Chapter 53

2.7K 107 2
                                    

Trust

I tried to act that I'm not nervous while looking at my father. We had a simple celebration here in their house at halos mahulog ko na yung hawak kong cellphone ng tumunog ito. Kenrylle texted me that he's already outside kaya't mabilis ko syang sinundo doon. His hair was perfectly fixed now. Mas bagay sa kanya ang  clean cut plus tha fact that he already removed the diamond earing on his ear. He's also wearing plain v neck shirt and a short. He immediately touched my forehead seeing me in this kind of situation.

"What happened? Masama ba pakiramdam mo?" kaagad akong umiling dahil sa tanong nya.

"W-wala. Pasok na tayo sa loob." kinakabahan kong sagot. Sobrang aligaga ako dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. I've seen my father very strict noong ipakilala ni Jasmine si Tres kay papa. I hope everything went fine. Maya maya ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kenrylle was not letting go of my hand at wala na nga ata syang balak na bitawan ako.

"I love you," he whispered and because of that, kumalma naman ako ng kaunti.

Nang makapasok na kami sa loob ay nakatingin sila sa amin. Bumaba ang tingin nila sa kamay namin na magkahawak. I took a deep sigh bago ko nilakasan yung loob ko. This is the first time kaya no doubt kung bakit sobrang kabado ko.

"S-si Kenrylle po. Boyfriend ko." pakilala ko sa kanila. Kaagad namang tumayo sina mama, Jasmine at tita Janice samantalang naiwang nakaupo si papa kasama ni kuya Miko.

"Maupo kayo anak." wika ni mama. Napansin ko naman ang matalim na tingin ni papa sa boyfriend ko. I know he's just protective at me and he want to know more about Kenrylle before trusting him.

"Sigurado ka ba sa nararamdaman mo iho? Mga bata pa kayo at baka siguro naguguluhan pa kayo sa nararamdaman nyo." tanong ni papa. Natigilan tuloy ako sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Kenrylle habang naghihintay sa isasagot nya. 

"I already have plans for us, tito. That's how serious I am." he answered. Napangiti naman ako ng palihim kundi lang ako tinititigan ni kuya Miko. Bakit ba ang kontrabida nya ngayon?

"When did your feelings for her start? May balak ka lang bang lokohin ang mga kapatid ko?" it's now my brother's turn. Sa palagay ko'y sa pagkakataong ito, kinalimutan muna nya ang pagkakaibigan nilang dalawa. He knew about what happened to Kenrylle and Jasmine that time kaya't naiintindihan ko sya ngayon.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula. I fell for her unexpectedly. Nagising na lang ako bigla na may nararamdaman na ako para sa kanya. I hate to admit it. I keep on asking myself why her when she even questioned herself that she's not as beautiful like the others. But now, I already know the answer." naramdaman kong may humawak sa kamay ko sa ilalim ng table. Kung sya siguro yung dating Kenrylle na nakilala ko, masasabi ko na lang na sobrang corny nya.

It's a different feeling. I can feel the sincerity in him.

"What about your family? I heard that you're not in good terms with them. Ayokong madamay ang anak ko kapag mag asawa na kayo." I was waiting for Kenrylle's answer pero saglit itong natigilan. Sa sobrang straight forward ni papa magsalita ay hindi ko na tuloy napigilan pang magsalita.

"Pa, mga bata pa naman po kami. Marami pa pong pwedeng magbago. Wala pong ksiguraduhan na kami nga hanggang dulo." sagot ko. I'm just stating a realistic scenario. Pwedeng ngayon mahal ka pero bukas yung nararamdam nya wala na. Pwedeng dumating sa puntong mapagod kayong dalawa. Sumuko, bumitaw o di kaya naman magsawa.

"I will fix everything tito. If that's the only way to be with your daughter, I'll drop my pride. Wag po kayong mag alala hindi madadamay sa kahit anong gulo ang anak nyo." mas lalong humigpit ang hawak nya sa akin. I saw my mother ver teary- eyed the same goes to tita Janice. I know they're just happy for me. I'm so lucky with the man beside me.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon