Chapter 30

4.6K 191 29
                                    

Partner

I was too early when I arrived at our room the next day. Hindi ko inaasahan ang paglapit sa akin ni Claudette gano'n din ang kaibigan n'yang si Iris.

"We're here to support you, Aya. Goodluck para mamaya." wika niya kaya't hindi ko maiwasang mapangiti. She's talking about the rehearsal that will happen later.

"Oo nga Aya. Huwag mo na lang pansinin sina Janica. Mga inggitera lang ang mga 'yon. You're beautiful, alright? " dagdag naman ni Iris. My confidence was somehow lifted after hearing those from them.

After someone excused me from my classes, doon na tuluyang humataw ang kaba sa dibdib ko. My forehead and hands started sweating.

"Sigurado ka ba talagang hindi ako pwedeng sumama? Kahit sa labas lang teh!" reklamo ni Jose. Gusto ko talaga siyang pasamahin para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko ngunit naalala ko iyong sinabi ni Ms. Medrano. He can't be excuse to our classes since he's not a participant.

"H-hindi talaga pwede Jose," sagot ko.

"Sige the, goodluck na lang." aniya na nakapagpangiti sa akin.

Bago ako pumunta ng rehearsal room ay pumunta muna ako sa locker ko para kumuha ng damit at makapagpalit. Agaw pansin naman sa akin yung nakadikit na note na may kasamang tatlong pulang rosas.

Goodluck, milady.

Napailing na lang ako sa ginawa ni Andrew. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya. After staring at those roses for short moment of time, I deiced to put it inside my locker bago ako umalis para umattend ng practice namin.

"A-anong ginagawa mo rito?" my brows furrowed in confusion after seeing Kenrylle here infront of the rehearsal room. Akala ko ba ay bawal pumunta rito kapag hindi naman contestant?

"What took you so long?" tanong nito sa halip na sagutin ako.

"N-nagpalit lang ng damit. H-hindi ka ba a-attend ng klase?

"Ms. Medrano told me to accompany you," sagot niya na hindi ko naman kaagad magawang paniwalaan.

"H-hindi ba tayo mapapagalitan?" tanong ko ulit na ngayon ay natatakot pa ring pumasok sa loob.

"You're just wasting time for asking such nonsense questions, Astrid." aniya na mabilis na nakahalata sa ginagawa ko. I was really nervous going inside. Baka unang pasok ko pa lang ay pagtawanan na nila ako kaagad.

"Let's go." napaawang ang labi ko ng hawakan niya 'yong kamay ko. When we're already inside, tsaka niya lang ako binitawan.

"Stop getting nervous. I won't leave you here," hearing those words from him made me a bit calm somehow. He became true to his words. Nang papuntahin kami ng trainer sa gitna ay naghila naman siya ng upuan at dinala sa unahan para manood.

"Hey, I think I already saw you before," napatigil lang ako sa pagtingin kay Kenrylle nang may magsalita sa tabi ko. Bigla ko tuloy naalala yung kahihiyang nangyari noon. I mistakenly accused him as my stalker who keeps putting chocolates, flowers and notes in my locker. He was Raiko Villanueve, Claudette's twin.

"I don't think so. B-baka kamukha ko lang." pagsisinungaling ko. Tumitig pa ito sa akin ng ilang segundo na parang inaalala kung saan ako nakita. Mabuti na lang at pagkatapos n'on ay hindi na siya muling nagtanong pa.

Looking at the other contestants with their overflowing confidence made me feel inadequate. Sa kalagitnaan ng pagpa-practice ay hindi pa rin mapigilan ang pangangatog ng parehong tuhod ko. Every time na napapatingin naman ako ay Kenrylle ay mas lalo akong kinakabahan. His eyes were all on me. He never looked into anyone.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon