Chapter 12

4.5K 213 40
                                    


This chapter is dedicated to Heart Angel Piape. Thank you so much for reading and appreciating my stories. Godbless!


----

Fold your finger

Three days had passed since Jayniah and I saw each other. I went to their room to ask her classmates and they just told me that she's sick so she can't attend her classes. I keep on texting and calling her but she's not even replying. I can't help myself but to get sickly worried about her condition.

Nag ipon ako ng lakas ng loob para lumapit kay Kenrylle. Bago pa man siya makalabas ng pinto ay agad na akong humarang doon. Nagulat tuloy si Andrew tsaka si Carl na nasa likod n'ya.

"What?" ramdam ko ang inis sa boses nito. If it wasn't because of Jayniah, I will not waste my time just to talk to him.

"M-may balita ka ba kay Jayniah?" nag aalalang tanong ko. Gusto kong magpunta sa kanila pero hindi ko naman 'yon magawa. Before going to their house, I always ask for her permission.

"She's sick. You want to come with us?" hindi na ako tumanggi pa sa sunod n'yang sinabi. I immediately get my bag and I was about to go when Jose blocked my way.

"Saan kayo pupunta? May susunod na klase pa tayo ah?" pag usisa n'ya pero wala na akong panahon pang magpaliwanag. Baka kasi dumating na yung sunod naming teacher at hindi na kami makaalis.

I hate ditching classes. Paniguradong kapag nalaman ito ni mama ay kaagad n'ya akong papagalitan.

Kahit labag man sa kalooban ko, sumama ako kina Kenrylle. Pilit na isinantabi ko muna yung inis na nararamdaman ko bago sumunod sa kanila. He told me that he had a student license that's why he's allowed to drive.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Andrew. Pinigilan ko ang sarili kong mainis dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya tumitigil sa ginagawa n'ya.

"Saan ba ang lakad n'yo?" napalingon ako ng marinig ko ang boses n'ya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jose. Why did he ditch classes?

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. Medyo nasasanay na din ako na palagi s'yang sumusunod sa akin. He told me to just let him feel that we're close. He even offered friendship pero hindi ko alam kung seryoso ba s'ya o nagbibiro lang.

Kenrylle was the one driving kaya't kitang kita ko ang pagsulyap n'ya sa akin sa mirror. Beside him was Carl. Nasa backseat naman kaming tatlo. I was in the middle of Jose and Andrew.

Eveything going well not until I felt what Andrew did beside. Ramdam kong pumapatak ang ulo n'ya sa balikat. I already warned him before pero hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nakikinig sa akin.

"Gusto mo bang makatikim?" inis na inis na tanong ko bago inalis yung ulo n'ya sa akin.

Sa halip na lumayo, nagawa pa n'yang ngumisi.

"Alright, I decided to continue what I'm doing. Gusto kong makatikim, e" namilog ang mga mata ko kasabay ng biglaang pagpreno ng sasakyan.  Kung wala lang siguro kaming suot na seatbelt ay baka nabukulan na ang ulo ko.

"Chill lang kayo. Hinay hinay sa pagdadrive, pre." natatawang wika ni Carl bago tinapik ang balikat ni Kenrylle.

"Bakit naman kasi ang sweet n'yo teh? Nilalanggam na kami dito." wika naman ni Jose. If only I knew that he will be very annoying, sana hindi ko na lang s'ya hinayaang sumama.

Napawi lang ang inis ko ng huminto na ang sasakyan. Kaagad akong lumabas at bumungad naman sa akin ang bahay nina Jayniah. It's been a month since I went here. Kenrylle seems like he's here everyday.

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon