Chapter 31

3.6K 180 6
                                    

Missing

"Ano? Tama ba yung pagkakarinig ko teh? Sasali si president sa pageant?" hindi makapaniwalang tanong ni Jose.

"Oo," sambit ko bago sumulyap sa direksyon nina Kenrylle na ngayon ay pinapalibutan ng mga kaklase kong babae.

"Omg! Asahan mo ang suporta namin Kenrylle," rinig kong wika ni Klarisse bago sila nagtilian.

Napansin ko rin na busy sa paggawa ng banners yung iba para sa kanya. Wala man lang akong nakita ni isang pangalan ko bukod doon sa ginawa n'ong grupo nina Claudette.

Go Kenrylle Jin Monteverde and Sarayah Venice Astrid! Go class C!

Those were the words written on their banner.


"Aya, tumawag ba sa'yo si Andrew kagabi?" tanong ni Carl na hindi ko alam kung bakit sa akin ngayon nagtatanong.

"Oo. Bakit?"

"Did he tell you that he will be absent? Gagong 'yon ililibre dapat ako pero wala naman ngayon. Naisahan na naman ako ampucha," sambit niya pa na ngayon ay mukhang pagkain na naman ang nasa isip.

"Di'ba kayo ni Kenrylle ang kaibigan niya? Bakit kayo sa'kin nagtatanong?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Oh kalma! Gagalit na agad, e. Nevermind na nga lang." sagot nito habang nagkakamot ng batok.

Buong maghapon ay hindi talaga nagpakita sa amin si Andrew. Hindi ko na rin naman siya natawagan dahil antok na antok na ako kagabi. Saan ba kasi nagpunta ang isang 'yon at hindi man lang nagsasabi sa mga kaibigan niya?

"What did the two of you talked about yesterday? Did he tell you where he is?" Kenrylle asked pertaining to Andrew. Sa kalagitnaan nang pag iisip ko ay hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harapan ko ngayon.

"H-he just asked me how I am. Our conversation didn't last long dahil biglang namatay yung phone ko. Bakit? May problema ba?" he shook his head upon hearing my answer. Nang matapos ang aming final rehearsal ay hindi na kami nagkausap pa dahil mukha s'yang nagmamadali.

Pagkauwi ko ng bahay ay nagtanong na rin ako kay tita Veronica pero wala naman akong nakuhang sagot.

"Bakit iha? May nangyari ba?"

Umiling ako. "Wala po, tita."

"Ang mabuti pa magpahinga ka na lang, sweetheart. You need to rest dahil pageant mo na bukas," excited na wika ni mama na sinang ayunan naman ni tita Veronica.

"Naku! Bukas na bukas ay dadating na iyong mag aayos sa'yo iha. Sigurado akong magaling 'yong nakuhang makeup artist ng kapatid mo," aniya.

Gaya nga nang sinabi nilang dalawa, pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako ng kwarto ko para makapagpahinga. Jayniah seemed busy that's why I didn't have the chance to talk to her. Hihiga na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. Andrew's name flashed on my screen kaya't nagmamadaling sinagot ko 'yong tawag niya.

"Hi, milady. How's your practice?"

"Where are you?"

"It's a secret. I just called tonight because I want to say good luck. I know you can do it,"

"Your friends are worried about you. Bakit ba hindi ka pumasok kanina?"

"If I told you the reason, will you tell me that you miss me too?"

"H-hindi!"

After saying those, narinig ko ang mahinang halakhak niya sa kabilang linya.

"Just kidding. Don't worry, I'll be there tomorrow. You have my full support, milady."

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon