naman, Ma'am. Mahihirapan akong dalhin ka kay Senator kung ganyan ka," anito sa mababang tono.

"Senator?" gulat niyang titig rito.
.
.
NAPAHALUKIPKIP SI BREE. Buti naman at tapos nang magkwento ang bodyguard ni Virgo na si Greg kung ano ang nadatnan nito kanina. Natagalan kasi ang lalaki sa kanila kaya nang-usisa.

Pagkasara ng pinto, inokupa na ni Greg ang driver's seat. Magkatabi naman sila ni Virgo nang umandar ang kotse.

"Bakit mo ako sinundo?" hindi pa rin siya makapaniwala at naiinis. "Siguradong may nakapansin na pumasok ako rito sa kotse mo!"

"Don't worry. This is a different car. Hindi ito 'yung gamit ko kapag oras ng trabaho, so no one is familiar with this," tanaw nito sa bintana, nakapanlalaking de-kwatro ang lalaki sa suot nitong blue jeans at polo shirt.

Oh, God, humahapit sa katawan ng lalaki ang kasuotan. Sigurado ba sila na nasa forties na ang lalaki? Nakakatakam pa rin kasi ang katawan. Ma-muscle. Ma-ugat. Matigas sa tamang mga parte. He looked sexier and deadlier in casual clothes. Tinatago ng formality ng mga suit ang kamandag ni Virgo na nilalabas ng mas kaswal na kasuotan.

Bree looked away. Heto na naman siya at pinagpapantasyahan si Virgo. She never looked at any politician this way-- in a sexual way.

But Virgo?

"Bagong gupit din si Greg. Next time he brings you to me, I'll make him wear a wig as disguise."

They heard Greg's groan of protest. That made Virgo chuckle.

"How could you be so relaxed?" lingon niya rito.

"Why are you not?" ganti ng lalaki. He sexily grinned. "Should I make you feel relaxed?" dampot nito sa kandong niyang pouch.

"Virgo," agaw ni Bree sa sariling pouch, "ano ba?"

"We'll have no controversies, alright?"

"Make sure of that," lingon niya sa bintana. "I want to be safe."

Dahil hindi ako makakapayag na makita ulit ang ngiting-tagumpag ng Krista na iyon.

"I want to be safe," he grinned. "Says the woman who always put herself into trouble."

"Bakit mo ba ako pinasundo?" harap niya ulit dito.

"I just want to warn you about Jordan," biglang pagdidilim ng anyo nito. He impulsively searched for the cigarette in his chest pocket.

"Who's that?"

Sinubo na nito ang stick.

"Nothing special," he muffled before lighting it up.

"Don't smoke," saway niya rito.

"If you'll kiss me, I'll stop. Kailangan ko lang naman ng mahihithit."

"Wala ako sa mood," nabubunton pa rin niya kay Virgo ang inis kay Krista. "May guesting ako ng five P.M."

"Then," buga nito ng usok kaya nagpaypay siya ng kamay, "I'll put you in the mood."

Makahulugan ang titig nito na nasalo ng mga mata ni Bree.

SlideWhere stories live. Discover now