Chapter 8

5.1K 268 41
                                    


Saved

The next day, I received a note from a stranger again. I thought that someone who pretended as my secret admirer will surely stop from what he is doing since I already locked my locker but I was wrong. Hindi pa man ako nakakarating sa tapat ng locker ko ay agaw pansin na kaagad ang kulay neon green note na nakadikit.

Thank you for watching yesterday. I really did my best to win the game. Always smile, milady.

Sa sobrang inis ko ay nilukot ko na lang yung note na binigay n'ya bago tinapon sa basurahan. Maling mali ako sa part na pinag aksayahan ko ng oras ang bagay na 'to. Pagkarating ko ng room ay kaagad kong nakitang may hawak na limang libro si Kenrylle.

"Anong gagawin ko dito?" inis na tanong ko dahil ibinigay n'ya 'yon kaagad sa akin.

"Return that in the library," utos n'ya. Sa sobrang galit ko sa kanya ay kaagad ko 'yong binagsak. I hate acting this way.

I know I'm kind. Ayoko lang talaga na sinasagad yung pasensya ko.

"You want help?" bago pa man ako makapagsalita ay mabilis na sumulpot sa tabi ko si Andrew. Sa tabi n'ya ay si Carl. Kaming apat lang ang nasa room ngayon. Siguro ay nanonood ng football game yung iba kong mga kaklase.

Hindi ko alam pero awtomatikong umiinit talaga ang ulo ko kapag nakikita ko silang tatlo. Sa halip na makipag usap o makipagtalo, mas minabuti ko na lang na lumabas ngunit bago pa man ako makahakbang ng tatlo ay narinig ko na naman ang boses n'ya.

"Return these and I'll talk to her," napahinto naman ako sa sinabi n'ya. Actually, kagabi pa ako panay texts kay Jayniah pero hindi naman n'ya ako nire-replyan.

Kenrylle was the only choice I have kahit na galit na galit ako sa kanya.

Napasinghap ako bago muling humarap sa kanila at kinuha 'yong mga libro. Namilog naman ang mga mata ko hampasin 'yon ni Andrew kaya't nahulog lahat sa sahig.

"Tanginang mga librong 'to, pakalat kalat." aniya bago pinagsisipa ang mga libro sa sahig. Pagkatapos n'on ay kunot noo s'yang tumingin sa akin.

"Hindi ka pa lalabas?"

At this point, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matalim ang titig sa'kin ni Kenrylle na parang sinasabing pulutin ko ang mga libro sa sahig at dalhin sa library. Sa kabilang banda naman, kinakabahan ako kay Andrew. Mainit ang ulo nito na parang anytime gusto ng manghampas ng libro.

"Dami n'yong satsat. Gutom na ako, tara na nga," nagulat ako ng hawakan ni Carl ang palapulsuhan ko. Nang makalabas kami ay doon lang s'ya natauhan sa ginawa n'ya.

"Bakit mo ako hinawakan?" napailing na lang ako sa kayabangan n'ya. He's the one who holds me. Imposible naman na hindi n'ya sinadya 'yon.

"Ewan ko sa inyo," sagot ko bago ako umalis sa harapan n'ya. Hindi na ako magtataka kung bakit naging magkakaibigan yung tatlo. Pare parehong mga kalokohan ang tumatakbo sa isip nila.

Maya maya pa ay nagulat ako sa biglaang pag-vibrate ng cellphone ko.

Jayniah:
Go to the cafeteria. I miss you so much Sarayah. I'm sorry.

Nawala ang inis ko nang mabasa ko ang text n'ya. I immediately head my way to the cafeteria. Hindi naman ako nahirapan na hanapin s'ya dahil kumaway ito sa akin.

Pagkarating ko d'on ay kaagad n'ya akong niyakap.

"I'll treat you as my peace offering. What do you want?"

The Jerk Is Our Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon