Chapter 5: Rivalry

Start from the beginning
                                    

Tawang-tawa na si Virgo sa loob-loob niya. Jordan really had a lot to learn…

"Invited to what? To your orgy?" sarkastiko niyang saad.

"You are always welcome to participate."

Lumuwag ang ngisi niya. "I never warmed up to that freaky idea. Gusto ko na ako lang ang sentro ng atensyon. Sorry to disappoint you."

Nasuklay nito paitaas ang buhok. "Damn, that's Bree!" eksaherado ang pumalit na excitement sa mukha ng pinsan. "Bree Capri! Alam ko, papalit-palit siya ng lalaki, okay? Pero paano mo-- paano… paano mo--"

"Who told you I'm with Bree?" paniningkit ng mga mata niya.

Jordan laughed nervously. "Eh… Oh well…" Nang makita na wala siya sa mood makipagbiruan, sumeryoso na ito. "Look," tatapik na naman ito sa balikat niya. Umatras si Virgo at tinuloy ang paghithit ng sigarilyo habang matalim ang titig sa kausap. "Look, Virgo, you're my cousin. You're a presidentiable. You left without your convoy. Siyempre, mag-aalala ako, okay?"

"I am not bringing any of your guards with me, Jordan."

"What?" pagsasalubong ng mga kilay nito.

"I'm cancelling Greg's vacation and moving it after the election," pinal niyang desisyon.

"My men kept you safe."

"But not my privacy," he hissed. "Bakit pati ganoong mga bagay, inaalam mo pa, Jordan?"

"Look, Virgo, I just got worried… Nakulit ko si Filemon."

He scoffed. "Nasa iyo lang ang loyalty ng mga tao mo, Jordan. Hindi ako istupido."

Natahimik ito.

Binalik niya ang mga mata sa pinsan. Ginagamitan na naman siya nito ng totoy looks. 'Yung tipong inaping bata na kailangan ng pakonswelo. He let out a sigh.

"I'm still hiring your guards. But I want Greg with us too, alright?"

"I'm just disappointed. Parang wala kang tiwala sa akin."

He chuckled. "Ako? Mawawalan ng tiwala sa iyo? Sa dami ng mga trabahong pinagawa ko sa iyo at sa mga tauhan mo?"

It finally dawned on Jordan. A creepy grin slowly crept on his face. Tila patabingi ang naging hiwa ng ngiting iyon sa mukha ng lalaki.

"Does it mean, you'll let me meet Bree?"

Mababa ang naging pagtawa ni Virgo at nilapit ang mukha sa pinsan. Virgo's smile was so promising, umasa tuloy si Jordan.

"No," he spat on his cousin's face.

Natigilan ito at napaawang ang bibig sa gulat. Umatras si Virgo ng lakad, na kay Jordan pa rin ang mga mata. He grinned in satisfaction before resuming his smoking. Nang makalayo, pumihit na siya patalikod para tunguhin ang daan papunta sa mga guest room.

"Come on, Virgo!" habol na nito. "That's Bree Capri! Kuya Jonathan and I are big fans!"

Mga malilibog na hayop talaga, ngisi ni Virgo sa sarili. Hindi pa rin niya nililingon ang pinsan. Nilakihan pa niya ang mga hakbang para hindi maabutan nito.

"Kailan ka pa naging madamot, Virgo?" pakikiusap pa rin ni Jordan.

He pulled the cigarette off his lips. "She's mine," walang-lingon niyang saad bago binuksan ang isang pinto, pumasok sa guest room, at mabilis na sinara iyon.
.
.
.
***
.
.
.
TAPOS NA ANG INTERMISSION NUMBER at pag-promote nila Bree sa The Righteous One, kaya hinubad na niya ang dress na ginamit sa pagsayaw. She returned to her white tube crop top and high waist pants.

SlideWhere stories live. Discover now