Chapter 37

3.6K 149 3
                                    


Who?

My mouth was left open for seconds after what he had said. Hindi agad magsink in sa utak ko kung ano ba yung mga binitawan n'yang salita.

"What now Astrid?" tanong niya dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya. I don't like the way he look at me. Narealize ko na mas gusto ko na lang tuloy na palaging mainit yung ulo niya sa akin kaysa ganito.

Something is different from him. Something that I can't even put into words.

"May I know what's on your mind, ugly duckling?" tanong niya na ngayon ay nagsisimula na namang maggulo sa akin. Mas lalo itong lumapit sa akin kaya't todo ako sa pag atras.

"B-baliw ka ba?" I heard him chuckled right after I asked that question. Mabuti na lang at wala masyadong estudyante na pakalat kalat ngayon dahil class hours. Kapag may nakakita na naman sa aming dalawa na magkausap, paniguradong hindi na talaga matatahimik ang buhay ko rito.

"Seventy five percent yes. Why do you ask?" he smirk. Hindi ko na nakayanan pa ang presensya niya kaya't agad akong nag iwas ng tingin.

"W-wala naman. Mauna na ako," wika ko sa kanya pero bago pa man ako makaalis ay kaagad nitong hinawakan ang palapulsuhan ko.

Umakyat tuloy ang inis sa ulo ko dahil ayaw niya akong pakawalan. Ano ba kasing kailangan niya sa akin?

"Bitawan mo ako," naiinis kong sambit habang pilit na inaalis ang kamay niya mula sa akin.

"Always avoid that Forde's gaze, Astrid. You can't date anyone. Not even him," mas lalo akong natulala dahil sa sinabi niya. Who is him to meddle with my personal lives? We're not even friends. Bakit ba ang lakas ng loob n'yang sabihan ako tungkol sa mga bagay na dapat at hindi dapat kong gawin?

Matapos ang panlolokong ginawa sa'kin ni Kenrylle ay dumerecho na kaagad ako ng classroom dahil baka ma-late ako sa susunod kong klase. I was walking in the hallway when my sister's name registered on the screen. Mabilis ko namang sinagot iyong tawag niya.

"Hello Jasmine?"

"Are you busy, Venice? Can you cut classes right now?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. This is the first time that she called me to ask for a favor. Maybe it's something urgent at kahit na baka may makahuli sa aking hindi uma-attend ng klase, pumayag pa rin ako para tulungan siya.

"Nasaan ka ba?"

"I owe you for this, Venice. Thanks! I'll text you the address right away."

She hang up the call. After that, I immediately received a text message containing the address where she is. Mabuti na lang at hindi naka-duty iyong masungit na guard na madalas na nansisita sa akin ngayon. Yung matandang lalaking guard na naka-duty ngayon ay natutulog kung kaya't hindi ako nahirapang pumuslit palabas.

At dahil tirik na tirik ang araw sa dito sa kabilang kalsada kung saan ako naghihintay ng taxi,  medyo nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. I don't know if it's because I didn't eat a lot or I'm just too tired dahil kanina pa rin akong pauli uli.

Mabuti na lang at sa wakas ay may dumaan na ring taxi. Sasakay na san ako kung hindi lang naagaw ng isang matandang babae ang atensyon ko.

"Lola, kailangan niyo po ba ng tulong?" alok ko. Sa una'y todo pagtanggi ito ngunit ng mapansin kong hirap na hirap na siya sa dala dala n'yang mga bayong ay hindi ko ito tinigilan.

"Maraming salamat, apo. Pasensya ka na sa abala." wika niya at inilalayan ko na rin s'yang makatawid ng kalsada habang bitbit ang isa sa mga hawak n'yang bayong.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon